MUJER (2)

93 2 0
                                    

“Alam mo ba? Gusto kitang hawakan... pero baka magising ka. Hindi ko din alam ano ang kakahantungan nang pagkakapadpad ko rito ngayon kaya kontento na ako na makita ka k-kasi... matagal kitang di nakita. Kahit lagi tayong nag-aasaran noon, hindi ko akalain na kahit sa modern world kung saan ako nanggaling ay ma-mimiss ko ang mukha mo. Pakiramdam ko nga mababaliw ako nung first time na nakauwi na ako sa amin. Naaalala ko kasi lahat e. Yung karahasan dito sa loob ng libro. Y-Yung pagkasawi ng mga kaibigan ko na si Crisostomo at Maria Clara. Ang sakit-sakit. Pilit kong nilalagay sa isip ko na ayos na ang lahat. Wala na ako sa kuwento. Nakaalis na ako. Isipin na panaginip ang lahat, ang ipagpilitan ko yun sa sarili ko just to move forward kahit na niloloko ko lang yung sarili ko. A-And... I thought yung huling sandali na magkasama tayo... akala ko talaga... a-ang buong akala ko ay wala ka na. Pilit kitang ginigising nun pero di ka na gumagalaw. Pareho tayong duguan sa ilalim ng bangin. Fidel, wala na akong hihilingin pa sa Diyos dahil heto ka at buhay. M-Masayang-masaya na ‘ko.” patuloy pa rin ang pagsasalita ni Klay habang pinipigilan ang sarili na hawakan ang kamay ng ginoo. Wala ding awat ang pagdausdos ng mga luha sa kanyang pisngi.

Ilang sandali pa ay tumayo na siya at lumakad papunta sa nakasabit na painting. Naaalala niya nung mga panahon na kanyang nadiskubre na mahusay na painter pala ang kanyang nobyo. Habang ito ay sobrang ganda ang gawa, siya naman kahit binuhos na niya lahat ng kanyang art skill sa canvas ay halos bawiin niya kay Fidel iyon dahil sobrang nakakadistressed. Natawa pa nga ang nobyo na kanya namang ikinasimangot. Ngunit ang isinagot lang nito sa kanya, “Mahal ko, napakaganda ng iyong obra. Napakasining. Ramdam ko ang nilagay mong pagmamahal dito. Kaya wag mo na ito bawiin pa.” pinandilatan niya lamang ito ng mata dahil halata namang isa yung back-handed compliment. Lahat yata ng mga bagay na ibinibigay nya rito ay lagi itong may malaking ngiti sa mukha... maging noong siya na mismo ang humalik sa labi nito ay halos maluha-luha ito sa tuwa at niyakap siya nang napakahigpit man ngunit napakagaan. Parang walang anumang bagay ang maglalayo sa kanila. Ang ganung pakiramdam na payapa sa bisig ng isang tao.

Habang abala si Klay sa pag-alala sa nakaraan ay hindi na niya namalayan  na may nakatingin na pala sa kanya mula sa likuran.

“Sino ka, mujer? Ano ang iyong ginagawa sa aking cuarto?” Halos ma-estatwa siya sa narinig na boses. Namamawis ang kanyang palad at parang na-stuck na ang kanyang mga binti sa sahig. Hindi niya alam kung haharap ba siya rito o tatakbo.

MARAHANG kinusot-kusot ni Fidel ang mga mata. Sinisigurado kung tama ba ang kanyang nakikita. May nakatalikod at nakatayo na mujer sa harap ng cuadro.

“Sino ka?” Hindi na niya napigil na ibulalas iyon. Hindi kumikilos ang babae kaya napagpasyahan niyang umalis ng higaan at humakbang palapit dito. Wala naman siyang kaba na nararamdaman. Ang totoo ay parang may sariling isip ang kanyang mga paa.
Nang ilang hakbang na lamang ang agwat nila ng babae ay nagsalita siyang muli.

“Maaari bang iharap mo ang iyong sarili, binibini?” Nakita ni Fidel kung paanong nakakuyumos ang dalawang magkabilang palad nito sa mahabang palda na suot.

Sa wakas ay tumalima naman ito at pakaliwang dahan-dahang humarap sa kanya.

Bigla na lamang nawala doon ang kanyang atensyon nang dumating ang katiwala na si Mang Adong. Ganoon na lamang ang kanyang pagkatigagal nang pagsulyap niya muli sa kinatatayuan ng mujer ay bigla na lamang itong naglaho.

“Señor, ano pong nangyayari sa inyo? Narinig ko lamang na tila may kausap kayo rito sa silid kaya ako agarang pumarito. Kailangan pa rin natin ngayon na mag-ingat. Marami pa ding kaaway sa paligid. Nag-aalala lang ho ako sa inyo.” Hindi pumapasok sa kanyang tainga ang mga salita ng katiwala dahil naipukol na niya ang mga mata sa cuadro na ngayon lang niya napagtanto na kawangis ng babae kanina!

MAG-uumaga ay kinakatok siya ng isipin tungkol sa naganap nang nagdaang gabi. Sino ba talaga si Binibining Klay kung tawagin ni Mang Adong? Bakit tila magmumulto ito sa kanya? Maging sa kanyang panaginip ay naroon ito. Ngunit bakit sa panaginip na yon ay tila siya ay napakasaya?

“Aking aalamin kung sino ka talaga, Binibining Klay.”

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now