Chapter 11

1.1K 50 1
                                    

Chapter 11:

Halos pigil ang hininga ko sa nakita kong invitation card mula sa Grand Hall.

"Seryoso pala talaga si Alex ampuchx," natatawang sabi ko nang makita ko ang name ni Alex sa invitation card pati picture niya na kasama ang bandmates niya.

"Infairness, ang pogi niya rito." Tinitigan ko pa ang picture niya.

"Salamat babe." Nabigla ako nang may umakbay sa akin.

"Wala kang narinig!" singhal ko sa kaniya na tawa lang ang tugon niya.

"Babe, hindi pwedeng wala ka ro'n." Inayos niya ang suot niyang long sleeve polo shirts.Natawa ako nang mahina sa ayos niya.

"Kamukha mo crush ko." Ngumisi siya.

"You mean ako? Ako naman talaga crush mo." Hinampas ko siya sa braso.Bwisit talaga 'to.

Hindi ko napansin na bitbit niya ang electric guitar niya. Halos magulat ako nang tumunog ang bell. Senyales na magsisimula na ang event.

"Fck." Mabilis niya akong hinalikan sa noo na ikinagulat ko.

"Babe, sa backstage ako dadaan. Pumasok ka na lang sa Grand Hall. May pwesto akong nilaan para sa 'yo roon. Pangalawa sa unahan." Tumakbo na siya.

Pumasok ako sa Grand Hall at natigilan ako nang makita ko ang pwesto na sinasabi ni Alex.Nakaupo si Monica kasama ang mga alipores niya. Umupo ako sa likod nila at hindi nila napansin iyon. Rinig na rinig ko ang boses nila Monica.

"Kasama raw si Alex magpeperform ah! Swerte mo sis!" Humagikhik si Monica.

"Alex still loves me ano! Look! Talagang nagtira siya ng one chair for me!" Tumawa sila.Natigilan ako, pero hindi ako naniwala sa sinabi ni Monica.

Nagsimula na ang masigabong palakpakan nang lumabas mula sa backstage ang unang banda na kakanta. Natawa ako nang mahina nang makita ko ang vocalist mula sa unang banda.Cute.

"Ang ganda ng boses." bulong ko sa hangin. Halos matigilan ako nang magtama ang tingin namin dalawa.

Teka, familiar 'yon ah. Ngumiti siya sa akin, hindi ko alam kung para sa akin o sa kung sino pa man. Pero hindi ako pwedeng magkamali, kilala ko siya.Hindi kaya siya si ano.

"JIRO?!" Napatakip ako ng bibig nang masigaw ko ang pangalan na Jiro. Buti na lang at malakas ang tugtugan ngayon. Bwisit, si Elijah Jiro L. Chen 'yon ah. Tangna, siya iyong crush ko dati no'ng high school ako. Grabe, naalala ko dati kung paano ako magpapansin sa kaniya. Omy, ayokong makita mukha niya. Sa sobrang badtrip ko sa kaniya noon, hinampas ko siya ng libro sa mukha.

Nang matapos nang kumanta ang unang banda ay bumaba na sila sa stage. Nagulat ako nang tumabi si Jiro sa akin.

Come on, Kath. Ignore lang. Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin. Leche, naalala niya 'ata ako.Lumabas ang sunod na banda at sila Alex na.

Napansin ko na lumibot ang mata ni Alex. Halos bumilis ang tibok ng puso ko nang tignan niya ako ng diretso. Ngumiti siya.

"Put your hands together for K-MSC BAND."Halos mabingi ako sa lakas nang palakpak ng mga tao rito. Pambihira, mabibingi ako.

"Pogi talaga ng ex mo Monica!" Napairap ako sa sinabi ng alipores ni Monica.

Nagsimula nang tumugtog ang banda nila Alex. Hindi mawala ang ngiti ko nang si sinimulan na ni Alex tugtugin ang electric guitar niya. Sht! Familiar 'yong tinutugtog nila.

"Georgia, wrap me up in all your-I want you in my armsOh, let me hold youI'll never let you go again like I didOh, I used to say"Halos magwala ang puso ko nang hindi inalis ni Alex ang tingin niya sa akin. "I would never fall in love again until I found her"I said, "I would never fall unless it's you I fall into"I was lost within the darkness, but then I found herI found you"

Nakita ko kung paano lumingon si Monica sa gawi ko at halos pat4yin ako ni Monica sa tingin niya.

"Let's go!" Halos sabay-sabay na tumayo ang mga alipores ni Monica at umalis sa Grand Hall.Ngumiti si Alex sa akin habang patuloy na kumakanta. Teka, kinikilig ako.

"I would never fall in love again until I found herI said, "I would never fall unless it's you I fall into"I was lost within the darkness, but then I found herI found you"

Halos mabingi ulit ako sa malakas na palakpak. Akala ko tapos na, kaya nagsimula na akong lumakad palabas ng hall.

Pero halos mabingi ako sa sunod na narinig ko.

"Hello my gorgeous girlfriend, Kath. Please clear your schedule tonight, and be my date tonight"

SHT! ANO NA NAMAN 'TO ALEX? SA HARAP NG MARAMING TAO? INAYA MO AKO NG DATE? 

Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now