Home with me

72 2 0
                                    

“Ang lahat ng aking agam-agam ngayon ay nangagkawala lahat. At napangalanan ko na rin ang lumbay na aking iniinda sa mahabang panahon. Ikaw yon, Binibining Klay. Hindi mo nababatid kung gaano katagal ang aking hinintay muli ka lamang masilayan nang ganito kalapit na parang hindi ka na mawawalay pa sa akin. Lubos akong nagagalak. Naiuwi na sa akin ang kalahati ng aking buhay at puso. Hindi na ulila ang aking pakiramdam.” Mahigpit na yapos ang iginawad ni Fidel sa kanya.

“Bakit ka ba umiiyak?” Nagtataka din siya sa sarili kung bakit niya iyon naitanong gayong umiiyak din naman siya.

“W-Wala, binibini. Hindi lang ako makapaniwala na sa kabila ng katotohanan na hindi ka tauhan sa loob ng aklat na ito na iyong sinasabi ay n-naalala mo pa din ako. B-Binalikan mo ko. Kaya... gracias.”

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon