Chapter 6

1.3K 49 1
                                    

Chapter 6:

Hindi ko talaga maisip kung ano kinakain ni Alex at palagi niya akong iniinis. Halos sa araw-araw na lang eh, nakakainis. "May araw talaga sa akin 'yang bwisit na 'yan," bulong ko sa hangin at tumayo na sa kama ko. Sa sobrang bwisit ko bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya lumabas ako ng kwarto.

Mabilis na nawala ang uhaw ko nang marinig ko ang boses ng mokong. Nang sumilip ako sa sala nakita ko sila ate na kausap si Alex.

"Kumusta naman ang future nurse namin? Balita ko ay dean's lister ka? Naku! Ang pogi-pogi mo na! Ang talino mo pa!" Matamis naman na ngumiti ang mokong sa puri ni mama.

At halos mahimatay ako nang gumawi ang tingin sa akin ni Alex.

"Babe! Halika rito! May dala ako para sa 'yo!" Marahan siyang tumayo at nagpaalam kayla mama na kakausapin niya ako. Nakita ko kung paano maghampasan si mama at ate dahilan para ngumiwi ako. Pumasok si Alex sa kusina at lumapit sa akin.

Yuck.

"Wala ka bang class ngayon? Saturday ah?" Mabilis siyang umiling at inabot sa akin ang dala niyang paper bag.

"Talagang ako lang tinanong mo?" tanong niya, natatawa. Mabilis ko siyang iniripan."Makikita mo ba ako rito kung may pasok ako?"

"Same question," banat niyang sagot na ikinainis ko.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin babe?" Ngumuso siya dahilan para mabilis kong hinampas ang dibdib niya.

"Ang dami nitong arte edi CONGRATULATIONS!" diniinan ko ang salitang 'congratulations'.Ngumiti siya at inakbayan ako.

"Magbihis ka na at may date tayo." Mabilis ko siyang tinulak.

"Sir4ulo ka ba? Anong may date? Nagpapanggap lang tayo sis, tigilan mo ako!" Nagkibit balikat siya at ngumisi.

Mabilis kong kinuha ang baso sa lamesa na may laman na tubig. Nakalimutan kong nauuhaw pala ako kanina. Mabilis kong tinungga ang baso.

"Actually, nasabi ko na nga kay mommy na may TAYO." Halos maiyak ako sa samid sa narinig ko.

"ANO?!" Ngumisi siya. Nilapag ko ang baso sa lamesa at mabilis kong piningot ang tenga niya.

"Hoy! Umamin ka nga sa akin? Nagpapanggap lang ba tayo o totoo na 'tong ginagawa natin?!" naiinis na tanong ko at mas lalong nilakas ang paghila ko sa tenga niya.

"Aray! Bitawan mo nga tenga ko babe! Sige ka baka mabingi ako!" Binitawan ko ang tenga niya at masama siyang tinignan.

Napansin ko kung paano siya ngumiwi habang hawak ang tenga niya.

"Ang sakit ah!" Halos maluha siya sa ginawa ko.

Bigla akong naguilty.

"Sorry na! Ikaw kasi!" Natawa siya at pinisil ang pisngi ko dahilan para tabigin ko ang kamay niya.

"Ayoko ng sorry." Mabilis niyang tinuro ang labi niya.

"Ano 'yan? Tang*na HAHAHAHA mukha kang bibe! Tigilan mo iyan!"

Tumatawa ako pero siya nakanguso pa rin.

"Bayaran mo iyong ginawa mo sa akin!" Ngumiwi ako sa sinabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Lumapit siya sa at akin at nilapit ang mukha niya.

"Kiss." Halos magtama ang tungki ng ilong namin.

"A-Ano? Sir4ulo ka ba??" Tinulak ko ang mukha niya pero hindi siya natinag.

"Ayaw mo? Edi ako na lang." Hindi ako makagalaw sa sinabi niya.

Ano bang sinasabi niya? Tinignan niya ang mga mata ko hinalikan ako sa pisngi na ikinagulat ko. Pero hindi pa rin siya natinag at nanatiling malapit ang mukha niya sa akin. Halos mahimatay ako sa gulat sa sumunod na nangyari.Hinalikan niya ako sa gilid ng labi ko.

Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now