Special Chapter Part 4

2.1K 32 7
                                    

Hunter POV

Nang makarating kami sa bahay ay agad na bumaba ng sasakyan si Linnea ng hindi man lang lumingon sa akin, napabuntong hininga na lang ako bago siya sinundan. Mas panatag ang loob ko kung nandito siya sa bahay. Kahit na gusto ko man siyang puntahan agad ay hindi ko magawa dahil baka mag away lang kaming dalawa.

Dumiretso na muna ako sa opisina ko dito sa bahay para tapusin ang iba ko pang trabaho para hindi ako masyadong matambakan. Habang nagbabasa ako ng mga papeles a bumukas ang pinto at nakita kung pumasok si Nay Belen na may dalang kape.

"Dinalhan kita ng kape para hindi ka antukin, iwan ko ba sayo kung bakit hanggang dito sa bahay sa nagtatrabaho ka pa din na bata ka." anas niya.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Hindi naman ako magtatagal Nay, tinatapos ko lang basahin at pirmahan itong ibang papeles para hindi ko makalimutan." sagot ko sa kanya.

"Mabuti naman at nakita ko na ang asawa mo, saan ba siya galing?"

"Nando'n siya sa condo ni Aiden, hindi ko nga din malalaman kung hindi sinabi ng gagong 'yon. Mukhang takot pa sa asawa ko kaysa sa akin." natatawang sambit ko.

Napailing naman siya. "Alam mo naman ang batang 'yon, hindi ka pa nasanay. Nagkausap na ba kayo ng asawa mo?"

Umiling naman ako. "She's still mad at me kaya hinayaan ko na lang muna siya. Bukas ko na lang kakausapin." sagot ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin. "Konting hindi pagkakaunawaan lang 'yan ang importante ay maayos niyo at huwag ng patagalin pa. Sige iho aalis na ako para makapagpahinga na."

Tumango naman ako at saka ibinalik ang atensyon ko sa mga papeles na hawak ko, hanggang sa hindi ko na namalayan na ilang oras na pala akong nagtatraho kaya nagdesisyon na akong tumayat tingnan kung tulog na ang asawa ko.

Alam kung nasa kwarto siya ng anak namin kaya do'n na ako dumiretso at tama nga ang hinala ko na nando'n siya at tulog na. Naglakad ako palapit sa kanila at inayos ang kumot nilang dalawa. Nagtagal lang ako ng ilang minuto do'n bago pumunta sa kwarto ko. I'll just talk to Linnea tomorrow.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga kaya bumaba na ako para kumain dahil nakaramdam ako ng gutom, nakalimutan ko pala na hindi ako nag hapunan kagabi.

"Gising ka na pala iho, tamang tama at katatapos ko lang magluto. Kakain ka na ba?" tanong ni Nay Belen.

"Oo nay," sagot ko saka naman siya naghain ng almusal at itinimpla na din niya ako ng kape.

Mayamaya pa ay nakita ko ang asawa ko na kakagising lang din, akmang tatalikod siya ng makita niya ako. "Go back Linnea and sit down." seryosong turan ko inirapan niya naman ako at padabog na nagmartsa pabalik.

"Kumain na kayong dalawa diyan at tigilan niyo muna ang pag aaway dahil nasa harap kayo ng biyaya ng Diyos." saway sa amin ni Nay Belen.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain, hindi ko talaga alam kung bakit nagkaroon ako ng asawa na siraulo pero mahal ko naman. Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain kami at hindi ko mapigilan ang hindi magpigil ng tawa dahil halatang binibilisan niya ang pagkain.

"Wala namang naghahabol sayo Linnea, pwede kang kumain ng dahan dahan dahil walang aagaw niyan sayo." saad ko pero inirapan niya lang ako. Gusto ko man magtagal pero hindi ko magawa dahil may meeting ako ngayon kaya tumayo na ako para mag ayos, uuwi din naman ako agad kaya mamaya ko na lang siya kakausapin para magkaayos na kami.

FASTFORWARD....

Nang makarating na ko sa opisina ay nakita ko si Aiden na prenteng nakaupo. "What brings you here?" tanong ko sa kanya.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Malamang may meeting, alangan naman hindi ako umattend. Psh!"

"Kung makapagsalita ka naman akala mo ang tino mo, hindi ka nga madalas umaattend dahil puro babae ang inaatupag mo!" asik ko sa kanya.

"Sadyang maganda lang talaga lahi ko kaya hindi ko mapipigilan kung habulin ako ng mga babae. Pinagbibigyan ko lang naman sila,"

"Kaya iniiwasan ka ni Ciara dahil sa kagaguhan mo!" anas ko.

"Don't worry about it, makukuha ko din naman 'yon sa tamang panahon. Pakipot lang talaga 'yan ngayon."

"I'm warning you, Aiden. Kung wala kang planong seryosohin si Ciara ay tigilan mo na. Best friend 'yan ng asawa ko." wika ko habang inaayos ang mga papeles na nasa mesa.

"Seryoso naman ako kay Ciara, sadyang masyado lang siyang mailap kaya hindi ko alam ang kung paano siya kakausapin ng hindi ako sinisigawan."

"Babaero ka kasi, natural hindi siya maniniwala sayo." sambit ko.

Kita ko naman ang pagngisi niya. "No one can resist my charm."

Napailing na lang ako. "Bahala ka sa buhay mo! Basta sinasabi ko sayo, malalagot ka sa asawa ko." ani ko.

"Speaking of Linnea, kamusta na kayo? Nakapag usap na kayo?"

Umiling naman ako bilang tugon sa kanya. "Alam mo naman kung gaano katigas ang ulo ng asawa ko, naisama ko nga siya pauwi pero hindi naman sa kwaro natulog kung hindi sa anak namin. Kanina din kasabay ko siyang kumain pero iwas na iwas talaga siya sa akin." sagot ko.

"Hindi mo naman kasi siya masisisi dahil nasasaktan siya, pero kapag nakapag usap naman na kayo at naipaliwanag mo na sa kanya ang totoong nangyari tiyak naman magkakaayos na kayo niyan."

"Iyan din naman ang plano ko, hindi ko naman hahayaan na magtagal pa ang hindi namin pagkakaunawaan. Baka mamaya layasan na naman ako." anas ko.

Tumawa naman siya. "Wala eh, nakapangasawa ka ng tigre."

Hindi ko naman mapigilan ang hindi matawa dahil sa tinuran niya. Parang dati lang ay wala akong kinakatakutan na kahit sino, dahil alam kung kaya ko naman lahat. I have money and connections at wala naman ibang kumakalaban sa akin sa business. Hindi ko alam na darating ang araw na magkakaroon ang katatakutan kung mawala sa buhay ko at 'yon ang asawa ko, ang pamilyang nagpabago at bumuo sa akin.

"Huwag kang mag alala dahil darating din ang araw na mararanasan mo din ang nararanasan ko. Gaganti pa ako sayo dahil kapag asawa mo naman ang lumayas sisiguraduhin kung buwan o taon mong hindi makikita." pang aasar ko sa kanya.

"Gago ka ba?" sigaw niya kaya mas lalo lang akong natawa.






Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora