Chapter 18

971 33 1
                                    

Chapter 18:

Lumabas ako ng room pagkatapos ng klase. Aakyat ako sa 5th floor para lumanghap ng hangin.Tahimik akong sumulyap sa hallway ng school at nagsimula nang umakyat. Lumiko ako sa kaliwa at halos mapaatras ako sa nakita ko. Nakita ko si Alex, siya lang mag-isa. Malayo ang mga tingin niya na para bang may malalim na iniisip.

Nakatalikod siya kaya alam kong hindi niya ako makikita. Nakita kung paano niya paliparin ang isang maliit na eroplano mula sa kawalan.

At sa hindi sinasadya, nasanggi ko ang isang upuan. Kaya bumagsak ang mga nakapatong na upuan. Namilog ang mga mata ko nang nakita kong umuga ang isa pang upuan na nakapatong. Tinakpan ko ang ulo ko gamit ang mga kamay ko. Babagsak ang upuan sa ulo ko. Napapikit ako, pero walang tumama na upuan.

"Anong ginagawa mo riyan?" Dumilat ako at nakita ko si Alex.

"W-Wala." Nagmamadali akong tumayo at humingi ng sorry.

Aalis na sana ako nang hablutin niya ang braso ko.

Alex.

Biglang nabuhay ang pag-asa sa puso ko. Pinilit kong tumingin sa kaniya.Walang ekspresyon ang mukha niya at nakita ko na naman ang malalamig na titig niya. Pinatong niya nang maayos ang upuan na nasanggi ko at binalik ang tingin sa akin.Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Alex, miss na kita."

Tinignan niya ulit ako at tinalikuran.Napalunok ako nang magsimula siyang lumakad palayo.

"A-Alex, kung sakaling mahal mo pa ako. Hihintayin kita."Huminto siya sa paglalakad at sabay lumingon sa akin. Nilapitan niya ako kaya hindi ko napigilan sarili ko.

"Mahal na mahal kita, Alex." Niyakap ko siya.

Pumatak ang mga luha ko at pinikit ko ang mata ko.

Hindi siya kumalag.

Hindi siya tumugon.

Kumalas ako nang yakap sa kaniya at umangat ng tingin. Hinaplos ko ang pisngi niya, nakita kong nabigla siya. Mabilis niya hinawi ang kamay ko at umiwas ng tingin. Tinalikuran niya ako pero siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Napaatras ako at mabilis na pinahid ang mga luha ko.

"Sorry, nabigla lang ako."

Akala ko magagalit siya.Akala ko sisigawan niya ako.Akala ko,Akala ko.

Nagulat ako nang humarap siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Umiyak ako, mas lalo akong nasaktan nang haplusin niya ang buhok ko.

"Alex, mahal na mahal kita."Naramdaman ko ang mainit na hininga niya. Pakiramdam ko naramdaman ko ulit ang pagmamahal niya sa akin.

Mas humigpit ang yakap niya, bigla ko ulit naalala ang mga pinagsamahan namin. Bigla kong naalala kung gaano niya ako pinatawa at kinilig dati. Bigla kong naalala kung gaano niya ako minahal noon.

"M-Mahal mo pa rin ba ako?" tanong ko. Kumibot ang labi ko at nagsimula nang humikbi. Hindi siya kumibo, hinaplos niya ang buhok ko.

"Kath, you deserve better." Kumalas siya nang yakap sa akin at marahan na hinaplos ang pisngi ko.

Bago tuluyan na tinalikuran ako.

Alex... 

Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now