Pagkakasakit dulot ng pagtangi

81 3 0
                                    

“Señor Ibarra, bakit parang isang linggo na di nambubwisit este naliligaw dito si señor Fidel?” ang hindi na mapigil na itanong ni Klay.

“Ang balita ko ay nagkasakit ang aking amigo. Ako nga ay pumaroon noong isang araw. Kawawang amigo.” May lungkot sa boses nito.
Agad naman napakunot ang noo niya. Si Fidel? Nagkasakit?

Dalawang araw ang nakakaraan...

“Amigo, ako'y pumasyal agad dito sa iyong tahanan nang makarating sa akin na ikaw nga ay nagkasakit. May dala akong prutas para sa'yo.” Bungad ni Ibarra nang ito'y dumating.
Siya naman ay sinamahan ito sa salas. Medyo maputla pa ang kanyang hitsura dahil hindi pa siya gumagaling. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang tumama sa kanya. Maayos naman ang kondisyon niya ngunit siya'y tila tinamaan ng sakit matapos na umalis si Klay sa gabi ng kanyang panghaharana.

“Nais mo bang papuntahin ko rito si Binibining Klay? Baka bumuti ang iyong lagay kapag natunghayan mo siya.” Itago man ni Fidel ay nasilip ng kanyang amigo ang biglang pagkislap ng kanyang mga mata at pigil na pagngiti. “Maaari ba, amigo? Ang totoo'y tila nahihinuha ko na kung bakit ako nagkakaganito. Sadya nga yatang isang bruja ang binibini sapagka't napaibig niya ako. At heto na nga at nagkasakit ako... ang aking puso. Pasensiya ka na, amigo at ikaw ay nag-abala pa na ako'y kamustahin at dalawin.”

“Walang anuman, amigo. Ano pa ba ang gagawin natin kundi ang magtulungan at magdamayan. Masaya ako at nakikita ko na tapat ang intensyon mo sa aking kaibigang si Ms. Klay. Nawa ikaw ay gumaling na kapag kayo ay nakapag-usap.”

(Pagbisita ni Klay)

“Pakihintay na lamang siya dito sa salas, binibini,” ani ng katiwalang lalaki ni Fidel.
May padalang mga prutas at iilang pagkain ang señor Ibarra sa kanya na ibinigay niya sa tauhan ng ginoong Fidel.

Ilang sandali pa ay pumanaog na sa hagdan ang kanyang pakay. Nangangayayat nga ang ferson.
Nang makababa ay pumuwesto ito sa kabilang bahagi ng upuan. Nagkaroon din ito ng eyebags at halos hindi makatingin sa kanya.

“Narinig ko na nagkasakit ka daw, señor Fidel.” panimula ni Klay, “Ayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?” dagdag pa niya. Hindi nalalaman ni Klay na itinatago ni Fidel ang galak dulot ng kanyang tanong.

“Ngayon? Parang bumubuti na, binibini. Lalo na ngayon at dinalaw mo ko. Salamat.” Kahit humupyak ang pisngi ay banaag pa din ang kagwapuhan nito. Sa naisip ay nais kastiguhin ni Klay ang sarili. Kailan pa ito naging attractive sa kanyang paningin? Sinuri niya nang palihim ang anyo nito. Medyo magulo ang buhok nito, pumogi este nakasuot pa rin ito ng pantulog.

“May pinadalang pagkain at prutas si señor Ibarra. Nais mo bang ipagluto kita ng lugaw?” Gusto mang bawiin ni Klay ang sinabi ay sumilay na ang ngiti sa labi ng kaharap.

'Ano ka, Klay? What is this behaviour, asawa lang ang peg? Hello? Parang unti-unti ka nang bumibigay sa lolo Fidel na yarn jusko. Jowang-jowa ka na ba teh? So lonely na yarn?' Di napapansin ni Klay na napapangiti na lang ang ginoo nang mapansin na tila kinakausap na naman ng babaeng tinatangi ang sarili nito.

“Ito na ang lugaw ninyo, señor” pagdulot ni Klay dito sa kanyang iniluto. Shock dahil halos nakailang plato ang lolo. Ganun kasarap ang luto niya?

“Salamat, Binibining Klay. Mas bumuti at mas sumigla na ang aking pakiramdam,” wika pa nito.

Nang siya ay nagpasya na na umalis ay inihatid pa siya ni Fidel sa labasan.

“Salamat at inabala mo pa ang iyong sarili upang ako'y lutuan. Nabusog ang aking puso.” Walang ligoy na sabi nito sa kanya. Sa bigla ay hindi na niya tiningnan ito at tumalikod na. Alam niya kasi na naroon na naman ang pamatay nitong smile. 'What? Klay, anong nangyayari sayo, girl? Kanina mo pa siya lihim na pinupuri. Tigil-tigilan mo ko' halos sampalin niya ang sarili habang daan. Bakit parang nag-iiba na ang hangin? Bakit parang attracted na din siya sa lalaking yun?

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Där berättelser lever. Upptäck nu