MALIGAYANG PAGTATAGPO

57 5 0
                                    

Habang kumakain sya sa Kuya Korea, di niya namalayan na may nakatitig na pala sa kanya sa kabilang table. Nanunubig ang mga mata nito at sumisilay ang ngiti sa labi.

“Kumain ka lang, binibini. Nitong mga nakaraan, sa aking pagmamanman sayo ay di ko lubos akalain na napakasipag mo pala. Kaya sana'y nasarapan ka sa lahat ng putahe na mayroon ang aking kainan.” Iyon ang tumatakbo sa isip ni Fidel habang nakatitig sa babaeng itinitibok ng kanyang puso.

“Mayroon kaming free dessert, maaari kang mamili sa menu, Merry Christmas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Mayroon kaming free dessert, maaari kang mamili sa menu, Merry Christmas. Binibining Klay... ” Natigil si Klay sa pagsubo ng pagkain saka marahang tiningnan ang lalaking nagsasalita sa kanyang harapan. May tissue ang kanang kamay nito at inabot ang kanyang labi upang pahiran ang sauce na nasa gilid nun.

Walang kurap at parang nananaginip lamang siya. Narito sa kanyang harapan ngayon ang naiwan niyang pag-ibig sa libro. Kahit pigilan niya ay nagsipatakan ang kanyang mga luha nang magkapanabay. “N-Nahanap mo ko... ” Umiiyak niyang sambit sa noo'y nakangiti ngunit lumuluha ding si Fidel.

“Oo naman, binibini ko. Sinabi ko na sayo na kahit saang mundo ka man nabibilang, ikaw ay hahanapin ko... Kahit matagal. Nandito na ako para sayo lamang.” Parang matutumba na tumayo si Klay, lumapit ito sa kanya at walang hiya na yumakap. Napakahigpit. Ang mga tao sa lugar na yun ay kanya-kanyang kuha ng litrato, mga kinikilig sa tagpong iyon. Marahang hinalikan ni Fidel ang kanyang noo. “Hindi na kita papakawalan, mahal ko.” Bulong nito. Tumango naman siya bilang tugon. Ang tunay na pag-ibig pala ay may mahiwagang paraan upang patuloy na bumalik sa‘yo... Kahit malayo ito ay mananatili ng walang hanggan sa iisang pagtingin ng dalawang tao na matibay ang pagmamahalan.

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now