FILAY

115 3 0
                                    

"Inakala ko na wala na akong iba pang pangarap ngunit binigyan ako ng langit ngayon ng isa pa. Ms. Klay, hahayaan mo ba ako na maging pangarap ka?"

"A-Ano kamo? Diosmio, Fidel. Nagko-confess ka ba... s-sa'kin?"

"Kung iyong mamarapatin, gagawin ko ang lahat upang maging karapat-dapat sa handog na pangarap sa akin ng langit. Nais kitang ligawan, Ms. Klay. Mahirap man aminin pero gusto kita."

"Grabe ka naman dyan. Nambibigla ka. Ora-ora da ka, I'm not prepared. Jusko. Dinala lang yata ako ni Mr. Torres dito para magka-jowa."

"Ms. Klay?"

"Pag-iisipan ko yan. Magkakamental-block yata ako."

"Hihintayin ko na lamang ang iyong sagot. Masaya ako sa iyong pahintulot at pagtanggap ng aking mga sinaad sa iyo. Bukod sa iyo ay wala pa akong babae na pinagtapatan ng paghanga o ng pagtangi. Nais ko lamang na ito'y malaman mo."

"Ano ka NGSB? Uso pala yan dito. Grabe ha sa Noli pa talaga may magkacrush sakin. Pambihira."

/FILAY FANFICTION/

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن