Sumusukong luha

64 1 0
                                    

“Sa iyong pag-anyaya na ako ay sumama na sa iyo ay natanto ko na ako ay tuluyan mo na ngang minamahal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Sa iyong pag-anyaya na ako ay sumama na sa iyo ay natanto ko na ako ay tuluyan mo na ngang minamahal. Ang aking pinakahinihintay na araw ay dumating na sa aking puso. Nagagalak ako ngunit kapalit nito ay lumbay sapagka’t pareho kong iniibig ang mundo na kinamulatan ng aking pag-iral at ikaw Binibining Klay. Kapantay mo ang pag-ikot at pagtigil nito. Kapantay mo ang sidhi ng aking pagmamahal para sa bayang ito. Aking binibini, wag ka sanang manangis at magalit sa akin kung hindi ko pauunlakan ang iyong nais. Nasasaktan ako na kailangan kong wikain sayo ang mga salitang ito. Kahit wala ako sa‘yong tabi ay pakabaunin mo ang ating alaala... ang aking ngalan ay wag na wag sanang mawaglit sa iyong isipan. Darating ako sa takdang panahon ngunit hindi pa sa ngayon, alam kong hindi pa maaari. Sana’y lubos mo akong maunawaan balang-araw. Pinakamamahal kita aking tala, aking kaliwanagan, ang bawat tibok ng aking puso ay hahayaan kong iyong ariin. Adios, mi amor. Hayaan mo lang na ikaw ay aking yakapin nang ganito katagal. Sa loob o kung may labas man ng aklat na ito ikaw ang aking langit na naabot ko na. Mahal na mahal kita, aking binibini nang walang hanggan.”

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now