MULI

49 1 0
                                    

Ito ay panibagong araw na naman binibining Klaykahit di mo ako naririnignais kong magparating ng kuwentoMayroon akong nakilala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ito ay panibagong araw
na naman binibining Klay
kahit di mo ako naririnig
nais kong magparating ng kuwento
Mayroon akong nakilala...
binigyan ko ng pangalan

Ang alitaptap na ito ay
tinawag kong Babu
pero kahit ganun ang kanyang ngalan
ay palagi siyang bumabalik

Lalo na sa mga gabi na
inaayawan ako ng antok
sa paraang iyon kasi...
sa kanyang presensiya ay naaalala kita
ayaw kitang kalimutan

Kaya naman araw-araw din akong nagsusulat
sa pamamagitan nun ay naipapakalat
ko ang iyong alaala
pansin ko kasi na kahit nasa trenta anyos lamang ako na mahigit ay
unti-unti akong dinadapuan ng pagiging
ulyanin...

Kaya naman araw-araw din akong nagsusulatsa pamamagitan nun ay naipapakalatko ang iyong alaalapansin ko kasi na kahit nasa trenta anyos lamang ako na mahigit ayunti-unti akong dinadapuan ng pagigingulyanin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ayokong umabot sa sandali
kung saan maging ang pangalan mo
ay aagawin na ng hangin
mula sa aking isipan

Nais kong pakaingatan ka
kahit sa ganito kababaw na paraan,
nakakaawa ba ang aking kalagayan?
Ang mahalin ka kahit matagal
nang nagtapos ang mundo ng ating
pagkakasama

Binabalikan ko ang mga yun sapagka't
ako’y napapangiti nito
isang kapanatagan na hindi ko alam
kung makakamit ko pa din

Dahil pinanghahawakan ko
na balang-araw ako’y maririnig
din ng kung sino... may kapangyarihan
ang langit upang tumupad ng
kahilingan hindi ba?
Hindi pa naman huli
na hingiin kitang muli?

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now