Chapter 3

1.6K 54 1
                                    

CHAPTER 3:

"Pero nagbago po ihip ng hangin kaya ngayon girlfriend ko na po si Kath." Halos mabilaukan ako sa narinig ko.

ANO?! HINDI KASALI SA USAPAN NA SASABIHIN NIYA KAYLA MAMA NA GIRLFRIEND NIYA AKO!

Halos tumalon ang ate ko sa tuwa samantalang sila mama at papa ay pumalakpak.

"Nagkatotoo na ang ating hiling Jonas." Sumandal pa si mama sa balikat ni papa na nagpangiwi sa akin. Ganito ba talaga sila kay Alex? SANA OL PO MAMA AT PAPA.

Holy sht, lumingon ako sa gawi ni Alex. Malapad pa rin itong nakangiti, tinignan ko ang paa ni Alex sa ilalim ng lamesa. Mabilis ko itong inapakan nang malakas dahilan para sumigaw si Alex, palihim akong natawa.

"Aray!" Mabilis na kumunot ang noo nila mama.

"Huwag ho kayong mag-alala may aso ho ata kayo rito. Para po kasing kinagat 'yong paa ko."

Mabilis na uminit ang ulo ko, bwisit talaga itong kup4l na ito.

"Anyway, uuwi na po ako tita. Baka naman, pahatid naman ako sa gate ehem." Mabilis akong tinignan nila mama.

Alam niyo ba iyong tingin na ano parang sinasabihan ka na agad ng mga dapat mong gawin? Minsan iniisip ko kung anak ba talaga nila ako. Nakakasama kasi ng loob.

Nakakainis talaga, bwisit na buhay ito. Ano na naman ang pumapasok na demonyo rito kay Bebot. Nang makalabas kami sa bahay ay narinig ko ang pigil na tawa ni Alex.

"Hoy! Tumigil ka nga diyan! Bwisit ka! Akala ko ba naman sa labas lang tayo magpapanggap! Tapos malalaman ko na sasabihin mo pala kayla mama! BWISIT KA!" Tumawa siya na halos mapaupo na sa sahig dahilan para mas lalong kumulo ang dugo ko.

"Alam mo Kath, alam kong crush mo ako kaya magpasalamat ka na lang na ako mismo nagsabi kayla mama na girlfriend mo ang gwapong ako." Mayabang pa na ngumisi si Alex.

BWISIT! BWISIT!

"Umalis ka na nga!" Tinulak ko siya palabas ng gate. Pero masyadong malakas ang mokong kaya parang hindi siya tinatablan ng mga tulak ko.

"Teka lang naman Kath, ano ba call sign natin? Ahm babe." Napahampas ako ng noo ko. Putangxna? Anong babe?

"Anong babe? Umuwi ka na nga! Binabadtrip mo lang ako!" Tinuro ko ang gate pero kumibit balikat lang siya.

Gusto kong sumabog sa inis. Nakakainis!

"Babe naman, pinagtatabuyan mo na ba ako? Hindi mo na ba ako mahal?" Umakto pa siya na parang iiyak at ngumuso pa. Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa inis.

MAY ARAW KA TALAGA SA AKIN ALEXANDRO KETH P. SALAZAR.

Alam niyo? Badtrip na badtrip na talaga ako.

"Ayoko, may nakakalimutan ka." Ngumisi pa ito.

Mayabang siya na sumandal sa pader malapit sa gate namin at kinindatan ako.

Holy cow, ano ba 'tong nakikita ko? NAKAKASUKA!

"Chillax babe! Anyway, susunduin kita bukas dito. Dahil simula ngayon, sabay na tayong papasok at ihahatid kita rito pauwi."

Huminga ako nang malalim. Maghunos dili ka Kath, pigilan mo ang sarili mo.

"UMALIS KA NA NGA!" Tumawa siya at lumapit sa akin.

"Oo na, aalis na." Ginulo nito ang buhok ko.

Natigilan ako nang mapansin ko na ang lapit pala namin sa isa't isa.

"May nakalimutan ka."

"Ano na naman? Umuwi ka na kup4l!" Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko.

Tinabig ko ang kamay niya.

"Hoy! baka nakakalimutan mo na nagpapanggap tayo!" inis na singhal ko sa kaniya.

Nagkibit balikat siya.

"Ano naman? Aalis ako kapag ginawa mo na ang nakakalimutan mo."

Iniripan ko siya, bwisit ka talaga.

"Ayaw mo? Sige ako na lang." Tinignan niya ako ng diretso sa mata at pinisil ang pisngi ko.

Pero halos hindi ako makagalaw sa sunod na ginawa niya.

He kissed my forehead and said those words that I had never heard from him before.

"I love you, babe."



Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now