(PAGTATAGPO 2)

56 4 0
                                    

Fidel: Ang sabi ng matanda na kausap ng aking binibini bago siya higupin ng mahiwagang portal ay doon na lamang kami magkikita sa isang kainan at sana ako’y hindi tuluyang maligaw. Dinala ako ng portal sa isang lugar na may matayog na gusali. Sa ibaba nito ay maraming tao sa labas at sa loob ng tila isang kainan. Nahagip ng aking paningin ang isa sa babaeng tila nagsisilbi doon sa mga kumakain. Nakasuot ng tila maliit na sumbrero habang may hawak na tila panulat at papel. Nang mapaharap ang mukha nito na nakangiti sa aking direksyon ay tila bumagal ang oras, ang aking puso ay walang mapagsidlan ang tuwa na nadarama. Halos magpasensiya ako sa aking mga nasasagi dahil tila ako rin ay natutulala. Hindi ko akalain na dito sa lugar na ito ay makakatagpo kong muli ang binibini na bukod tangi kong sinisinta. Pumasok ako sa pinto ng kainan at tumigil lamang ang aking mga paa nang ako’y nakatayo na malapit sa kanya... Kay Binibining Klay. Abala ito at hindi napansin na ako’y mababangga na nito nang ito'y humarap. Matutumba sana ang aking binibini ngunit nasalo ko siya nang mabilis... Kung gaano noong mabilis ding nahulog ang loob ko sa kanya. Nanginginig man ang aking braso at kamay, maging ang puso at boses ay nginitian ko siya. “Aking... binibini” Nakita ko na halos hindi makapaniwala ang kanyang hitsura at walang namutawing iba sa kanyang labi kundi ang aking pangalan. Itinayo ko siya at niyakap nang napakahigpit habang kami ay kapwa umiiyak.

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now