Chapter 20

1K 19 0
                                    

Hunter POV

Abala ako ngayon sa opisina dahil marami akong kailangan na pirmahang mga papeles, ayaw ko pa sana pumasok pero hindi akon tinigilan ni Dane sa kakatawag at isama mo pa si Linnea na pinilit akong pumasok. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng dokumento ng makita kung tumatawag na naman si Aiden. Ano na naman kaya ang kailangan ng gagong 'to? Bakit hindi na lang siya manahimik?

"Anong kailangan mo?" tanong ko agad ng masagot ko ito.

"Hunter, Gusto kung makita si Linnea"

"Nababaliw ka ba talaga? Sa tingin mo ay gugustuhin ka pa niyang makita matapos ng ginawa mo sa kanya? Fuck you!"

"Alam kung mali ang ginawa ko sa kanya at hindi ko 'yon tinatanggi, pero seryoso ako sa sinabi ko sayo. Gusto ko siyang makita at makausap at gagawin ko 'yon kahit hindi ka pa pumayag."

"Tangina mo! Pwede ba tigilan mo na si Linnea? Ibang bagay ang pag diskitahan mo!" sigaw ko.

"I won't take no as an answer Hunter, kahit ikaw pa ang magsabi niyan."

"Wala kang mapapala Aiden kaya huwag mo ng ipilit pa ang gusto mong mangyari at baka hindi na ako makapag timpi pa sayo at mapatay kita." ibinaba ko agad ang tawag pagkatapos kung sabihin 'yon sa kanya. Kung akala niya ay papayag ako sa gusto niya ay nagkakamali siya. Hindi ko hahayaan na makausap niya si Linnea dahil trauma lang ang ibibigay niya. At dahil hindi na ako makapag focus sa pagtatrabaho ay umuwi na lang ako.

Nang makarating ako sa bahay ay agad kung hinanap si Linnea at nakita ko siyang nanonood ng tv sa sofa.

Nagulat siya sa ginawa kung paghalik sa kanyang labi. "Bakit ang aga mo yata umuwi? Huwag mong sabihin na tinakasan mo na naman ang trabaho mo?" tanong niya sa akin.

"Natapos ko na naman ang ibang gawain ko kaya umuwi na ako, inaantok din kasi ako kaya gusto kung magpahinga." pagsisinungaling ko.

Mapanuring tiningnan niya naman ako, mukhang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. "Alam kung hindi ka nagsasabi ng totoo."

"What? I told you my reason." saad ko.

"You can't lie to me Hunter, kilala na kita."

Bumuntong hininga naman ako tanda ng pagsuko. "Fine, hindi na kasi ako makapag concentrate sa trabaho simula ng tumawag si Aiden." pag amin ko.

"Bakit? Anong sinabi niya?" agad ko naman sinabi sa kanya ang gusto ng lalaking 'yon.

"Kailan ba siya titigil? Wala naman siyang mapapala sa akin." inis na wika niya kaya agad ko naman siya pinakalma sa pamamagitan ng paghawak ko sa kanyang kamay.

"Kung pwede lang na ilayo kita dito ay gagawin ko, pero ayaw ko naman takasan ang problema." anas ko.

"I will face him."

"What? Are you serious? No, Linnea! Hindi ka makikipagkita sa kanya!" napataas ang boses ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi niya ako sasaktan Hunter."

"Paano mo nasabi ang bagay na 'yan? Baka nakakalimutan mo ang mga ginawa niya sayo!" inis na turan ko.

Hinawakan niya naman ang kamay ko. "Hindi ko naman sinabi na nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin. Pero kung hindi ko siya haharapin ay mas lalong hindi matatapos ang problema natin. Ako ang gusto niyang makausap kaya pagbibigyan ko siya kung ito lang ang paraan para matapos ang lahat ng 'to."

"Hindi gano'n kadali 'yang sinasabi mo Linnea! Paano kung mapahamak ka? Paano kung saktan ka niya? Paano kung hindi ka na makabalik sa akin?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin kasabay ng paghawak sa mukha ko. "Ipapangako ko sayo na hindi ako mapapahamak at babalik ako sayo kahit anong mangyari. Just trust me with this, please."

Mariin ko namang ipinikit ang aking mga mata. "Ayaw ko pa rin pumayag Linnea, hindi mo alam kung ano ang plano ng gagong 'yon."

"Hunter, please? Hindi tayo mamumuhay ng normal kapag ganito na lang palagi. May tiwala ka naman sa akin diba?"

"Sayo oo pero sa gagong 'yon ay matagal ng wala."

"Pero alam mo naisip ko bakit hindi na lang kayo mag usap ng maayos at magbati para hindi na kayo nag aaway."

"Kung ako lang ay matagal ko ng ginawa 'yon pero sadyang makitid ang ulo ni Aiden at ayaw niyang daanin sa maayos na pag uusap. Masyado siyang nagpapakain sa galit niya kahit ilang taon na ang lumipas, mas gusto niyang paniwalaan ang kung ano lang ang nasa isip niya kaysa makinig sa akin." anas ko.

"Iniisip ko lang kasi na baka may pag asa pa kayong magkaayos, tutal okay naman kayo noon."

"Noon kasi 'yon ng hindi pa naging gago si Aiden." wika ko.

"Hmm, eh ikaw?"

Napatingin naman ako sa kanya. "Anong ako?" takang tanong ko.

"Matagal na kitang nakakasama pero wala pa akong alam tungkol sayo lalo na sa pamilya mo. Mag isa ka lang ba talaga? Nasaan sila?"

"Sampung taon na ang nakalilipas ng mawala ang Mommy ko dahil sa cancer at ang Daddy ko naman ay namatay sa isang aksidente." sagot ko sa kanya.

"Pareho din pala tayong ulila, ang saklap talaga ng tadhana sa atin."

"Sigurado akong proud sayo ang mga magulang mo dahil nakaya mong mabuhay kahit na mahirap. You're a brave woman Linnea." sambit ko.

"Alam ko na 'yon dahil marami na kayong nagsabi sa akin no'n. Normal ang buhay ko noon at hindi na ngayon kasi may demonyo na akong kasama." pagbibiro niya.

"Sus, if I know pinagnanasaan mo na ako ng una pa lang." pang aasar ko sa kanya pabalik.

"Hoy ang kapal ng mukha mo! Baka nakakalimutan mong ikaw ang kumuha sa pagiging birhen ko!" singhal niya sa akin.

"I can't help it, masyado lang perfect sa paningin ko." saad ko.

"Tigilan mo ako sa pagiging bolero mo Silvestre!" natawa na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Bilisan mo na lang ang pagkain diyan para makapag pahinga ka na." utos ko sa kanya.

"Sa ating dalawa, mas kailangan mong magpahinga kaysa sa akin. Wala naman akong ginagawa at nandito lang ako sa bahay kaya makakatulog ako kung kailan ko gusto hindi tulad mo na may trabaho pa."

"I can handle myself." maikling turan ko.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami sa kwarto, inungkat niya na naman ang tungkol kay Aiden pero hindi pa din ako pumayag, wala akong tiwala sa lalaking 'yon at baka ano na namang gawin niya kay Linnea.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Where stories live. Discover now