Ang huli Kong Bukas: Ikaw

45 0 0
                                    

Sa loob ba ng kuwentong ito
pag natapos ang bawat bukas
ay hindi na tayo magkakatagpo?
Maaari kayang hakbangan ko
ang mga naunang pahina,
naroon ka kaya at naghihintay sa akin?

Sa lugar kung nasaan ka
ako ba ay pumapanhik sa iyong isipan?
Dahil ako ay hindi ka nagawang kalimutan
kaya baka maaaring ganun ka rin sa akin
binibini...
kahit ‘yon lamang...
kahit ‘yon lamang ang magiging sagot
na para sa nakabinbing pagmamahal na
nais ko pa sanang ipamalas
sa iyo araw-araw

Ngunit ang bawat umaga ko rito
ay naging tila gabi
dahil ang isa sa nagpapasaya
ng aking buong araw
ay nabibigo nang masilayan
ng mga matang ‘to
sa mga matang ito na patuloy
na itinatawid ang pagmamahal
kahit mag-isa

Sana tulad ng mga alitaptap
sa pamamagitan ng mumunting nilalang
na ito ay iyong matunghayan
ang aking pangungulila
Kung darating ang panahon na
wala ng bukas sa aklat na ito
sana sa huling pagkakataon na yon
ay masuklian mo ang huling bahagi ng aking
paghihintay

Ako’y lubos na nangungulila
at nagdaramdam kung bakit kahit
ang iyong ngiti ay tila nabubura
dulot ng aking katandaan,
Binibining Klay.

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now