Chapter 10

1.7K 30 0
                                    

Linnea POV

Nakakainis talaga kahit kailan 'tong demonyo na ito masyadong maharot at ako naman itong marupok. Hay naku! Nandito na ako ngayon nakaupo sa kanyang kama, himbis na maghugas ako ng pinggan ay nauwi sa malanding gawain ni Hunter.

Nakita ko siyang papasok na ng banyo ng magsalita ako. "Aalis ako mamaya, may pupuntahan lang ako. Huwag mo na ako pasamahan pa, I can manage o my own." kako sa kanya.

Tumango naman ito. "Go ahead, just make sure na uuwi ka dito." seryosong turan niya.

Inirapan ko naman siya, nakakainis talaga ang lalaking ito. "Bilisan mo na nga maligo at maliligo din ako."

"Pwede ka naman sumabay sa akin. It's my pleasure you know," pang aasar nito.

Agad ko naman dinampot ang isang unan at ibinato ito sa kanya. Kahit kailan talaga puro kamanyakan ang nasa isip nito. Nang pumasok na ito sa banyo ay tumayo na ako para ayusin ang kama. Minsan napapaisip ako kung si Hunter lang ba talaga ang nakatira dito? Nasaan ang kanyang pamilya?

Pagkatapos kung maayos ang kama ay kumuha ako ng kurtina sa cabinet para palitan ang nakalagay sa kanyang bintana. Saktong ikakabit ko na sana ito ng may humablot dito pagtingin ko ay ang katatapos lang maligo na si Hunter.

"Ako na ang maglalagay niyan," wika nito.

Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapatingin sa kanyang katawan, nakatapis lang kasi ito ng tuwalya habang may mga tubig pa na tumutulo sa kanyang buhok.

He is so hot!

"Enjoying the view Linnea?" pagpukaw niya sa atensyon ko habang nakangisi.

Mabilis naman akong napaiwas ng tingin dahil sa hiya, nakakainis at nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Panigurado ay aasarin na naman ako ng isang 'to.

"Huwag ka nga epal diyan, wala naman ka enjoy enjoy." inis na saad ko.

Lumapit naman ito sa akin na halos isang hakbang na lang ay maglalapit na ang mga katawan namin.

"Really Linnea? Then why are you staring at my body?"

Itinulak ko naman siya ng bahagya. "Huwag ka nga assuming diyan! Hmp." ani ko at naglakad na papasok ng banyo.

Rinig na rinig ko pa ang pang aasar niya at sinabayan pa ng halakhak. Tumataas talaga ang dugo ko sa lalaking ito.

Nang makapasok ako sa banyo ay napasandal ako sa pinto at sabay na napahawak sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga sa tuwing malapit sa akin si Hunter. Nanatili pa ako sa gano'ng kalagayan bago nagpasyang maligo na. I think I need to have my check up soon.

FASTFORWARD....

Nandito na ako sa tinutuluyan kung apartment, kukuha lang ako ng gamit dahil wala na akong maisuot. Hindi naman pwede na hindi ako bumalik sa bahay ni Hunter dahil panigurado ng pupuntahan niya pa rin ako, hindi ko na din maintindihan ang sarili ko kung bakit napapasunod niya ako.

Kuntento na ako sa simpleng buhay ko noon pero ng nakilala ko si Hunter ay naging magulo ang maayos kung buhay, sa totoo lang dapat ay nagtago na ako at hindi na pinasok ang mundong meron siya dahil alam kung mapapahamak lang ako pero mukhang walang plano si Hunter na pakawalan ako at kung umalis man ako ay natitiyak kung mahahanap at mahahanap niya pa din ako.

Kumuha lang ako ng ilang damit at inilagay 'yon sa bag ko at nagpasya ng umalis dahil gabi na din at baka mahirapan akong makahanap ng masasakyan.

Sinigurado ko munang nailock ko ng mabuti ang bahay bago umalis, mahirap na at marami pa naman magnanakaw sa panahon ngayon. Habang naglalakad ako ay wala man lang akong makita taxi na dumadaan, ang malas naman oh kung kailan gabi na.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Where stories live. Discover now