Chapter 9

1.7K 33 0
                                    

Hunter POV

Pagkatapos ng board meeting sa kompanya ko ay agad na akong umalis do'n at dahil wala naman akong ibang gagawin ay napagpasyahan kung puntahan si Linnea sa kanyang pinagtatrabahuhan. Alam kung magugulat siya kapag nakita na naman ang pagmumukha ko pero wala akong pakialam.

No'ng makita niya ako ay mukhang wala siyang balak kausapin ako kung hindi nakita ko siyang nagtuloy tuloy sa paglalakad kaya mabilis ko siyang hinabol at hinila ang kanyang braso, bakas naman sa kanyang mukha ang inis.

Ilang beses ko pang sinabi na sumakay na siya sa kotse pero nagmamatigas pa ito kaya wala akong ibang choice na gawin kaya tinakot ko ito at nagmadali naman itong sumakay ng nagdadabog.

Sumilay sa aking labi ang ngiti bago sumunod sa kanya. I win again!

Halos 30 minutes din ang naging byahe namin bago makarating sa bahay, ng maiparada ko ang sasakyan ay nakita kung himbing na natutulog ito kaya hindi ko na lang siya ginising at binuhat ko na lang ito ng dahan dahan.

Agad ko siyang diniretso sa kwarto ko at ng maihiga ko siya sa kama ay hindi ko mapigilan ang hindi tumitig sa maamo niyang mukha, hindi maipagkakailang maganda, makinis at maputi si Linnea, magaganda ang kanyang mga mata at may matangos na ilong. Hindi na ako magtataka kung marami man ang magkagusto sa kanya, siguro kung nasa maayos na sitwasyon lang kami no'ng magkrus ang landas namin ay hindi ito mangyayari sa amin. Pero kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin ako dahil kung hindi sa katigasan ng kanyang ulo marahil ay hindi kami nagkakilala.

Napabuntong hininga naman ako, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito ngayon at dahil pa sa isang babae. Hindi pwedeng lumambot ang puso ko at baka ito pa ang makasira sa mga pinaghirapan ko. Tumayo na ako at nagbihis ng damit, ramdam ko ang pagod ngayong araw dahil sa marami akong inayos na mga papeles kanina, pagkatapos kung mag ayos ay mabilis akong humiga sa tabi niya. Isa pa sa dahilan kung bakit kailangan bantayan ko siya ay dahil kay Aiden, alam kung mapapahamak si Linnea sa oras na malaman niyang may koneksyon a ito sa akin. Hindi ako papayag na gamitin niya ang babaeng ito laban sa akin, kilala ko siya isa siyang tuso at gagawin niya ang lahat para makapag hinganti sa akin kahit wala naman akong kasalanan sa kanya. Masyadong sarado ang utak ni Aiden at gusto niya ay siya lang ang masunod.

Tumunog naman ang phone ko at nakita kung si Dane ang tumatawag kaya sinagot ko ito. "Why did you call?" tanong ko sa kanya.

"Nakita ng isang tauhan natin si Aiden sa isang mall, wala naman siyang ibang kasama kung hindi siya lang." imporma niya sa akin.

"Sabihin mo sa mga tauhan natin na matyagan nilang mabuti ang lalaking 'yan. Hindi natin alam kung ano pa ang gagawin niya sa mga susunod na araw, hindi tayo pwedeng maging kampante." saad ko.

"Huwag ka mag alala Hunter, aasikasuhin namin agad ang bagay na 'yan." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay ibinaba ko na ang tawag.

Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa mga kagaguhan ni Aiden. Kailangan kaya siya magigig mature? Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa din siya nagbabago.

Linnea POV

Hapon na ng magising ako, mukhang napahaba yata ng tulog ko. Inilibot ko ang aking paningin at hindi nga ako nagkakamali, nandito na naman ako sa bahay ng demoyong ito. Napansin ko ang tulog na tulog si Hunter sa tabi ko. Sa totoo lang ang gwapo niya talaga, pero hindi ako pwedeng magtiwala ng basta basta lang sa taong mayayaman. Hindi ko pa lubos alam ang kakayahan ni Hunter pero alam kung kaya niya din gawin ang lahat.

Habang nasa malalim na pag iisip ako ay tumunog ang tiyan ko senyales na gutom na ako, kaya tumayo na ako para bumaba at kumain. Nasanay na din ako sa pamamahay na ito dahil palagi akong kinakaladkad dito ni Hunter at kahit ang mga kasama at katulong dito sa bahay ay kilala na ako.

Nang makababa na ako ay wala akong makita na kahit isang maid na ikinataka ko, lumapit ako sa isang lalaki na nakita ko para magtanong.

"Excuse kuya," panimula ko at agad naman itong tumingin sa akin.

"Bakit po ma'am Linnea? May kailangan ba kayo?" tanong nito.

"Itatanong ko lang sana kung nasaan ang mga maid?" ani ko.

"Ay wala po sila ngayon at pinag day off ni Sir," sagot naman nito na ikinatango ko.

Himala mabait din naman pala kahit papaano ang lalaking 'yon, mukhang tama nga ang sinasabi ng mga katulong. Agad naman akong nagpaalam dito at dumiretso na sa kusina at dahil alam kung walang magluluto kaya ako na lang ang gagawa.

Binuksan ko ang ref. para makita kung ano ang laman nito na pwede kung lutuin at mabuti na lang dahil kompleto naman ito. Inilabas ko na lahat ng mga gagamitin ko at nagsimula ng magluto.

I decided to cook sinigang, menudo and mechado. Balak ko din gumawa ng dessert.

Busy ako sa pagluluto habang sinasabayan ito ng pagsasayaw, nakasanayan ko na ganito pag nagluluto ako para malibang din ako sarili ko ng biglang may tumikhim sa likuran ko dahilan para mabitawan ko ang sandok na hawak ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa nito, gising na pala ang dyablo!

"Gising ka na pala, hintayin ko lang ng konti at maluluto na din ito. Day off pala ng mga katulong kaya ako na lang ang nagluto." kako sa kanya.

Tumango naman ito at dumiretso sa ref. para kumuha ng tubig at uminom.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos ako sa pagluluto, inayos ko agad ang mga ito sa dining at pagkatapos ay tinawag na siya.

Umupo naman ito at nilagyan ko naman ang kanyang plato.

"Bumait ka yata ngayon? Mabuti naman at inayos mo na 'yang ugali mo kapag ako ang kaharap mo, madali ka din naman pa lang kausap." bulalas nito.

Inirapan ko naman siya at hindi na sumagot pa, alam ko naman kasing hindi ako mananalo sa kanya kahit na ano pang sabihin ko. Nagpatuloy naman ako sa pagkain ng mapansin kung hindi ito kumakain at nakatitig lang ito sa akin.

"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? May dumi ba ako sa mukha? Alam kung maganda na talaga ako." tanong ko dito pero wala man lang akong nakuhang sagot.

"Kung iniisip mo na baka nilagyan ko ng lason ang pagkain mo ay nagkakamali ka. Hindi ako mamatay tao." dagdag ko pa.

I heard him tsked, bwisit talaga na lalaki!

Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang, napansin ko din naman na nagsimula na itong kumain.

"Pagkatapos kung kumain ay maliligo na ako dahil may importante pa akong pupuntahan pero babalik din ako agad. Huwag kang aalis dito." wika niya habang kumakain.

Napaismid naman ako. "Wala naman akong pakialam kung may lakad ka o wala and excuse me Mr. Silvestre hindi mo ako utusan para sumunod sa kung ano ang sasabihin mo!"

"Really Linnea? Iba ang sinasabi ng bibig mo sa gusto ng katawan mo, remember how you moan when I'm pleasuring you?" pang aasar niya.

"Damn you! Stop it." asik ko sa kanya.

"You can't deny to me Linnea, alam kung nagugustuhan mo din ang ginagawa ko sa'yo. I remember how you beg for more." dagdag pa nito at tumayo na.

Arrrgg! Kahit kailan talaga ang bunganga niya hindi niya maitikom! Tama bang sabihin niya 'yan sa harap ko?

"Pwede ba tigilan mo ako Hunter, kung wala kang matino na sasabihin ay umalis alis ka na sa harap ko. Nandidilim na naman paningin ko sayong demonyo ka!"singhal ko sa kanya at tumalikod na.

"Huwag mo akong tinatalikuran dahil kinakausap pa kita." sigaw nito pero hindi ko na siya pinansin at nagtuloy tuloy na ako sa kusina para magligpit.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Kde žijí příběhy. Začni objevovat