❤️❤️💔

221 4 3
                                    

“Ang daya mo, Fidel... S-sabi mo hihintayin mo 'ko. Sabi mo ‘yun sakin di ba? Pero bakit ngayon? Bakit ngayon di mo sinabi sa akin lahat... Paano pa kita tatanungin kung nagpapahinga ka na dyan sa sementeryo. Napakadaya m-mo... ” Sa grupo ng lahat kanina na inihatid si Mr. Torres ay tanging si Klay lang ang naiwang mag-isa. Sa harap ng nitso ng matanda ay parang tanga niyang kinakausap pa din ito. Kahit walang sagot o anuman, gusto niya lang mailabas yung kinikimkim na sama ng loob. Naaalala niya pa yung mga huling gabi na kasama niya ito sa San Diego. Napakagulo ng lahat. Sobrang panghihina ang tila dinaramdam ng paligid. Ang kanilang mga kaibigan ay wala na... Si Ibarra... Si Maria Clara... Sila lamang ni Fidel ang nakaligtas. Napakapait na sandali. Napakasakit kung pilit  isipin.

Alam ni Klay na nasa pareho silang estado ni Fidel. Pagod, pagsisisi at panghihinayang dahil kahit ginawa naman nila ang lahat ay nangyari pa din ang nakatakda na maganap.

“Hangga't may sandali pa para sakin... Dito ka lang muna, Klay. ‘Wag mo muna akong iwan dahil yung tinuturing ko na parang kapatid ko na ay wala na. N-Natatakot akong mag-isa, Klay.” Hindi man tumatama sa lupa ang mga luha ng binata dahil sa pagpipigil na umiyak sa kanyang harapan ay alam ni Klay kung gaano kasakit ang nararamdaman nito. Basag na basag ang boses nito. Ilang araw din itong nakahiga dulot ng mga tinamong sugat mula sa pag-aaklas na naganap sa lugar na yun laban sa mga prayle. Kanyang ginamot ang mga sugat nito at hindi umalis sa tabi nito, panaka-naka kasi ang tila pagkakagising nito tuwing ito'y binabangungot sa mga naging madugong kaganapan.

“Wag ka mag-alala, nandito lang ako. At kung gusto mong umiyak, ika'y lumuha lamang. Ako lang ang narito kaya hindi ka dapat nagpipigil.” Sa kanyang winika ay tumingin ito sa kanya at tuluyan ng humikbi. Agad din naman niya itong dinaluhan, nakasandal ang uluhan nito sa kanyang bisig habang hinahapuhap ang ulo nito. “Umiyak ka lang pero wag na wag mong sisisihin ang iyong sarili. Masaya ako na kahit papaano... kahit ikaw ay l-ligtas dahil akala ko talaga w-wala ng uuwi sakin na kakilala ko rito sa San Diego. A-Akala ko... ako na lang ulit pero nandito ka pa. S-Siguro hindi pagmamalabis na maging masaya na nandirito ka at buhay, hindi ba?” dahil sa kanyang sinabi ay ginagap nito ang kaliwa niyang palad. Mahigpit. Umaasa ng lakas.

Kahit mahirap ay unti-unti silang bumangon sa malupit na pangyayaring 'yun. Nagtapat na rin ito ng pag-ibig sa kanya.

“Aking Klay... Mayroon akong tula na isinulat para lamang sa iyo at sana'y magustuhan mo ito. Mahalaga ang petsa ngayon dahil ito ay petsa din kung saan una kitang nakilala. Nakahanda ka na bang pakinggan?” Nakangiti nito na turan habang sila ay nasa duyan na kanyang ginawa sa labas ng tahanan nito. Agad naman siyang tumango. “Papakinggan ko yan, mahal ko.”


Sa harap ng nitso ay binasa ni Klay ang naging tula nito noon para sa kanya na kasama sa box ng kuwintas.

/Tila ika'y sumpa
na palagi kong hahangarin
na makamtan
Nais kong lumala ito
at malunod pa lalo
sa kumunoy ng pag-ibig
Ako'y aahon lamang
upang ipakita sa iyo
ang nakaukit mong ngalan
sa aking puso
Ika'y nag-iisa lamang sa loob nito
at ika'y aking sasamahan
upang ito'y lalaging buo
Gaya ng iyong matamis na ngiti,
lagi kong tatandaan ang pakiramdam na ito
ako'y totoong buhay sa iyong piling
mahal ko/

Sa huling linya ng tula ay doon na siya labis na humagulhol. Inabutan na siya ng ulan at isinandal ang sarili sa lapida nito. Hinayaan na lang niya ang sarili na makatulog. Kahit isang huling panaginip bago niya tutuldukan at tatanggapin na talagang tapos na ang kanilang pagkakatagpo sa mundong ito.

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now