Hanggang sa muli

44 3 0
                                    

“Hindi kita sasaklawan sa iyong pangungulila sa mga bagay at mga tao sa totoo mong mundo. Marahil ako’y nalulungkot lamang dahil alam ko na ikaw ay lilisan na at marahil hindi ko na makakamit pa ang iyong kasagutan. Sana, magkaroon ng balang-araw kung saan magiging isa ang ating mundo. Hinahangad ko na makapiling ka pa ring muli, wala naman sigurong masama sa paghiling tulad ng langit na sinasamahan pa din ang lupa at hindi iniiwan. Ang aking pagtitiwala na tayo ay magkakatagpo muli ay matibay tulad ng mga luhang ito na pinagpasya ko na wag mahulog dahil ayoko na makita ng aking tinatangi na ako’y nanghihina. Kung maaari lang na ako’y makapaglakbay at makapiling ka kahit saan ...kahit malayo rito ngunit ang matitirang hiwaga lamang sa akin sa iyong pag-alis ay ang katotohanang ako’y umiibig sa’yo. Humayo ka na. Sana kahit sa aking panaginip ay matunghayan kitang muli at kahit sa panaginip matawag kitang Aking Klay. Maririnig kaya ng mga bituin ang aking pangarap?”

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now