MGA TITIK NG PAGMAMAHAL

169 0 0
                                    

Napapagitnaan ng
kalamidad at
sigalot
ang pagtatalo ng isipan at
puso ay panandaliang
nagiging payapa
sa tuwing nasusulyapan
ang kanyang ngiti
o natitikman ang paraan nang
pag-irap
akin pa bang hihintayin
ang paghupa nito
o susuko na lamang
sa tila awit ng pagsinta
na sumibol sa akin?
Sa lahat ba ng mga tao
na pumapaligid sa kanya
ay magkakaroon ng ako
sa kanyang paningin?

/Fidel/

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now