KUNG AKO MAN AY IIWANAN MO (1)

121 2 4
                                    

"Ito lang muna ang maibibigay kong singsing sa'yo, irog ko. Ang singsing na ito na ka-hulma ng santan ay sumisimbolo sa pagkakaugnay ng ating mga puso, Klay. Pangako, kapag naging maayos na ang lahat ay tiyak na maibibili na kita ng mahal na singsing. Ito ay tanda rin ng aking katapatan at pag-ibig sa iyo. Iyo itong suotin at lalagi mong dala ang aking puso." Nasa magulo at nakakatakot man na sitwasyon ay naiiyak sa galak na isinuot iyon ni Klay. Halos awang-awa siya sa hitsura ni Fidel na nangangayayat sa halos isang buwan nilang pagtatago mula sa gobyerno ng españa. Kasali kasi sila sa listahan ng mga ipadadampot dahil sa rebolusyon na pinangunahan ni Crisostomo na hanggang sa mga sandaling iyon ay tulad din nila na tinutugis.

Heto sila at nakatago sa isang dampa na hindi pa naman nasisiyasat ng mga guardia sibil. Kapag gabi ay nagpapakiramdaman na lamang sila sa isa't isa dahil hindi maaaring gumamit sila ng kandila o ng anumang magpapaliwanag sa paligid at baka sila ay tuluyang matagpuan ng mga kalaban.

Ngunit sa gabing iyon ay nanaig ang pagtatangi nila sa isa't isa. Isa sa pinakamagandang alaala ang naganap sa dalawang puso na umiibig.

"Hindi ko akalain na maririnig ko ng ganito kalapit ang tibok ng iyong puso, mahal ko." Masaya na ipinilig ni Klay ang ulo sa bandang dibdib ng nobyo habang marahang pinararaanan ng mga daliri nito ang kanyang buhok.

"Hindi ko rin akalain na tayo'y pinagtagpo ng tadhana upang maging buo at maging isa gaya nito. Kung wala lamang ang kasamaan sa bayan marahil ay wala ng makakapigil sa araw kung saan tayo ay magkakaharap sa loob ng simbahan. Mangangako ng habambuhay. Ikaw at ako ay magiging masaya lamang. Ninanais mo rin ba 'yon?" Halos inaantok pa ang boses ni Fidel nang wikain yun sa kanya. Dinulutan niya ito ng halik sa pisngi bilang sagot.

Ang ganung tagpo ay umuukilkil pa din sa isip ng otsenta anyos na si Klay. Napakasakit pa din isipin na matapos ang gabing iyon ay pinagtaksilan sila ng isa sa mga nadakip na tulisanes kaya sila natunton.

Halos magmakaawa si Klay nang walang habas na kinastigo at binugbog sa kanyang harapan ng mga guardia sibil si Fidel.

"A-Ako na lamang ang inyong pahirapan, wag na ang babae, kahit di nyo ko tigilan, wag nyo lamang syang salingin. Maaari ba? Ako'y nagmamakaawa sa inyo." Halos maglumuhod ang kanyang nobyo. Madami itong sugat na tinamo. Mayroon pa itong dugo sa labi. Walang ampat ang luha na tumingin ito sa kanya bago ito huling hinampas ng baril sa batok. Nalugmok ito sa lupa. Sobrang sakit ng kanyang nasasaksihan. Kung maaari nga lamang na gumapang sya papunta dito at pumiglas sa mahigpit na pagkahawak ng dalawang guardia sa kanya ay kanya ng ginawa.

"T-Tama na... Maawa na kayo sa kanya... pakiusap." Pakaladkad syang dinala ng dalawang pilipino na guardia sibil palayo sa tagpong iyon.

Tulala na nakaupo sa kulungan si Klay kasama pa ang ilan sa mga nadakip. Halos pagtangkaan pa siyang halayin kung di lamang sa alperes.

Bigla na lamang bumisita sa kanya si Mr. Torres. Nasa labas ito ng selda. Ang kanyang mga kasamang nakakulong ay tulog na nang gabing iyon na biglang nagpakita ang matanda.

Iyon na raw ang pagkakataon kung saan siya ay makakauwi na sa kanyang mundo.

Halos hindi makaimik si Klay dulot ng pagod, sama ng loob sa propesor at ang isipin na iiwanan niya si Fidel sa ganoong kalagayan ay hindi niya kayang gawin.

"Ms. Infantes?" Untag pa muli ng matanda sa kanya.

"A-Ayoko. Hindi ako aalis... " Umiiyak na sagot niya rito saka nagpatuloy. "Ang k-kaibigan ko na si Clarita, wala na siya. Hindi ko nagawang pigilan ang mangyayari. Si Ibarra... hindi ko na alam nasaan na siya at si Fidel... gusto nyo pabayaan ko na lang, iwan nang walang pasabi? Mr. Torres, sa palagay nyo ba may puso pa kayo? W-Wala ba talaga kayong pakiramdam? Pinasok nyo ako sa nobelang ito para lang gawin ang desisyong ito? H- Hindi ba kayo naaawa kahit konti sa'kin? Bulag ba kayo at di nakikita na sobrang sakit na ng lahat?" Pinagsalubong ni Klay ang paningin nilang dalawa ng propesor. Binuhos na niya ng buo ang sakit na kanyang nararamdaman sa harap nito.

/FANFICTION, BAWAL KOPYAHIN MULA SA MAY-AKDA O ARIIN NG WALANG ANUMANG CREDIT/

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

/FANFICTION, BAWAL KOPYAHIN MULA SA MAY-AKDA O ARIIN NG WALANG ANUMANG CREDIT/

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now