Chapter 4:

1.4K 53 3
                                    

CHAPTER 4:

"I love you, babe."

Halos paulit-ulit kong naririnig 'yan, naiinis na talaga ako. Pumayag pa ako sa gusto mangyari ni Alex, sana pala hindi na! Nakakainis na talaga itong araw na ito!

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sama ng loob. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na umaga na pala.

"Sht, baka malate na naman ako!" Tumakbo ako sa cr, at halos mahimatay ako sa nakita.

"ANONG GINAGAWA MO RITO?!" Lumingon sila mama sa akin.

Matamis na ngumiti si Alex.

"Like what I've said, sabay tayong papasok simula ngayon." Nagtaka ako kung bakit nasa kusina siya.

Hindi ko na siya pinansin at naligo na ako. Nang matapos ako maligo ay nagtapis lang ako at sa kagagah4n ko. Nakalimutan ko na nasa labas pala si Alex.

"OMAYGOSH KATHRAYNE!" Natigilan ako sa sigaw ni ate. Napansin ko na hindi ako sinulyapan ni Alex. Nagpatuloy lamang siya sa ginagawa niya sa kusina.

Bigla akong nahiya at nagmamadali na tumakbo sa kwarto ko. NAKAKAINIS! ANO NA NAMAN BANG KAHIHIYAN ANG GINAWA KO?!

Nagsuot ako ng uniform at skirt at nagmamadaling bumaba. Nakita kong sinulyapan ako ni Alex.

"Kain na, BABE." Ngumiwi ako nang diinan niya ang salitang 'babe'.

Halos mahimatay naman sila ate sa kilig, iniripan ko sila. Kung alam lang talaga nila kung ano 'tong ginagawa namin. Nagsimula na kaming kumain, napansin ko ang pagsulyap sa akin ni Alex.

"Tita, ihahatid ko na lang po si Kath mamaya. Huwag po kayong mag-alala, ako na po bahala sa kaniya." Tinapik naman ni mama ang braso ni Alex.

"Mama na lang iho, ano ka ba?" Tumawa si mama at ngumiti sa akin.

"Ang gwapo mo talaga iho, sana kayo na magkatuluyan ng anak ko."

Halos masamid ako sa narinig ko. Hindi ako kumibo hanggang sa natapos kaming kumain.

"Sige na po, aalis na kami. Baka malate kami." Mabilis na humalik si Alex sa noo ni mama at tinapik si papa sa braso.

Natigilan ako sa ginawa niya. Hindi ko alam pero ang sweet lang. Nang makalabas na kami ng bahay nakita ko si Alex na nauna sa akin maglakad. Binuksan niya ang gate at sumenyas na mauna na akong lumabas.

Nang makalabas na kami sa gate ay sumulyap sa akin si Alex.

"Huwag kang mag-alala, wala akong nakita kanina. Huwag kang mahiya sa akin. Hindi ko naman ugaling tumingin sa mga gano'n. At isa pa, palaging ginagawa ni mommy 'yon sa bahay." Ngumiti siya na nagpangiwi sa akin. So what?

"Sus, kahit may makita ka. Ano naman?" Ginulo niya ang buhok ko at tumawa. Bwisit, nakakatawa ba?

Sumakay na kami ng jeep patungo sa University namin. Hindi naman malayo ang University rito sa amin pero mainit kasi sobra para maglakad.

"Sht, naiwan ko stethoscope ko." balisa niyang sabi. Napansin niya 'ata ang mga titig ko kaya umangat siya ng tingin.

"Hahatid na lang kita sa room. Tapos babalik ako sa bahay. I need my stethoscope, may activity kami mamaya." Umiling ako.

"Nagpapanggap lang tayo, no need." Tumawa siya at umiling.

"Hindi pwede, tara na." Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at taas noo na naglakad.

Bigla akong nahiya, holy cow talaga. Dumaan kami sa department nila. Napansin ko ang masamang titig sa akin ng mga kaibigan ng ex niya.

"Siya ba 'yon? Ang panget! HAHAHAHA!"

"Ang panget ng taste ni Alex! Walang laban kay Monica!"

Nakalimutan ko, vice president pala ng student council iyong ex niya na magaling sa department nila. Nagulat ako nang marahan akong hinatak ni Alex at humarap sa mga kaibigan ni Monica.

"Pumasok na kayo sa klase niyo kung ayaw niyong dalhin ko kayo sa Guidance. And stop disrespecting my girlfriend."

"Hindi mo naman kailangan gawin 'yon, baka masira reputation mo as a president ng student council."

He smiled at me and shook his head.

"It's my job to protect you, no one's allowed to talk sht about my lady. "

Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now