PAGMAMAHAL SA BINGIT NG PAALAM (4)

60 2 0
                                    

"Aking K-Klay... Ang pagkakakilala ko sa'yo ay ang pinakamasayang kabanata sa aking buhay. Kung ipapahintulot... ng l-langit ay nais ko pa na makita ka... sa susunod na mga umaga at kung... itong sandali na ito man ang huli a-ay... masaya pa rin ako na ikaw ang kahuli-hulihang tao n-na... na aking nabungaran. A-Aking pinakamamahal... Salamat at napadpad ka... sa m-munti kong mundo. Babu... " hirap na hirap ang boses ngunit pilit pa ding nagsasalita si Fidel.
Sila noo'y nahulog sa bangin. Parehong sugatan dahil sa tama ng baril.

"H-Husto na, wag ka na magsalita. May tutulong din sa atin, mahal ko. W-Wag ka pipikit, wag mo ko iiwan, please nagmamakaawa ako sayo. Alam mo na hindi ako showy na tao pero sana'y alam mo na... M-Mahal na mahal kita. Fidel, mahal na mahal kita. Hindi mo ko sinukuan noon diba kaya ganun din ang gawin mo ngayon. Okay?" Tumitig lamang ng ilang segundo ang kasintahan kay Klay at sumilay ang ngiti sa labi nito. Katulad ng ihip ng hangin ay unti-unti ang pagpikit ng mga mata at pagyungyong ng ulo nito.

"F-Fidel? S-Sagutin mo 'ko... " pilit man niyang abutin kung saan ito padapang nakahiga, puno na din ng putik ang kanyang mukha dulot na rin ng biglaang pag-ulan sa paligid ay tila mas lumalayo ito at mas lalong tumindi ang sakit sa kanyang likuran dahil na din sa tama ng baril ng isa sa guardia civil na sa kanila ay tumugis. Namamaos na ang kanyang boses. Nanlalabo na din ang kanyang paningin. Ang ulan ay tila awa ng langit para sa kanila. Nahiling niya na sana sumama sa mga butil ng ulan ang napakasakit na tagpo na iyon at siya ay magising na.

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now