Chapter 5

1.9K 39 0
                                    

Linnea POV

Nagising ako ng wala sa kwarto si Hunter, napatingin ako sa orasan at nakita kung alas otso na ng gabi, mukhang napahaba ang tulog ko dahil na din siguro sa pagod. Ramdam ko ang pananakit ng aking buong katawan at ang pagkirot ng gitnang hita ko. Hindi ko maiwasan ang isipin ang lalaking 'yon. Aaminin ko na gwapo siya at malakas ang sex appeal nito, kung titingnan mo ay seryoso ito palagi pero nakakadagdag ito sa kanyang karisma. He is an angel in disguise, kung titingnan mo ay mukha siyang mabait pero ang totoo he is a devil.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, dapat ay magalit ako sa kanya dahil sa ginagawa niya sa akin, pero pakiramdam ko ay wala akong nararamdaman na galit ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang katulong na may dalang tray na may laman na pagkain. "Mabuti at gising na kayo Ms. Linnea, kumain na po kayo, ito ang pagkain na pinadala ni Sir at ito naman ang damit na pwede mong suotin pansamantala, huwag kayong mag alala bago lahat ng 'yan," ngiting anas ng babae sa akin.

Inilapag niya naman ang tray at kinuha ko ang mga damit at tumayo papuntang banyo, pagkatapos kung maisuot ang damit ay lumabas na din ako agad para kumain dahil gutom na rin ako. "Matagal ka na bang nagtatrabaho dito?" tanong ko.

"Matagal tagal na din po," sagot naman nito sa akin.

"Bakit pinili mong dito magtrabaho eh ang sama sama ng ugali ng amo mo," kako.

Natawa naman siya ng bahagya. "Mabait naman po si Sir, maayos naman siyang amo sa amin at hindi kuripot magpasahod tapos libre pa lahat dito." sagot naman niya.

Tumango naman ako at nagpatuloy sa pagkain dahil wala akong masabi sa kanya. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niyang mabait si Hunter dahil kung siya ang tatanungin ay mukhang wala itong kabaitan sa katawan.

Nang matapos na siya sa pagkain ay inilapag niya na ang tray sa maliit na mesa at kinuha naman 'yon ng katulong. Akmang aalis na ito ng pigilan ko ito. "W-wait, nasaan si Hunter? tanong ko.

"Nasa opisina niya po, huwag niyo ng balakin ang umalis dahil ako na ang nagsasabi sayo hindi mo 'yon magagawa," wika nito sa akin.

"Hindi naman ako tatakas, tinanong ko lang kung nasaan siya." saad ko.

Tuluyan na nga umalis ang katulong at bumalik na din ako sa kama. Pinilit kung bumalik sa pagtulog pero hindi ko magawa dahil mukha ni Hunter ang pumapasok sa isipan ko, kaya napagdesisyunan ko na lang na puntahan siya.

Lumabas na ako ng kwarto at hinanap kung na saan ang opisina ng lalaking 'yon dahil nakalimutan kung tanungin kanina sa katulong, ayaw ko naman na silang istorbohin.

"Saan kayo pupunta ma'am?" napatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa likuran ko.

"Ano ka ba naman kuya bakit ka nanggugulat, ha!" bulyaw ko dito at humingi naman ng paumanhin ang lalaki.

"A-alam mo ba kung nasaan ang opisina ni Thunder? Pupuntahan ko kasi siya," tanong ko.

"Iyang nasa dulo ang kanyang opisina," turo niya sa pinakadulong pintuan.

"Maraming salamat kuya," sabi ko at naglakad na.

Nang nasa tapat na ako ng opisina niya ay dahan dahan kung pinihit ang pinto at nakita ko si Hunter, naglakad ako papalapit dito at napansin kung nakayuko ito. Nang silipin ko ay nakapikit na ang mga mata nito senyales na nakatulog na ito.

"Para ka talagang anghel pag natutulog pero pag gising para kang tigre na biglang manlalapa," isip ko.

Tumalikod na lang ako para bumalik sa kwarto ng marinig ko ang boses nito. "What are you doing here?" ang sexy ng boses niya. Shit!

"Ahm, sinilip lang kita tapos tulog ka pala kaya babalik na lang sana ako sa kwarto." sagot ko naman sa kanya.

"Did you eat already?" He asked.

"Tapos na akong kumain, dinalhan ako ng isa sa mga katulong mo dito,"

Tumango naman ito. "Bumalik ka na sa kwarto at magpahinga. Bukas ay makakauwi ka na," anas nito.

Sumunod naman ako at lumabas na sa kanyang opisina. Kung sana naging maayos lang ang pagkakilala namin ay siguro magugustuhan ko pa siya pero hindi eh. He is blackmailing me at wala akong magagawa do'n.

Nang makabalik na ako sa kwarto ay biglang tumunog ang phone ko, hinanap ko ang bag ko kung nasaan nakalagay dahil nawala na rin sa isip kung ay bag nga pala ako. Nakita ko ito sa isang upuan kung saan nakaupo kanina si Hunter kaya dali dali ko itong kinuha at hinanap ang phone ko na patuloy pa rin sa pagtunog.

"Hello," mahinang anas ko ng masagot ko ito.

"Hoy babae nasaan ka? Bakit hindi ka pumasok? Alam mo bang nag aalala ako sa'yo dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko."

Jusko ang bunganga ng babae na ito wala talagang preno kahit na kailan, paano naman kasi ako papasok kung kinulong ako ng demonyong lalaki na ito at higit sa lahat paano ko naman masasagot ang tawag niya kung hindi ko narinig ito dahil sa ginawa sa akin ng lalaking 'yon.

Bumuntong hininga muna ako. "May pinuntahan lang akong importante," maikling sagot ko, ayaw kung sabihin sa kanya ang nangyari at ang tungkol kay Hunter dahil paniguradong magtatanong lang 'yon at wala akong maisasagot sa kanya.

"Gaano ka importante 'yan na kahit phone mo ay hindi mo sinasagot? Siguro may ginawa ka na naman na kalokohan 'no?" pag aakusa nito sa akin. Minsan talaga gusto ko na lang sabunutan ang babaeng ito, hindi ko talaga alam kung bakit naging bestfriend ko siya.

"Ah basta! Ang chismosa mo naman, isang araw lang akong nawala akala mo naman isang buwan na. Psh!" saad ko.

"Ang gaga mo naman, nagtanong lang naman ako ah. Himala kaya na hindi ka pumasok eh mahal na mahal mo ang trabaho mo. Akala ko naman kung napano ka na."

"Tamang duda ka rin eh. Sige na ibababa ko na ito at matutulog na ako. Kita na lang tayo bukas." sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Ibinalik ko sa bag ang phone at nahiga na. Iniisip ko pa rin kung ano ang mangyayari sa akin simula bukas at sa susunod pa na mga araw na may Hunter na gugulo sa buhay ko. Gustuhin ko man siyang takasan ay hindi ko magagawa dahil alam kung kayang kaya niya akong hanapin kaya ayoko ng pagurin ang sarili ko. Malawak ang koneksyon na meron siya at idagdag mo pang mayaman siya kaya bakit ko pa papahirapan ang sarili kung pagtaguan siya kung alam ko naman na mabilis niya din akong mahahanap.

Sumasakit na talaga ang ulo ko sa pag iisip, kung hindi ako kasi pasaway hindi ako mapupunta sa magulong mundo ng lalaking 'yon. Hindi ko naisip na kaya niyang bayaran lahat ng nasa paligid niya kaya siguro wala din may nagtangka na kalabanin siya o ibalita siya.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Where stories live. Discover now