Oo

92 5 3
                                    

“Masarap ang iniluto mong ulam asawa ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Masarap ang iniluto mong ulam asawa ko. Kung maaari lang na wag magbahagi nito sa aking mga kasamahan dahil labis lamang ang aking tuwa na nararamdaman na ako ay iyong inaasikaso at minamahal nang ganito.” Kumindat pa si Fidel matapos sabihin iyon sa kanya.

“Anong asawa, di ka nga nanliligaw diyan.” Kunwari kontra niya rito. Agad naman nitong hinawakan ang dalawa niyang kamay.

“Tumingin ka sa‘kin. Sa nangyayari ngayon, tila ikaw ang gumagawa nang panliligaw sa ating dalawa.” Halata ang pagpipigil nito na humalakhak. Namula naman ang kanyang mukha saka akma sanang babawiin ang mga kamay mula sa pagkakahawak nito ngunit mabilis siya nitong nahila at naikulong sa mga bisig nito. “Ano bang panliligaw ang iyong ibig bukod sa mamahalin kita araw-araw?” gusto niyang tumili dahil tinamaan siya ng kilig sa pinagsasabi nito. Mas matindi pa yata ito pumick-up line kesa sa tao sa real world.

“Ano at hindi ka na nakapagsalita, binibini? Masyado ka bang masaya na ang pinakamatikas na ginoo sa bayang ito ay iyong nakamit ang puso?” patuloy pa din ito sa tila pang-aasar, sa tuwing tatangkain niyang kumawala sa yapos nito ay saka naman nito iyon hinihigpitan. Nagpatuloy pa din ito sa mga litanya nito.

“Sa iyo ko lamang ilalaan ang aking puso, ang aking apelyido, ang buo kong katauhan. Ikaw ang bruja na handa akong magpaalipin o maging baliw kung ang dahilan nito ay wagas na pagtangi sa‘yo.” Naiiyak na siya sa pinagsasabi nito na tumagos sa kanyang puso. Wala pang kahit sinong lalaki ang nagparamdam sa kanya nang ganoong tapat na pagpapahalaga. Tumikhim siya at pinakawalan na siya nito. Animo may kahulugan ang palitan ng kanilang titig sa isa’t isa. Hindi siya makagalaw lalo na nang unti-unting inilapit nito ang sarili sa kanya. Pumanaog ang mga mata nito sa kanyang labi na nanginginig nang mga sandaling iyon. Marahang hinaplos nito ang kanyang pisngi. Naramdaman na lamang niya ang malamig na labi nito sa kanyang labi.

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now