Chapter 16

967 29 1
                                    

Chapter 16:

"Salamat." Umangat ng tingin si Jiro at ngumiti sa akin.

Niyakap ako sandali ni Jiro.

"Mag-ingat ka, gusto sana kita ihatid kaso ayaw mo." Tumango ako at nagpasalamat ulit.Tinalikuran na ako ni Jiro at naglakad na ako pauwi sa amin.

Parang bumalik ang sakit nang naglakad na ako mag-isa. Hanggang sa may pumukaw ng atensyon ko. Natigilan ako maglakad sa nakita ko.

"Mag-ingat ka." Isang yakap ang binigay ni Alex kay Monica.

Tumulo ulit ang luha ko. Ano ba? Hanggang dito na lang ba ay makikita ko sila?Natawa ako sa katangxhan ko, malamang malapit lang ang bahay ni Alex sa amin.Tumalikod na si Alex at nagsimula nang maglakad. Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko at gumawa ako ng katangahxn.

"Alex!" Natigilan ito maglakad at hindi lumingon sa gawi ko.

"Ginagagx mo ba ako?" Hindi siya humarap sa akin.

"Tinatanong kita Alex! Ano ba?!" Hinablot ko ang braso niya dahilan para lumingon siya sa akin.

Para akong nadurog sa mga titig niya.

"Alex? Ano ba? Hindi naman tayo ganito nakaraan ah." Pumatak ulit ang mga luha ko.

"Sinasaktan mo ako."

Nanlalabo ang mata ko, hindi pa rin siya sumasagot.

"Bakit bigla ka na lang naging ganiyan?"

Wala akong sagot na natanggap sa kaniya. Mas lalo akong nasaktan at nainis.

"ANO?! ALEX ANO BA?! BAKIT MO BA GINAGAWA SA AKIN ITO?!" Nakita ko kung paano umiwas ang tingin niya nang makita niya akong humikbi.

Imbis na patahanin niya ako ay tinalikuran niya ako. Para akong nadurog sa reaksyon niya.

"Alex, mahal mo pa rin ba ako?" Napatakip ako ng bibig ko, pigil na lumabas ang mga malalakas hikbi ko.

Hindi siya lumingon.

"Alex? Tapos na ba tayo magpanggap? Alex hindi mo na ba ako liligawan? A-Alex.." Pinahid ko ang luha ko at halos hindi ko na makita ang likod niya dahil sa mga luha.

"Sagutin mo naman ako."

Nagsimula na siyang humakbang. Hakbang na nagpabigat sa nararamdaman ko.

"M-Mahal kita Alex!"

Natigilan siyang maglakad. Hindi siya lumingon pero narinig ko ang malamig niyang tugon.

"Kalimutan mo na lahat kung ano ang mga ginawa ko sa 'yo." Napahawak ako sa bibig ko. Nagsimula ang mga hikbi ko. Bumagsak ang mga luha ko.

"Hindi na kita liligawan. At oo, hindi na kita mahal."

Ang daya mo, Alex. Ang daya-daya mo. 



Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now