Chapter 23

1K 21 0
                                    

Hunter POV

Nang magising ako ay nakita kung tumatawag si Aiden at sinabi nito sa akin na ibabalik niya na si Linnea, kaya sobrang saya ang nararamdaman ko dahil sa wakas ay natauhan na siya. May naihnada na sana akong plano kung hindi lang siya tumawag para ipaalam sa akin na sumusuko na siya. At dahil excited ako na makita si Linnea ay nagpasya na akong puntahan siya sa bahay ni Aiden, gusto ko din kasi siyang makausap para maayos na sana namin ang kung ano man ang alitan sa pagitan namin, alam kung nando'n siya sa bahay ng kanyang mga magulang.

Nagpresenta si Dane na sasamahan niya na ako dahil wala naman siyang gagawin kaya hinayaan ko na lang siya sa trip niya sa buhay. Nang malapit na kami sa gate ay nagtaka ako dahil nakabukas ang gate, nang mahinto ang sasakyan ay mabilis akong lumabas. Papasok na sana kami sa gate ng may biglang sumabog sa loob kaya napatakip kami sa aming tenga dahil sa lakas no'n. Bigla akong nakaramdam ng matinding takot para kay Linnea at Aiden. Nang mawala ang usok ay mabilis akong pumasok sa loob at tumambad sa akin si Linnea na walang malay sa gilid habang sa Aiden naman ay nakasalampak din sa kabilang dulo na walang malay.

Nilapitan ko agad si Linnea at nakita kung puro dugo ito habang sina Dane naman ay lumapit kay Aiden.

Shit! Shit! Shit!

Ilang mura ang naibulalas ko dahil sa nakita ko, kaya mabilis kung binuhat si Linnea para isakay sa kotse at dalhin sa hospital habang nakasunod naman si Dane na hawak naman si Aiden. Anong nangyaari?

Dahil sa nanginginig ang kamay ko kaya si Dane na lang ang nagpresentang magmaneho dahil baka ma aksidente pa kami. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan na haplusin ang mukha ni Linnea kahit punong puno ito ng dugo.

"Is she okay? Still breathing?" tanong ni Dane.

"Yes she is, how about Aiden?"

"He is also breathing, mukhang nawalan lang ito ng malay at marami na ding dugo ang nawala sa kanya dahil sa tama ng baril sa katawan niya."

Hindi din nagtagal ay nakarating din kami sa hospital, agad kung binuhat pababa si Linnea at gano'n din ang ginawa ni Dane kay Aiden. Mabilis naman ang naging pagkilos ng mga doktor ng nakasalubong namin sila.

Ilang beses akong pabalik balik ng lakad sa labas ng emergency room, dahil dito agad ipinasok silang dalawa. "Stay calm Hunter, everything will be alright." anas ni Dane sa akin at tinapik nito ang aking balikat.

"I hope so Dane, hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa." pag amin ko.

"Parehas na mga masamang damo ang mga 'yon kaya siguradong makakaligtas sila."

Tumango naman ako at umupo sa upuan malapit sa amin para hintayin ang paglabas ng doctor. Sana lang ay maging maganda ang balita, ayaw ko ng mamatayan pa ulit sa importanteng mga tao sa buhay ko.

Pagkalaan ng halos dalawang oras na paghihintay namin ay ibinalita sa akin ng doctor na ligtas na ang dalawa. Nandito na ako ngayon sa private room kung saan dinala sina Aiden at Linnea, nirequest ko na lang na pag isahin na lang sila para hindi ako mapagod kakalipat para matingnan sila. Hanggang ngayon ay wala pa ding malay si Linnea habang si Aiden ay kakagising lang.

"Anong kagaguhan ang ginawa mo?" tanong ko agad sa kanya ng makalapit ako dito.

Tumingin muna ito sa akin bago nagbuntong hininga. "Gumagawa naman ako ng paraan dahil ayaw ko din na tuluyang mawala ang kompanya na pinaghirapan ng mga magulang ko, hindi ko lang alam kung saan ako magsisimula." paliwang niya.

"Himbis na asikasuhin mo ang kompanya at maghanap kung paano masosolusyunan ang problema at mabayaran ang mga investors ay mas inuna mo pa talaga ang paghihiganti mo sa akin. Tingnan mo ang nangyari, sa tingin mo ba ay hindi ka sisingilin ng mga 'yon? Mas lalo mawawala sayo ang kompanya ng mga magulang mo dahil sa pagiging tanga mo!" singhal ko sa kanya.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Where stories live. Discover now