Chapter 13

1.1K 39 0
                                    

Chapter 13:

Sumilip ako sa room ng council at halos mapaatras ako nang may humawak sa balikat ko.

"Sino sinisilip mo riyan?" Kumunot ang noo ko sa nakita ko.

Ang tanda na nito pero may subo-subo siyang lollipop. Suot niya ang eyeglasses niya at bagsak ang buhok nito. Tinignan ko ang uniform niya at nakita ko na katulad din pala siya ni Jiro, psychology student.

Nabigla ako nang lapitan niya ang mukha ako at tinitigan nang matagal.

"Ikaw pala girlfriend ni Alex?" Ngumiwi ako nang dilaan niya ang lollipop niya na parang bata.Sht, what the hell?

Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinaupo ako sa gang chairs malapit sa pintuan.Naningkit ang mga singkit na mata nito habang tinitigan ako. Nakakadiri talaga kung paano niya dilaan 'yong lollipop.

"Ikaw! Ikaw iyong babaeng humampas ng libro sa best friend ko!" halos pumutok ang ugat niya sa lalamunan habang sumisigaw.

Nanlaki ang mata ko kaya tinakpan ko ang bibig niya. Nandiri ako nang mahawakan ko ang lollipop niya.

YUCK!

"Wala na! Marumi na!" Halos maiyak siya nang nakita niyang nahawakan ko ang lollipop niya.Napahampas ako sa noo ko, jusko kaninong anak ba 'to?

"Huwag ka nang umiyak, ibibili na lang kita!" panic na sabi ko sa kaniya dahilan para ngumiti siya.

Weirdo.

Mabilis akong nag alcohol ng kamay at tinignan ulit siya.

"Best friend mo si Jiro?" Tumango siya.Nakita ko name niya sa ID.

Ryan Lee?

"Weirdo pati name," bulong ko.

"Narinig ko 'yon!"

Huminga ako nang malalim. Ganito ba talaga ka-weird ang mga psychology student?Napabalikwas ako sa upuan sa sumunod na nangyari.

"XANDRO!!"

Natawa ako sa gulat na reaksyon ni Alex nang may yakap na dumapo sa kaniya.

"What the hell? Ryan! "

Hagikhik lang ang tugon ni Ryan.

"She misses you! She even told me that she wants a kiss from you!" Tumawa si Alex at tinignan ako.

"Teka? Magkaibigan kayo?" Tumawa si Alex at tumango.

"Lahat dito ay kaibigan niya."

Hindi na ako nagtaka sa sinabi ni Alex, friendly nga si Ryan. Nagpaalam sa akin si Alex na papasok sila sa room. Humalik sa noo ko si Alex, walang tao sa hallway kaya nakalusot.Pumasok si Ryan sa room ng officers kasunod si Alex.

Halos atakihin ako sa puso sa nakita ko. Jiro?

"Nagulat ba kita? Ibigay mo ito kay Ryan. Hindi ka niya tatantanan hangga't hindi mo napapalitan lollipop niya. Magagalit 'yan." Kinuha ko ang isang balot ng lollipop. Matagal niya akong tinitigan bago umalis sa harap ko.

Mga weirdo.

Sabay na lumabas sila Alex sa room at mabilis na kuminang ang mata ni Ryan sa nakita niya. Mabilis kong binigay sa kaniya ang isang balot ng lollipop at yakap ang sukling natanggap ko sa kaniya.

Ngumiti si Ryan at umalis na sa harap namin.

"Weirdo." Ginulo ni Alex ang buhok ko.

"Where's my kiss?" Masama ko siyang tinitigan.

"Naniwala ka talaga sa sinabi ni Ryan?" Tumango siya.

"Hindi siya nagsisinungaling." Iniripan ko siya. Wala naman talaga akong sinabi sa weirdo na 'yon!

"Talaga lang?" Ngumisi siya.

Napansin ko na tumingin siya sa paligid bago ibalik sa akin ang tingin niya.Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Niyakap niya ako at matagal na tinitigan bago niya gawin ang isang bagay na ikinagulat ko. Hinalikan niya ako sa labi! Pareho kaming gulat napalingon sa boses na narinig namin.

"Sht!" bulong ni Alex.

"Sweet!"

Potx?

RYAN? AKALA KO BA UMALIS NA SIYA??

"YEY! CHEERS TO THE CUTIE COUPLE!" Tumalon siya sa tuwa at pumalakpak. Tawa ang tugon ni Alex. Napahampas ako ng noo ko. Jusko, ayoko na sa buhay ko. Dumagdag pa ang pasaway sa buhay ko.

Ayoko na kunin niyo na si Alex tapos isako niyo si Ryan!

Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now