WALANG WAKAS NA PAGTATANGI

132 5 0
                                    

KLAY × FIDEL FANFIC ENDING

Matapos ang naging kaganapan sa buhay naming lahat sa San Diego ay aking napagpasyahan ang mag-aral ng medisina sa Europa. Madaming magagandang alaala sa sariling bayan ngunit binalot din iyon ng kadiliman at pagkawasak. Hindi ko mainda ang lahat ng bagay na aking nasaksihan, hangga't patuloy akong naglalakad sa lupa kung saan dumanak ang bawat dugo ng aking kalahi ay tila ako'y malapit ng mabaliw.

Marahil doon ay makakapag-umpisa akong muli. Mabubuo ko ulit ang aking sarili.

At marahil... sa larangan ng medisina ay aking maisasabuhay muli si Klay. Narinig ko dati na isa itong nurse. Hindi ko nauunawaan dati ang mga sinasabi nito na talaga namang imposible. Akin lamang lubos na naintindihan lahat noong siya ang kahuli-hulihang tao na nawala sa akin. At ito ay pilit kong tinatanggap sa bawat araw na lumilipas na para bang mauulit ang tadhana kung saan muli kaming magtatagpo sa pamamagitan ng mga bagay na nakita ko sa kanya.

--
Lumipas ang mga taon...

Dahil sa pagod ay nakaidlip si Fidel sa loob ng klinika nito at kasalukuyang nasa loob ng isang panaginip.

Naglalakad ang ngayo'y 38 anyos na Ginoo sa isang daanan na may liwanag sa dulo. Sinundan nito ang kumikislap na bagay na iyon hanggang sa tuluyan na itong magising.

Agad na napahawak sa noo at ipinaling-paling ni Fidel ang ulo, mariin na pumikit saka dumilat. Nagtataka na pinaraanan nito ng tingin ang lugar kung saan ito naro'n at nakaupo malapit sa puting mesa.

May maliit na bombilya ang nagbibigay sinag sa buong paligid. Ibang-iba iyon sa klinika kung saan ito nakaidlip. Hindi maiwasang maitanong ni Fidel sa sarili kung nasa loob ng isang panaginip pa din ba ito.

Habang sa isang silid naman ay may isang pares ng mga paa na lumabas. Tinalunton ang kusina at binuksan ang ilaw. Kumuha ito ng pitsel sa loob ng ref saka naglagay ng tubig sa baso.

Nakasuot ang dalaga ng ternong pantulog na damit. Pagkatapos lumagok ay huminto ito sa isang pader kung saan sa kabila ay ang sala dahil tila may nagsasalita at naglalakad doon.

"M-Multo? T-Teka, ako lang naman mag-isa, wala sina mama at Elias... " o sa isip ng dalaga ay isang magnanakaw ang nakapasok sa kanilang bahay. Mabilis na nakakuha ito ng ipanghahampas na walis tambo. Mahigpit na hawak iyon ng dalaga. Sa bahaging iyon ng bahay ay konti lang ang liwanag dahil hindi din madali na pindutin yung switch na nasa dulong bahagi ng sala.

Nanginginig man ay narinig nito ang papalapit na yabag at walang kung anu-ano ay inihampas nito ang dalang walis ng apat na beses habang nagsisisigaw. Umaaray naman ang tao na tinamaan nito.

"A-Aray! Tama na, binibini!" Agad namang nahawakan ng ginoo ang pinanghampas sa kanya. Mahaba ang buhok ng babae na nagsisisigaw, halos may pag-iyak na nga iyon dahil sa takot.

"Pasensiya ka na, Binibini. Hindi ako tulisanes o kung ano pa man... " Natigil ang winiwika ng ginoo at animo'y naiwan sa ere pati na rin ang kanyang puso nang magtama ang kanilang mga mata ng babae. "K-Klay... Ikaw nga ba ito? Ikaw nga ba?" Nanginginig ang mga labi na bigkas ni Fidel. Natigilan din ang kanyang kaharap at napakurap ng mga mata. Nabitawan nito ang hawak na walis at walang sabi-sabi na siya ay mabilis na niyakap. Napakahigpit. Bagama't naluluha rin ay inabutan ng ginoo ng halik ang ulo ni Klay. Walang tigil ang pag-iyak nito. Halos ganun ang ayos nila buong gabi, walang nais na humiwalay. Nakatulog silang dalawa na magkatabi.

Masyado mang mahiwaga ay kanyang natagpuan muli ang una at huling babae na minahal at hinintay at hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito.

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now