PAGIGING ISA (5)

70 2 0
                                    

Ang ilang bahagi ng larawan ay natupok, ngunit hindi ang buong hitsura ng nakapinta na babae. Buo pa rin ‘yun. Hindi katulad ng kanyang aandap-andap na alaala.

Nasa plano niya ang ayusin iyon kahit papaano at baka magpakita na naman sa kanya ang babae. Baka siya ay multuhin na naman nito dahil sa ginawa ng binibining Florentina sa larawan.

Kanyang hinalungkat ang ilan sa lumang gamit at natagpuan sa mga nakakalat na iyon ang isang papel na may kakaibang guhit, wari’y lalaki iyon. Mayroon ding nakasulat na salitang 'Babu' katabi ay isang hugis puso.

“Ito ba ay susi ng nawawala kong alaala?” Natanong na lamang iyon ni Fidel sa sarili.

“TANDAAN mo, Klay na nagagawa mo pa rin na bisitahin si Fidel dahil sa isang kahilingan. Kaya mo ang mission na ito. Wag ka magpapaapekto kapag nandun ka sa loob ng libro. Isa lang ang goal natin. Ang makitang maging masaya si Fidel kahit di ka niya naaalala. Y-Yun lang... ” sumisikip ang dibdib na kausap ni Klay sa sarili. Ang kanyang huling goal lang ay iwan ang ginoo na nasa maayos na kalagayan. Kailangan nitong magmahal muli ng iba pagkatapos nun ay maaari na niyang isarado ang kanilang kabanata. “Hindi naman ‘yon pagiging makasarili, Lord. I just want to make sure na makita ko siya na masaya. Hindi magulo ang isip. Diba, Lord pagmamahal din naman ‘yon?”

Sa lumipas na mga taon ay napunan ang kanyang negosyo ng pagkakalakal ng karne ng iba’t-ibang hayop, pag-aasukal at pagamutan na rin. Kaya isa din iyon sa dahilan kung bakit ipinares siya ng kanyang tiyo kay Florentina dahil nasa hustong gulang na daw siya para bumuo ng pamilya. Wala rin naman siyang naiibigan na babae kaya nagpadala na lamang siya sa suhestiyon nito lalo pa at may utang na loob siya sa binibini.

Tuwing hapon ay nakagawian niya na maligo galing sa maghapong pagiging abala sa negosyo. Nakatapis na lumabas siya ng banyo at umupo sa higaan sandali. Ipinikit niya ang mga mata at ipinaling ang ulo. Medyo masakit ang kanyang ulo na marahil dulot nang pagpupuyat. Kanyang naramdaman na lamang ang tuluyang pagbagsak ng sarili sa ibabaw ng higaan.

“Klay, natutulog ka ba, Nak? Papasok ako ha? May dala akong merienda para sayo.” Off-duty ni Klay kaya ipinasya niyang matulog nang hapon na ‘yon. Wala na kasi siya sa kanilang bahay at kumuha ng mauupahan na malapit sa pinagtatrabahuang ospital. Walang kaalam-alam na naroon pala at bumisita ang kanyang ina.

“Susmaryusep! Anak, sino yang katabi mo?!” Halos kumabog ang dibdib ni Klay sa lakas ng sigaw ng inang si Aling Narcisa. Nagising siya sa lala ng boses nito. “Nay, anong katabi? Alam nyong natutulog ang tao e. Ngayon na nga lang makakapagpahinga. Tinatakot nyo naman ako.” Nabigla naman siya nang pahila siyang itinayo ng ina mula sa kama kaya tuluyang nagising ang kanyang diwa. Naroon ang galit sa mukha nito habang may itinuturo sa kama. “Sino yan? Ba't nakatapis lang yan? Maria Clara Infantes, nobyo mo ba yan? Ganito ka na ba kabastos na wala kang sinasabi sakin?!” Nalilito man sa inaasta ng ina ay tinapunan niya na lang din ng tingin ang tinutukoy nito at ganun na lang ang kanyang pagkagulat nang makita kung sino ang nobyo na sinasabi nito. Halos di niya maramdaman ang pagkurot nito dahil hindi naman talaga maganda ang nadatnan nitong eksena. “F-Fidel?” Hindi niya alam kung nasa panaginip ba siya o kung totoo ang mga nangyayari. Nandito mismo sa kanyang mundo ang lalaki na hiniling niya na makita muli!

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now