No Mujer Libre

67 4 0
                                    

“Sir Ibarra, ba’t ganyan ang mukha ng amigo ninyo? Noong isang araw pa yan parang nilamukos na papel yung mukha. Nabugbog ba yan sa kwartel?” Usisa pa niya.
“Hindi ko alam Binibining Klay. Bukod sa pagrereklamo nya noong nakaraan sa kamote na rasyon ng guardia civil sa amin ay wala na akong alam pa. Hindi rin naman kami nakatikim ng pananakit kaya mas mabuti na ikaw ang magtanong sa kanya.” Hindi alam ni Klay kung bakit parang natatawa pa ang señor bago umalis. Naroon sila ngayon sa kampo ng mga rebelde. Kahit anong pilit niyang mag-umpisa nang pakikipag-usap kay Fidel ay di ito sumasagot. Para itong bata na nayamot dahil inagawan ng laruan.
“Teka nga lang. Dahil lang sa kamote idadamay mo kami sa mood mo for two days? Akala mo kinagwapo mo yang trip mo na poker face. Bahala ka nga diyan kung ayaw mo ng kausap! Babu!” Napalitan na din ng inis ang pagpupumilit ni Klay na magpapansin dito. “Sandali lamang!” Napatigil siya sa pagwowalk-out. Sila ngayon ay nakasuot ng kupasing mga damit galing sa grupo ng tulisanes. Galit na binalingan niya ito ng tingin. “Bakit mo yun ginawa?” Hindi pa rin nag-iiba ang emosyon sa mukha ng lalaki. Pilit niyang iniisip kung ano ba ang tinutukoy nito. Sasagot na sana siya nang magpatuloy ito. “Masaya ka bang makipagpalitan ng ngiti sa guardia civil?” puno ng hinanakit ang boses nito ngayon. Nanlaki naman ang mga mata niya. Confirm. Nagjejelly ang ferson. Iyon pala ang dahilan kung bakit parang binagsakan ng langit ang mukha nito. “Hello? It's my mission to save you and sir Ibarra natural lang na maghanap kami ng paraan ni ate Lucia.” pagtatanggol naman niya sa sarili. Hindi na niya napansin pa na malapit na ito sa kinatatayuan niya. Malungkot ang mga mata nito. “Hindi ko nagustuhan ang paraan na ‘yon.” kumabog ang dibdib ni Klay sa sinabi nito. Nagbuntung-hininga pa ito saka nagpatuloy. “Kahit hindi ko alam ang magiging sagot mo sa pagtangi ko sayo, ayoko pa ring nakikita na nakangiti ka sa ibang lalaki o nagigiliw ka sa iba. Nalalaman mo ba na parang sasabog ang puso ko nang makita ko na hawakan ka ng guardia na ‘yon? Kahit wag mo na ako gustuhin, wag mo lang ibababa ang iyong sarili dahil di ko kayang makita ka na ganun.” Kahit wala na sa harap niya si Fidel ay nanatili siyang nakatulala sa mga sinabi nito. Kung ganun, nasaktan ito sa ginawa niyang paraan?

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now