Chapter 9

1.1K 43 7
                                    

Chapter 9:

Masamang titig ang binigay ko sa kaniya dahil kanina pa siya hindi mapakali sa papel hawak niya. Hanggang sa naisip 'ata ng mokong na ibigay na sa akin.

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko bago binigay sa akin ang papel.

"Bigay mo 'to sa kaniya." Kumunot ang noo ko. Kaya mabilis kong binuksan ang papel.

"HUWAG MONG BUKSAN!" Natulala ako sa nabasa ko.

Matagal ako bago nakapagsalita.

"Ahh, para sa kaniya ito?" Tumango siya at nahihiyang umiwas ng tingin.

Pareho kaming tahimik habang naglalakad papuntang University. Pero kahit gano'n, hindi binibitawan ni Alex ang kamay ko.

Nang tignan ko ang kamay niya, nasaktan ako. Sa susunod, iba na hahawak sa kaniya. Nang dumating kami sa University, hinatid niya ako sa room ko na wala pang tao. Ang aga pa kasi, nakakainis talaga 'to si Alex. Ginulo niya lang ang buhok ko tapos umalis na siya. Umupo ako sa unahan at tahimik na nakatulala sa kawalan. Nang mabasa ko name ng taong iyon, hindi ako makapaniwala.

"Bakit si Denise pa?"

Matagal akong tumitig kay Denise bago naglakas loob na lumapit sa kaniya at binigay ang papel na pinapaabot ni Alex.

Natigilan ako sa reaksyon niya, ang lapad ng ngiti niya. Ano 'to? Ginagagx ba ako ng dalawang ito? May relasyon ba sila? Sila na ba?! May hindi ba ako alam??

"Bes! Ano ka ba?! Labasan na! Kaloka ka!" Malapad ang ngiti ni Denise na hinahatak ako.

"Naghihintay na si Alex!" Hindi ako kumibo, hinayaan ko lang siya na hatakin ako.

Sana ol mahilig magbigay ng mixed signals tapos hindi ka pala gusto.

"Alex!" Halos hindi ako makagalaw sa sigaw ni Denise.

"Nandiyan na pala kayo." Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa.

Putangna, masakit. Hindi na ako magsisinungaling, gusto ko si Alex. Hindi, mahal ko siya. Maarte lang pala talaga ako.

"Kath, may aaminin sana kaming dalawa." Umangat ako ng tingin. Halos madurog ako sa pwesto nilang dalawa. Ginagagx ba talaga nila ako?

"Huwag ka sanang magagalit." Ngumiti si Alex sa akin.

Pigil ang luha kong magbagsakan. Anong sasabihin nila? Sila na ba? Ano?!

"Ano?! Huwag niyo ako gawin tangx rito!" singhal ko, naramdaman ko na lang na may luha sa mga pisngi ko.

"Bes? Bakit ka umiiyak?" Nagkatinginan sila ni Alex.

"Wala pa akong sinasabi, teka lang bes." Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya.

Pinahid ko ang luha ko, pero kahit anong pahid ko. Patuloy pa rin na pumapatak.

"Gagx ka rin 'no Alex?! Pinagmukha mo akong tanga! May nalalaman ka pang nagpapanggap tapos lahat na lang! Palaging may motibo!" Tinakpan ko ang bibig ko ayokong humikbi.

Teka, nasasaktan ako. Parang ang OA ko pero girl, masakit kaya!

"Ha? What are you talking about?" Lalapit sana sa akin si Alex nang iharang ko ang kamay ko. Senyales na huwag niya akong hahawakan.

Tinalikuran ko sila. Mga gagx!

"Hiningi ko lang permiso ni Denise!" Natigilan ako at humarap sa kanila. Ano?

Kumindat sa akin si Denise at tumakbo papalayo. 

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ni Denise habang tumatawa hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Gagx 'di ba?

"A-Ano 'yon?" utal na tanong ko.

Lumapit siya sa akin at pinahid ang luha ko. Pero kahit anong pahid niya, patuloy pa rin na pumapatak.

"Huwag ka ngang umiyak bakekang, mali ang iniisip mo." He hugged me tightly. Bigla akong nainis, bakekang ampuchz.

"Ever since we were young, I never thought that one day you might leave me if I told you my feelings right away. Alam mo, walang nakapantay sa 'yo. Monica made me happy in a short period of time. But you," putol niya sa sasabihin niya. Hinaplos niya ang pisngi ko.

"You make me the happiest man in the world. The day we pretended, that was when I realized that pretending was not enough for me. I wanted to take a risk, Kath."

"I've tried my best so many times to hide my feelings for you, but I can't. Kath, mahal kita. Mahal na mahal." He kissed my forehead. Hindi ako makapagsalita.

Natawa siya nang mahina.

"Hiningi ko ang permiso ng best friend mo, kasi sabi mo gusto mong malaman niya ang totoo. Kaya huwag kang mag-isip na may kami. I'm yours." nagyayabang na sabi niya.

Ayan na naman siya.

"I just know that being with you makes me the happiest I have ever been. From now on, I am officially your suitor."

Nawala lahat 'yong galit na nararamdaman ko. Matamis siyang ngumiti, umiwas ako ng tingin. Ayan, diyan ka magaling Alexandro. Isang ngiti mo lang, nawawala lahat ng galit ko.Natawa siya nang makita niya ang reaksyon ko.

"I can't wait to be your boyfriend." Ngumisi siya at hinalikan ako sa labi.

"Ops, sorry. Akala ko may tayo na."

Sa inyo na lang 'to si Alexandro, hindi na ako natutuwa.



Itutuloy... 

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora