❤️❤️

281 2 4
                                    

NAGISING na lang siya isang gabi na umiiyak. Agad naman siyang dinaluhan ng nanay na si Sisa.

Bangungot lang nga ba ang lahat? Ba't parang totoo? Bakit sobrang sakit ng kanyang nararamdaman?

Hindi maalis sa utak ni Klay ang nangyari sa nobela. Alam niyang totoo yun at hindi basta isang masamang panaginip lang.

Pagdaan ng mga araw ay nag-attempt siyang kausapin ang kanilang maestro na si Mr. Torres ngunit maging ito ay tila walang naaalala sa mga bagay na ito mismo ang unang may pakana.

Talaga bang... Walang Fidel? Sina Ibarra ay hindi tunay?

Nagpupumilit ang isa sa kanyang estudyante na si Ms. Infantes tungkol sa kanilang naging deal na may kinalaman sa libro na gawa ni Dr. Rizal.

Halos matamlay ito sa buong klase at blangko lamang ang ekspresyon ng mukha. Mahahalatang malalim ang iniisip ng dalaga.

Ang totoo'y ayaw na niya itong mamroblema pa sa mga bagay na matagal ng tapos at hindi na mababalikan. Kung kailangan nito mag-move on ay iyon ang nararapat na gawin. Ang wag itong sagutin kahit kulitin pa siya nito.
Ang magpanggap na wala talaga siyang nalalaman.

Mas madali kung kakalimutan nito lahat.
Mas madali kung makalimutan na siya nito.
Bata pa naman ito para hindi madugtungan ng magagandang bagay ang sariling buhay. Siguro nagkamali lamang siya dahil sa kanyang pagpupumilit na masariwa ang dati nilang alaala ay nagawa niyang ibalik ang katauhan ng kanyang sinta na naging reinkarnasyon nito sa modernong panahon sa loob ng libro. Naging makasarili siya at sinaktan ito sa pangalawang pagkakataon. Ngunit ngayong matanda na ay paniguradong hindi na nito makilala pa ang uugod-ugod na si Fidel. Ito ang kapalit ng lahat.

May mga pag-ibig na mananatiling masaya sa nakaraan, gaano man ito kasakit kapag iniwan mo doon ay hindi ito magbabago kahit ikaw pa ay tumanda at mawalan ng hininga.

Hinihiling na lamang niya na matagpuan nito ang panibagong pag-ibig sa kasalukuyan nitong katauhan.

“Maging malaya at masaya ka, Ms. Infantes... ”

Bigla na lamang naramdaman ng matanda ang pagkahilo at pagkatumba sa sahig ng classroom. Ang mga estudyante ay hindi magkamayaw kakatawag sa kanyang pangalan. Alam niyang tapos na ang kanyang misyon at hiling. Sa huling pagkakataon ay inaninag pa ng kanyang mga mata si Ms. Infantes na isa sa mga tumulong sa kanya.

“Binibining Klay... ” Ito ang huling tumatakbo sa kanyang isipan. Parang naging batang Fidel siya ulit na kahit matagal naghintay kay Klay ay nasilayan itong muli. Marahil sapat na iyon. Sapat na.

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now