Chapter 17

985 35 1
                                    

Chapter 17:

May pasok kami pero puro laro lang magaganap sa school. UE-Week kaya hindi na ako pumasok. Ayoko rin naman magmukmok dito sa kwarto ko. Pumunta ako sa Jollibee kasi gusto kong kumain. Pero nagulat ako sa nakita ko, sa isang side si Jiro na kasama ang mga kaibigan niya. Sa kabila naman ay sina...

Alex at Monica.

Ayoko na pala rito.

Lalabas na sana ako nang may marahan na humawak ng braso ko.

"Doon ka sa table namin." bulong niya dahilan para lumingon ako.Jiro.

Alam niyo si Jiro iisipin ko ay isa siyang kabute dati.

"Hindi na Jiro, lalabas na rin ako."

Tumingin ako sa gawi nila Alex. Hindi sila nakatingin sa gawi ko.

"Huwag mo na silang tignan."

Para akong bata na hinatak ni Jiro sa table nila.

"HI KATKAT." Ngumiwi ako ng may damulag na yumakap sa akin.

RYAN?

"Bakit ganiyan mukha mo?" Humagikhik si Ryan at pinakilala ako sa mga kaibigan nila.May subo pa rin siyang lollipop, walang bago.

Nagtaka ako na hindi niya pinakilala ang isang babae.

"Girlfriend mo?" Tumawa si Jiro.

Sabay na hinampas ng babae si Ryan.

"HUWAG KANG UUWI SA BAHAY!"

"TALAGA!"

Marahan na hinawakan ni Jiro ang balikat ko.

"Kambal sila." Natawa ako kasi para silang magjowa na nag-aaway.

"She's Rya." Lumingon saglit sa akin si Rya at malapad na ngumiti.

HA? PANIBAGONG WEIRDO NA NAMAN?

Umupo ako sa table nila at nagulat ako na may dumating na order.

"Chill mga bro, Woahh! May chikababes oh!" Iniripan ko ang isa nilang kaibigan. Aba, bastos.

"Shut the fck up Jasper!" Tumawa si Jasper.

Pangalan pa lang, barumbado na.

 Napawi ang atensyon ko kay Jasper na may nakita akong dalawang lalaki sa tabi ni Jasper.

"He's Ice." Turo niya sa kanan ni Jasper. Walang pakialam ang mokong.

"And he's Prince." Ngumiti sa akin si Prince.

Nagulat ako nang maghampasan sina Ryan at Rya. At nag-aagawan sila sa chicken.

"MINE WINGS!"

"AKIN YAN!"

Huminga nang malalim si Jiro.

"Pwede ba? Tigilan niyo 'yan!"Sabay na lumingon ang dalawa. Pareho silang malapad na ngumiti at tumahimik. Ang weird ng dalawang ito. Sunod ay kumain na kami, bigla akong nakaramdam na nawiwi ako.Tumayo ako at nagpaalam saglit. Pumunta ako sa restroom at sa hindi sinasadya nakabunggo ako. Tumapon ang ice cream sa white uniform niya.

Holy sht.

"Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya!"

"OMYGHOD! ANG TANGX-TANGX MO NAMAN! NATAPUNAN MO NG ICE CREAM ANG BOYFRIEND KO! SA TINGIN MO BA MALILINIS MO AGAD 'YAN?!"

Umangat ako ng tingin. Halos magtama ang tingin namin pero hindi iyon nagtagal. Umiwas ako ng tingin at natatarantang umalis sa harap nila.Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Jiro at nagmamadali akong lumabas sa Jollibee. Hindi ko na mapigilan, umiiyak ulit ako. Para akong tangx pero sobrang sakit kasi.

"Hanggang k-kailan 'to?" Tinakpan ko ang bibig ko pigil ang mga hikbi ko.Mabilis na may yumakap sa akin at sinuotan ako ng sumbrero.

"Hanggang mahal mo siya."

Yumakap ako pabalik.

Jiro..

"Shhh, iyak mo lang iyan. Tandaan mo na naiintindihan kita palagi." Hinaplos niya ang buhok ko.

Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat ni Jiro at sa hindi inaasahan.Nakita ko, kitang-kita ko kung paano umiwas ng tingin si Alex. Hindi siya malayo pero sapat iyon para makita ko ang kabuoan niya.

Nakatanaw siya sa pwesto namin, nagtama ang mga mata namin.Nasasaktan at umiiyak ay pinilit kong ngumiti sa kaniya. Hindi ko alam kung nanlalabo lang ba ang paningin ko.

Pero nakita ko kung paano bumalik ang buhay sa mga mata niya. Nasasaktan ka ba talaga, Alex? Ako pa rin ba? Pero bakit ginaganito mo ako?Akala ko ba mahal mo ako? Pero bakit kayo na ng ex mo, Alex?

Bakit?



Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now