Chapter 1

4.3K 73 0
                                    

Chapter 1:

Umay ako na nanonood sa away nila Alex.

"Nice." Tumusok ulit ako ng fishballs at tumatawa na nakatingin sa kanila. Nagbayad ako kay kuya at tinignan namin ang mag ex.

Ayan, syota pa more. Tignan niyo problema nitong mag ex na 'to. Nag-aaway sa harap ko, saya pala ng ganito ano.

"UMALIS KA NA! RESPETUHIN MO NAMAN ANG GIRLFRIEND KO!" Kumunot ang noo ko sa sigaw ni Alex. May syota na ba siya?

"Alam kong mahal mo pa ako Alex!"

"UMALIS KA NA! GIRLFRIEND KO SI KATH!" Masama akong tinignan ng ex niya at sabay umalis.

Hinampas ko ang noo ko dahil sa katangxhan na ginawa niya.

"Anong ginawa mo? Kahit kailan tangx ka talaga!" sigaw ko sa kaniya.

Mabilis siyang natawa ako naman halos sabunutan ko siya.

"Tangna ka Bebot! Gusto mo bang mapatxy ako ng halimaw mong ex? Gagx? Hindi naman kita syota! Pambihira ka naman!"

Hinablot ko ang buhok niya tapos siya tumatawa lang. Nakakainis talaga 'tong mokong na ito! Yuck! Siya magiging syota ko? Potx! Patxyin niyo na lang ako!

"Hoy! Bawiin mo nga iyon! Bwisit ka talaga! Sabihin mo sa ex mong halimaw na walang tayo!"

Nakita ko kung paano siya kumindat sa akin. Bwisit! Nasisira ang buhay ko dahil kay Alex! Sinabi ba naman sa ex niya na ako ang bago niyang girlfriend. Tang*nang 'yan, ang sakit ng ulo ko. Sana pala hindi na lang ako nanood sa kanilang dalawa!

"Bakit ka ba kasi nagagalit? Hindi naman masama sinabi ko sa kaniya! Para naman layuan niya ako!" singhal nito pero natatawa pa rin siya.

Napansin ko na bigla siyang natahimik.

"Mahal mo pa ano?"  Umupo siya sa tabi ko, inakbayan ako.

"Hindi na importante 'yon." Tumawa siya at sinandal ang ulo niya sa akin.

"Bakekang, tulungan mo naman ako oh." Mabilis kong piningot ang tenga niya.

"Aray ko naman! Ikaw nga tinawag mo akong bebot!" Hinawakan niya ang tenga niya na namumula ngayon.

"Favor naman oh," mahinang sabi niya at sinandal ulit ang ulo niya sa balikat ko.

"Ano na naman kalokohan mo?" Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mata.

"Kahit gawin mo na lang para sa friendship natin, Kath." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Ano?" umay na tanong ko.

Halos mabingi ako sa narinig ko.

"Pretend to be my girlfriend."

Itutuloy....

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now