Chapter 14

1K 34 0
                                    

Chapter 14:

Tulala ako na nakatitig sa garden ng school namin habang iniisip ang mga nangyari kahapon.

"Are you okay lady?" Gulat ako na lumingon sa gilid ko.

"Jiro?" Umupo siya sa tabi ko.

Sabay namin na pinagmamasdan ang mga paru-paro na lumilipad sa garden.

"Bakit nandito ka?" Ngumiti siya.

"Kasi nandito ka." Kumunot ang noo ko sa sagot niya.

"Kumusta? Kaibigan mo na ba si Ryan?" Ngumiwi ako nang banggitin niya ang name ni Ryan.

"Okay lang, weirdo siya parang ikaw." Tumawa siya.

Natigilan ako, grabeng tawa niya. Tawang mayaman, napansin ko rin na may suot siyang contact lenses.

"Yes, malabo mata ko." Iniripan ko siya.

Ayan, nanghuhula na naman.

"May duty ang nursing sa baba ng hall, nakita mo na ba? Nandoon sila Alex." Umiling ako.Tumayo siya at inalok ang kamay niya.

"Come with me." Inabot ko ang kamay ko sa kaniya dahilan para dahan-dahan niya akong alalayan na tumayo.

Naglakad kami sa hall, suot ni Jiro ang white uniform niya.

"Wala kang duty?" Tanong ko, umiling siya.

Bango pala talaga ni Jiro, emz.

Sumilip ako sa pinto ng hall, walang tao.

"Niloloko mo naman ako eh." Kumunot ang noo niya sa pinto ng hall.

"Hindi ako sinungaling, galing ako kanina riyan." Nabigla ako nang marahan niya akong hinatak papalayo sa hall.

"Hanapin natin BOYFRIEND mo." Natawa ako nang mahina sa pagkakasabi niya. Nang malapit na kami sa hagdan ay nakarinig kami ng mga pamilyar na boses.

"Come on, I know you still love me!"

Sumilip kami ni Jiro at halos manlamig ang kamay ko sa nakita ko. Alex? Monica?

Niyakap ni Monica si Alex.

"Alex! Aminin mo na sa kaniya na mahal mo pa rin ako!"

Kumirot ang dibdib ko sa nakikita ko. Hindi kumikibo si Alex.

"Ano? Hindi ka pa makapagsalita? Kasi nga totoo!"Hindi ko namalayan na tuloy-tuloy na bumagsak ang luha ko. 

Alam ko sa sarili ko na wala akong laban kung siya pa rin. Unang-una, nagpapanggap lang kami. Pangalawa, wala pang kami.Hinawakan ni Monica ang pisngi ni Alex.

"Alex, magsalita ka! Mahal mo pa ako 'di ba? Alex?" Nabigla ako sa ginawa ni Monica, hinalikan niya si Alex sa pisngi.

Nanlabo ang mata ko at hindi ko na nakita ang sumunod na mangyari nang may humatak sa akin papalayo sa pwesto ng dalawa.Ang sakit, sobrang sakit.Lumabas kami ng school at pumunta sa malaking puno na malapit din sa school. Mataman na titig ni Jiro ang natanggap ko. Pinahid niya ang mga luha ko.

"I'm sorry, wala akong alam na ayon ang maabutan natin." Umiling ako.

Okay lang, kahit ako. Hindi ko akalain na maabutan ko 'yon.

"Sabi niya mahal niya ako, bakit gano'n Jiro?" He wiped my tears.Hindi siya kumibo, humikbi ako. Hikbi na hindi makapaniwala, hikbi na nasasaktan.Hanggang sa naramdaman ko ang mainit na yakap ni Jiro.

"Mahal na mahal ko ang mokong na iyon, kahit walang kami. Kahit nagpapanggap lang kami." Hinaplos niya ang buhok ko, at narinig ko ang mahinahon na boses ni Jiro."

Umiyak ka lang, naiintindihan kita." Mas lalo akong nadurog nang nakita ko na sabay lumabas sina Monica at Alex sa gate. Nakangiti si Alex habang kasama si Monica.Napansin ni Jiro kung saan ako nakatingin, nabigla ako nang ihilig niya ang ulo ko sa dibdib niya.I closed my eyes tightly. 

Mas lalong bumagsak ang mga luha ko.How could you do this to me Alex?



Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now