I LOVE YOU

69 3 0
                                    

“Hilahin mo lamang ang huling sulat ko na ito sa tuwing pakiramdam mong ikaw ay bigong-bigo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


“Hilahin mo lamang ang huling sulat ko na ito sa tuwing pakiramdam mong ikaw ay bigong-bigo. Ito ay palatandaan din na kahit saan ka man ay kasa-kasama mo ‘ko at ang ating alaala. Ako ay naniniwala na hindi ako isang tauhan lamang na nakabilanggo sa loob ng isang aklat dahil... nagmahal ako. Sa kaibuturan ng aking puso ay naroon ka. Maging sa pagsusulat ko ngayon ay ramdam ko na buhay na buhay ako at nangangarap na ikaw ay makasama nang matagal. Kung maaari lang na lahat ng papel sa mundo ay aking masulatan, madugtungan lamang ang ating oras. Ayokong bitawan ang plumang ito dahil ibig sabihin lang nito ako’y magpapaalam na. Sana sa lahat ng yugto ng ating pagkakasama ay naibigay ko sayo ang pagmamahal, pagtanggap at pagrespeto na nararapat lamang sayo... aking Binibini. Walang kasing-saya ang aking nadama noong mga sandaling nakamtan ko na ang iyong kasagutan ngunit alam ko na may mas higit na nagmamay-ari sayo na kahit gusto kong kalabanin ay wala akong magiging laban. Nais kitang ariin sa abot ng aking makakaya... Kung sana’y akin ka na lamang hanggang sa pagputi ng ating mga buhok... Ngunit maging iyon ay alam kong hindi ko kailanman masisilayan pa. Sa aking alaala ay mananatili kang ang matapang at marikit na binibining aking babalik-balikang kilalanin kung mayroon mang pangalawang buhay at pagkakataon na tinatawag. Uulitin ko na lamang... Iniibig, itinatangi at hinahayaan na kitang bumitaw aking pinakamamahal na Binibini. Ikaw ay lubusan kong papakamahalin. Adios, Mi amor. Lo Siento”

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now