Chapter 20

1K 34 0
                                    

Chapter 20:

Tumitig ako sa kawalan at inisip ang mga nangyari no'ng mga nakaraang linggo. Simula sa nangyari sa amin ni Alex hanngang kay Jiro. Hindi ko rin maintindihan kung bakit gano'n sa akin si Jiro. Parang ano, iba 'yong nararamdaman ko.

Hindi ko siya gusto o crush. Pero iba' yong kutob ko sa mga ginagawa niya. Huminga ako nang malalim.

"Don't trust him." Halos sumigaw ako nang marinig ko ang malamig na boses na 'yon.

"MULTO!" Kumunot ang noo nito at tinignan ako sa mga mata ko. As in titig na titig talaga!

"Don't trust anyone." Bumalik ulit siya sa tambayan niya at binalik ulit ang tingin sa akin.

"Iba ang kutob mo? Sundin mo iyan." Sabay pasak ng headphones sa tenga.

Naguguluhan akong tumitig sa kaniya. Hindi ko maintindihan pero mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Kaya lumapit ako at tumabi sa kaniya. Hindi niya ako tinapunan man lang ng tingin kaya nag-aalangan akong magtanong."Bakit ganiyan ka?"

Akala ko hindi niya ako maririnig pero nagsalita siya.

"It's none of your business." Ngumiwi ako, sungit naman nito.

Nagkibit-balikat ako at sinulyapan ulit siya. Infairness, pogi rin pala 'to. Singkit ang mga mata nito, matangkad, maputi, bagsak ang buhok at may nunal na maliit sa bandang noo.

"Best friend ka ba ni Jiro?" Tinanggal niya ang headphones niya at tinitigan ako sa mata.

"No, si Ryan lang." Kumunot ang noo ko.

Ang dami talagang kaibigan ng kutong lupa na 'yon.

"Tambayan niyo raw ito sabi ni Jiro?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya pero nanatali pa rin na malamig ang mga titig nito.

"When did he say that?"

"No'ng isang araw." Natahimik siya, matagal siya bago nakasagot. Narinig kong may binulong siya pero syempre hindi ko narinig 'yon.

Basta parang nagblahblah siya gano'n.

Kinabahan ako nang titigan niya ako at nilapit niya ang mukha niya.

"Just don't trust anyone, hindi mo sila kilala."

Nagulat ako nang tumunog ang bell. Tatakbo sana ako nang maalala ko na wala pala akong klase. Nabigla ako nang tumayo si Ice at nakita ko ang mga titig niya kay... Alex??

Mabilis na naglakad si Ice at hindi pinansin ni Alex ang mga titig nito. Nagkatinginan kami kaya mabilis akong yumuko.

Bigla na naman bumalik ang sakit na nararamdaman ko. Biglang nanlamig ang mga kamay ko nang umupo siya malapit sa tabi ko. Pinasak niya ang earphone niya at nagbasa ng libro na dala-dala niya. Hindi ko alam bakit hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Gusto ko sanang tumayo pero hindi ko magawa.

Naramdaman ko na may nilabas siya galing sa bag niya. Lah? Sana ol may Jollibee. Nagsimula na siyang kumain at halos lumubog ako sa lupa nang nahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

Sht, sht.

Hindi niya ako pinansin pero nabigla ako nang may ipinatong siya sa desk ko. Natigilan ako sa ginawa niya at kahit siya parang nagulat sa ginawa niya. Pareho kaming nawalan ng kibo. Pero naramdaman ko ang mabilis na pintig ng puso ko.

"T-Thank you." Napalunok ako at kumuha ng fries na bigay niya.

Ayan, ayan ka na naman Kath. Marupok ka na naman ba kapag dating sa mokong na 'yan? Hindi ko maiwasan na ngumiti sa isip ko habang sumusubo ng fries. Sa sobrang lakas ng imagination ko napansin ko hindi ko napansin na nakatayo pala ako.

Hindi ko rin napansin na nakatayo siya sa harap ko. Binigay niya sa akin ang ice cream. Ayoko sanang tanggapin pero favorite ko 'yan! At poorita ako now!

"Bakit mo na naman ginagawa ito?" Imbis na sagot ang natanggap ko ay titig lang ang natanggap ko sa kaniya.

Nagsimula na akong dilaan ang ice cream. Tinignan ko siya ulit at nagtanong.

"Ha? Alex? Ayan ka na naman sa ganiyan mo."

Nabigla ako nang lapitan niya ang mukha ko. Napalunok ako nang punasan niya ng panyo ang gilid ng labi ko.

"Para kang bata, dami mong tanong."

Aba? Gagx 'to ah? Matapos mo akong saktan? Gaganiyanin mo ako? 



Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now