Chapter 15

1K 34 1
                                    

Chapter 15:

Matamlay akong bumangon sa higaan ko at bumaba na. Napansin ko ang titig ni ate sa akin habang humahakbang ako sa hagdan.

Wala akong nakita na anino ni Alex.

Hindi ko na pinansin pa ang mga tingin nila sa akin at ginawa ko na lang ang dapat kong gawin. Nang matapos kong gawin lahat ay umakyat na ako sa kwarto at kinuha ang gamit ko. Humalik ako sa pisngi nila mama at lumabas na ng bahay.

"Nag-away ba kayo ni Alex?" Nagulat ako sa hawak ni ate sa braso ko.

Mabilis ako na umiling at ngumiti kay ate. Hindi si ate kontento sa sagot ko pero hinayaan niya na lang ako. Mag-isa ako na pumasok sa school at dumiretso sa room.Kumunot ang noo ko dahil konti lang ang nasa room.

"Wala raw si Sir. Tan kaya mga nag-uwian na sila." Tumango ako at nagpaalam kay Denise na pupunta ako sa garden.

Umupo ako at malungkot na sinandal ang ulo ko sa pader. Aminin ko, walang kami pero miss ko na siya sobra. Niyakap ko ang bag ko at tumitig sa kawalan.

Mabilis akong nakarinig ng mga boses mula sa likod kaya nagtago ako sa malaking pader na humahati sa daan papuntang pintuan mula sa hallway.

"Are you okay? May masakit ba? Sorry, nabigla ako." Kinabahan ako nang marinig ko ang boses na 'yon.

Sumilip ako at tama nga ang kutob ko, sina Alex at Monica.

Napaatras ako dahilan para masanggi ko ang paso na nasa gilid ko. Pareho silang napalingon sa gawi ko. Walang gulat na bakas sa mukha ni Alex. Malamig niya akong tinignan. Ngisi naman ang natanggap kay Monica.

Umiwas ako ng tingin at akmang tatayo na ako nang may umakbay sa akin.

"Huwag kang lilingon sa gawi nila."

Bumagsak ang mga luha ko. Ano bang nagawa ko sa 'yo Alex? Bakit ang lamig-lamig mo sa akin?Makulit ako, lumingon ako sa gawi nila. This time nakasandal na si Alex kay Monica.Sobrang sakit.

"Sabi na huwag kang lumingon." Umangat ako ng tingin.Pinahid niya ang mga luha ko at sabay bulong ng dalawang salita na sinabi niya sa akin kahapon. Hinaplos niya ang mga pisngi ko at mataman na titig ang natanggap ko mula sa kaniya.

"Naiintindihan kita." Niyakap niya ako.

"Bakit niya ako ginaganito Jiro? Hindi niya ba alam na nasasaktan ako." Hindi ko mapigilan na humikbi. Hinaplos niya ang buhok ko.

"Sabi niya mahal niya ako eh."

Para akong dinudurog, nasasaktan ako. Hindi dahil sa trato niya kung 'di dahil hindi ko man lang nasabi sa kaniya na mahal ko siya. Lumingon ako sa gawi nila. Natigilan ako nang makita ko na nakatitig siya sa gawi namin. Wala pa rin ekspresyon ang mukha niya.

"Huwag ka nang umiyak, sumama ka sa akin." Ngumiti siya.

Ngiting nagpagaan sa loob ko.

"Libre kita, saan mo gusto? Jollibee?"

Hindi ko maiwasan na ngumiti, paborito ko 'yon eh. He wiped my tears. Bago ako tumayo ay hindi ko mapigilan na magtanong.

"Bakit mo ginagawa 'to?" Lumingon siya sa akin.

"Dahil gusto ko, ayokong nakikita na umiiyak ka dahil sa KANIYA."

Inalalayan niya akong tumayo. Nagsimula na kaming maglakad papalayo. Lumingon ulit ako sa gawi nila. Nakasandal pa rin siya sa balikat ni Monica. Pero isang bagay ang gumulo sa isipan ko. Kung paano niya ako titigan, walang ekspresyon ang mukha niya.Pero ang mga mata niya, iba ang sinasabi.

Alex? Mahal mo pa rin ba ako? 



Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now