Sulat nang paghihintay

53 1 0
                                    

“Wala akong pinanghahawakang
alinmang pangako,
ako ang gumagawa nito para sa
aking sarili
Upang pagtibayin ang pusong ito
mula sa mga araw ng kalungkutan
sisipiin sa loob nito
ang magagandang alaala
Nang sa gayon walang pagmamahal
na mababawasan o
maglalaho... ayoko na may maglaho
subali't kailangan ko itong
maramdaman upang
balang-araw mahihintay nito
ang pansamantalang kulang
Ang aking pag-ibig ...
ang kahati ng aking mundo
Nararamdaman ko na ako ay naging
isang totoong nilalang
at hindi isang kathang-isip lamang
dahil iyon sa binibining
aking itinatangi
Kaya ako’y lubos na nagpapasalamat
dahil aking naramdaman kung
paano kalingain at mahalin
Gaano man ka imposible
at kalayo ang agwat
ng aming tinatayuang mundo
Ako ay maghihintay...
Maghihintay at maghihintay
dahil mahal ko siya.”

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now