Special Chapter Part 3

968 22 0
                                    

Linnea POV

Palabas na ako ng kwarto ngayon dahil katatapos ko lang maligo, naglinis kasi ako at nagluto kasi muna ako ng pagkain para pagdating ni Aiden ay makakain na kami.

It's been three days simula ng hindi ako umuwi sa amin, namimiss ko na ang anak ko pero ayaw ko pang makita si Hunter. Hindi pa din nawawala sa isip ko ang mga nakita ko, pakiramdam ko ay ang hirap kalimutan ng bagay na 'yon.

Umupo na lang muna ako sa sala at saka nanood ng tv. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya tumayo na ako at nakita ko si Aiden na kakapasok lang.

"Mabuti naman at nandito ka na, nagluto pala ako." nakangiting saad ko sa kanya.

Alanganin na ngumiti naman ito sa akin na ikinataka ko. "Okay ka lang ba Aiden? May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman Linnea, ano kasi aalis din ako agad kaya baka hindi ako makakain dito."

"Gano'n ba? Sige ayos lang, titirhan na lang kita." anas ko.

"Linnea, may kasama kasi ako."

"May bisita ka? Sino naman?" tanong ko at saka tumingin sa kanyang likuran, ilang beses naman akong napalunok ng makita ko ang asawa ko.

"Pasensya na Li, nakaraan ka pa kasi hinahanap niyan. Kaya sinabi ko na sa kanya kung nasaan ka, siguro naman tama na 'yong ilang araw na pagtatago mo. Kailangan niyo na din siguro mag usap. Sorry talaga." paliwanag niya naman.

"Okay lang, hindi mo kailangan humingi ng sorry. Wala naman kaso 'yon sa akin." wika ko. Ngumiti naman siya sa akin.

"Paano ba 'yan aalis na muna ako. Ayaw ko makinig sa mag asawang nag aaway. At isa pa huwag niyong dumihan itong condo ko, kung may balak kayong maglapaan."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya kaya agad ko naman siyang hinampas sa braso. "Puro ka talaga kalokohan!" singhal ko sa kanya at tumawa lang ito. Hindi din naman nagtagal at tuluyan na siyang umalis kaya bumalik na naman ang kaba ko ng kami na lang ni Hunter ang naiwan dito.

"G-gusto mo bang kumain?" tanong ko sa kanya, hindi ko maiwasan na hindi mautal dahil sa kaba.

"I'm still full," maikling sagot niya.

"Tubig o juice gusto mo? Ikukuha kita." anas ko at akmang tatalikod na ng bigla kung maramdaman ang kamay niyang nasa braso ko.

"Stop that act Linnea! Alam kung iniiwasan mo ako! Wala akong kailangan na kung ano, kailangan kung makausap ang asawa ko." seryosong turan niya.

"Alam mo bang ilang araw na akong halos walang pahinga sa sobrang pag aalala sayo? Bigla ka na lang hindi uuwi ng walang pasabi! Baka nakakalimutan mong may anak ka." dagdag pa nito.

"Hindi ko kinakalimutan na may anak ako! Sadyang masama lang ang pakiramdam ko kahapon kaya hindi ko siya nadalaw." depensa ko.

"Really?" he laughed sarcastically. "Sa tingin mo maniniwala ako sa alibi mo na 'yan? I am not your husband for nothing!" alam kung nagpipigil na lang siyang masigawan ako.

"Eh ano naman sayo ngayon? Wala kang magagawa kung ayaw kung umuwi!" matapang na wika ko.

"Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nakita kang nandito sa condo ni Aiden? Hindi mo talaga naiisip ang bagay na 'yan? May asawa ka na!"

"Maraming judgemental na tao sa paligid pero wala akong pakialam sa iisipin nila dahil alam kung wala akong ginagawang masama! Kaibigan ko si Aiden." hindi ako pwedeng magpatalo sa kanya.

"Kaibigan? Kaya pala tinuruan mong magsinungaling siya sa akin."

"I just ask him for a favor 'yon lang 'yon." sabi ko at inirapan siya.

"Go home now,"

"Ayoko! Uuwi ako kung kailan ko gusto." pagmamatigas ko.

"Don't try my patience Linnea."

"At anong gagawin mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Uuwi ka sa ayaw at sa gusto mo ngayon! Huwag mong ubusin ang pasensya ko, alam mo kung ano ang kaya kung gawin. Kung di ka makuha sa maayos na usap baka kapag dinamay ko si Aiden ay mapauwi kita."

"What? I can't believe you, Hunter! Ang sama sama mo! Wala siyang kasalanan dito! Ako ang nagpupumilit na mag stay dito kaya huwag kang mandamay ng ibang tao." inis na wika ko.

Ngumisi naman siya sa akin. "Then try me Linnea. Kaya kung maging masama para sayo. Kung ito lang ang paraan para mapauwi ka."

Padabog naman akong naglakad papunta sa kwarto at kinuha ang gamit ko. Kahit na ayaw kung umuwi ay wala akong magagawa, kilala ko ang asawa ko at gagawin niya talaga ang kung anong sabihin niya. Ayaw ko naman na madamay si Aiden dahil lang sa pagtulong niya sa akin.

Kinuha ko lang ang gamit ko at saka lumabas sa kwarto, nakita kung nakatayo lang do'n si Hunter habang hinihintay ako. Tinaasan niya naman ako ng kilay ng makita niyang nakatingin ako sa kanya. Umirap na lang ako at saka naglakad palabas at alam ko naman na susunod siya.

Habang nasa byahe ako ay tahimik ko lang na pinagmamasdan ang nadadaanan namin sa labas, wala din naman akong plano na kausapin itong kasama ko dahil naiinis pa rin ako sa kanya. Siya pa talaga ang gana na magalit ngayon eh siya naman ay may kasalanan!

Tinanong niya din ako kanina kung gusto ko bang kumain o kaya may gusto akong bilhin pero sinabi ko naman na wala dahil hindi naman ako ginugutom ni Aiden.

Sinusubukan niya din akong kausapin pero wala talaga akong balak na pansinin siya kaya bahala siya sa buhay niya. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi ko pa din siya kinakausap, nang makapag park na siya ng kotse ay mabilis akong bumaba ng hindi man lang siya hinintay. Pagpasok ko sa loob ay dumiretso na agad ako sa kwarto ng anak namin dahil do'n na muna ako matutulog. Kung sa tingin niya ay panalo na siya dahil napauwi niya ako ay nagkakamali siya. Manigas siya!

Tinawagan ko na din si Aiden at ipinaalam sa kanya na umuwi na ako, pero syempre ilang beses ko muna siyang minura dahil sa pagsabi niya sa asawa ko kung nasaan ako.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Where stories live. Discover now