Chapter 27

1K 22 0
                                    

Linnea POV

Nasa garden ako ng bahay at hinihintay na dumating ang dalawa dahil hanggang ngayon ay wala pa ang mga ito, ilang beses ko na din silang tinawagan pero walang sumasagot kahit na isa sa kanila. Minsan talaga nakakainis ang dalawang 'yon simula ng magkaayos sila ay madalas nila akong pagtripan. Ilang araw ko din napapansin ang mga ito na parang mayroong hindi sinasabi sa akin, ayaw ko naman magtanong dahil sigurado naman ako na wala silang plano na sabihin sa akin kung ano man ang tinatago nila.

Mayamaya ay hangos hangos na lumapit si Nay Belen sa akin na may dalang telepono. "Iha may tumawag at hinahanap ka." wika nito sa akin, simula ng dito tumira si Aiden ay nandito na din si Nay Belen.

Kinuha ko naman sa kanya at naglakad na siya pabalik sa loob.

"Hello." bungad ko.

"Hello po. si Ms. Linnea po ba ito?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Yes, who is this?" sagot ko naman.

"Sa ****** hospital po ito, pwede po bang pumunta kayo dito ngayon dahil na aksidente po si Mr. Silvestre at malala po ang kalagayan niya."

"What? Paano? Ano bang nangyari?" kinakabahang tanong ko.

"Pumunta na lang po kayo ma'am. Salamat po." at ibinaba na nito ang tawag.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon takot, kaba at kung ano ano pa. Kaya mabilis akong pumasok at kinuha sa kwarto ang bag ko, tinawag ko ang driver para samahan ako.

Tinanong pa ako ni Nay Belen kung ano ang nangyari at kung saan ako pupunta, mukhang napansin niya ang pagmamadali ko at pagbabago ng itsura ko pero hindi ko na siya nasagot pa dahil sa sobrang pagmamadali.

Ang nasa isip ko lang ngayon ay kung anong nangyari at ang sinabi ng nurse na malala ang kalagayan ni Hunter. Alam ko magkasama sila ni Aiden dahil sa meeting paanong naaksidente na siya ngayon. Mabilis akong sumakay sa kotse at nagmaneho naman ang driver. "Kuya pakibilisan naman po." sabi ko.

Tumango naman ito. "Kalma lang po ma'am. Hindi po tayo pwedeng magmadali at baka maaksidente tayo." sagot naman nito.

Napasandal na lang sa upuan si Linnea habang hinihintay na makarating sila sa hospital kung nasaan si Hunter.

Mabilis kaming nakarating sa hospital kaya dali dali akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob. Sinalubong naman ako ng isang nurse, mukhang ito ang tumawag sa akin kanina.

Nakita ko si Aiden na nakasandal sa gilid ng isang pintuan, mabilis ko naman siyang nilapitan at tinapik sa braso.

"Anong nangyari Aiden? Nasaan si Hunter?" tanong ko.

Tumingin naman ito sa akin ng malungkot kaya kinabahan ako ng sobra.

"Linnea..." mahinang sambit niya.

"Where is Hunter?" pag uulit ko.

Pero umiling lang ito ng ilang beses, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko pero pakiramdam ko ay hindi ito magandang balita.

"Ano ba Aiden! Bakit hindi mo ako masagot?" galit na turan ko.

"W-wala na siya Linnea, i-iniwan niya na tayo."

"W-what? Huwag mo nga akong pinagloloko Aiden, hindi nakakatuwa." napipikon na wika ko.

Wala akong narinig na salita mula sa kanya kaya nagsimula ng tumulo ang luha ko. "H-hindi pwede, hindi niya ako pwedeng iwan!" umiiyak na anas ko.

Agad naman akong niyakap ni Aiden, iyak lang ako ng iyak. Mayamaya pa ay lumabas na ang doctor sa kwarto kung saan kami malapit.

Mabilis akong kumalas sa pagka kayakap kay Aiden. "Doc. where is Hunter? C-can I see him?"

Tumango naman ito. "Nasa loob po siya, mayamaya ay kukunin na din namin ang katawan niya para mailagay sa morgue."

Nang makapasok kami sa loob ay bawat hakbang ko ay tila nawawalan ako ng lakas. Nakikita ko si Hunter na nakahiga sa kama. Nang makalapit na ako sa kanya ay hindi ko mapigilan ang hindi maiyak, kitang kita ko ang maamo niyang mukha. Kung titingnan mo ay para lang itong natutulog pero alam kung hindi na ito didilat pa ulit.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at hindi ko mapigilan ang hindi mapahagulgol. "Ang daya daya mo Hunter, ang sabi mo sa akin ay hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari pero ano ito? Iniwan mo na ako ng hindi man lang nagsasabi." saad ko sa gitna ng paghikbi.

"I hate you, I hate you for leaving me. Hindi ka marunong tumupad sa pangako mo, wala kang isang salita." dagdag ko pa.

"Akala ko kapag maayos na ang lahat at bumalik nasa normal ay nandyan ka pa rin sa tabi ko. Akala ko mahal mo ako pero parang pinaglalaruan mo lang pala ako. Matapos kung tanggapin sa sarili ko na mahal na nga kita saka mo naman ako iiwan. Tangina mong lalaki ka!" walang humpay na ako pag hagulgol ko.

"I'm dreaming to marry a man na kaya akong ipaglaban at ingatan pero no'ng nakita ko naman ito ay binawi din agad. Akala ko papakasalan mo pa ako, papayag naman ako eh ' pero yon pala puro lang akala ko 'yon! Hindi ko na alam Hunter kung paano magsisimula ulit ngayon wala kana, kaya please lang kung nananaginip lang ako gusto ko ng magising."

"Talaga papayag kang magpakasal sa akin?" napatingin ako sa boses na biglang nagsalita

"Hunter..." sambit ko sa pangalan niya sa kabila ng pagluha ko.

Bumangon ito sa pagkakahiga at lumapit sa akin na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaimik sa nangyayari.

May kinuha ito sa kanyang likuran at saka lumuhod. "Linnea, I know marami akong kasalanan na nagawa sa'yo. Alam kung ginulo ko ang payapa mong buhay, pero dahil din naman 'yon sa katigasan ng ulo mo pero wala akong pinagsisihan do'n. Ang dami na nating pinagdaanan at ayaw ko ng ulit pa na mangyari ang bagay na 'yon. Ayaw na kitang mawala pa sa akin at sa buhay ko. Linnea Georgia Villareal will you be Mrs. Silvestre? Will you marry me?"

Napatutop ako sa aking bibig dahil sa sinabi ni Hunter, hindi ko alam na darating ang araw na ito sa buhay ko.

Tumango ako bilang sagot. "Y-yes I will marry you." walang pag aalinlangan na sagot ko.

Napayes naman ito at mabilis na isinuot sa akin ang singsing at niyakap ako ng mahigpit. Nang kumalas ito ay walang sawa ko siyang pinaghahampas.

"Aray! Ano ba, ang sadista mo naman."

"Bwisit kang lalaki ka! Magpopropose ka na lang ganito pa. Alam mo bang halos hindi na ako magkandaugaga makarating lang agad dito at sinabi pang wala ka na, hindi mo alam kung gaano ako natakot at nasaktan dahil do'n! Hindi ka talaga nag iisip eh, magyayaya ka na lang ng kasal sa masakit na paraan pa. Napakagago mo!" sigaw ko sa kanya.

Tumawa naman ito. "Ipapaalala ko sayo ako si Hunter Silvestre at hindi uso sa akin ang mga romantic style na proposal at isa pa si Aiden ang nakaisip ng ganitong set up." sagot niya naman.

Bumaling naman ako kay Aiden ang ang gago nag peace sign lang sa akin. Kahit kailan talaga sakit sa ulo ang dalawang ito kapag magkasama.

Lumapit naman ako sa kanya at piningot ang kanyang tainga. "Puro talaga kalokohan ang nasa isip mo 'no? At talagang may paiyak iyak ka pang nalalaman kanina. Ang galing mo din umarte eh. Kung tuluyan ko na lang kaya kayong dalawa." saad ko.

"Aray! Aray naman Linnea. Bitaw na kasi ang sakit eh." angal niya kaya binitawan ko naman siya.

"At ng istorbo pa kayo pati doctor at nurse ay kinunchaba niyo pa. Inilagay niyo sa panganib ang mga trabaho nila." sermon ko sa dalawa.

"They are willing to help, alam naman nila kung para saan 'yon kaya ayos lang sa kanila. At isa pa binayaran ko din sila kahit na ayaw nilang tanggapin no'ng una, bilang pasasalamat." paliwanag ni Hunter.

Napahilot naman ako sa sentido ko."Kahit kailan talaga ay sakit kayong dalawa sa ulo."

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Kde žijí příběhy. Začni objevovat