“Sa aking isipan
may tinatawag akong
binibini ngunit hanggang
doon lamang
... walang karugtong na pangalan,
saan ko hahanapin ang isang
bagay na sa isipan ko
lang nananahan
At bakit mayroong binibini
na hindi ko kilala
ang nagpupumilit na
bigyan ko ng pagkakakilanlan?”