Epilogue

1.5K 22 0
                                    

Ciara POV

Nandito na kami sa loob ng private room kung nasaan si Linnea inilipat, hawak hawak ko ngayon ang baby boy nila. Nakakatuwa lang dahil nakikita ko sa mukha ni Hunter ang labis na kasiyahan at alam ko na gano'n din ang mararamdaman ni Linnea kapag nagising ito. Masaya ako para sa kaibigan ko dahil natupad na din ang isang pangarap niya 'yon ay magkaroon ng sariling pamilya.

Simula't sapol pa lang ay saksi ako sa pinagdaanan ni Linnea at hanga ako sa pagiging matatag niya sa buhay na kahit maaga pa siyang naulila ay nagpursige siya sa buhay hanggang makapagtapos siya ng kolehiyo at nakapag trabaho bilang isang journalist.

"Ang gwapo gwapo talaga ng inaanak ko, manang mana sa akin." bulalas ko.

Narinig ko naman ang pag tikhim ni Aiden, epal talaga ang isang 'to kahit kailan.

"Paanong magmamana sayo 'yan eh hindi naman ikaw ang ina." kontra nito.

"Excuse me?"

"Dadaan ka?" pang asar nito.

"Bwisit kang lalaki ka! Kahit hindi ako ang nagluwal sa kanya mana pa rin siya sa akin. Ang gwapo niya kaya, mabuti lang si Hunter ang ama nito at ikaw hindi ikaw." anas ko.

"Kahit saang anggulo walang nakuha 'yan sayo. Ikaw na ang sab na gwapo 'yan ikaw panget kaya ang labo ng sinasabi mo. Ang sabihin mo maganda lang talaga ang lahi ni Linnea at Hunter."

"Pwede ba kung dito kayo magsisigawan ay lumabas na lang kayo? Ang ingay ingay niyo baka magising si Linnea at 'yang anak ko." suway naman ni Hunter.

"Ito kasing kaibigan mo napakaepal." sambit ko ang ang gagong Aiden ay tumawa lang.

Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Dane.

"Hay naku isa pang demonyo, nagsama sama na ngayon." bulong ko naman.

"I heard you Ciara, porke't hindi lang kita type ay ganyan kana sa akin." pang iinis ni Dane na ikinatawa naman nila.

"Ang eepal niyo!" inis na wika ko at umupo na lang habang karga ang anak nila Linnea.

"Ang pogi ng anak mo Hunter, sigurado ka bang ikaw ang ama niyan?" wika ni Dane ng makaupo siya sa tabi ni Aiden.

"Sino sa tingin mo ang magiging ama si Aiden? Gago!" sigaw naman ni Hunter.

"Pwede din naman ako pre, alam mo naman mas malakas ang genes ko." segunda naman ni Aiden.

"Ang kapal talaga." bulong ko naman na alam kung narinig nila dahil malapit lang sila kung saan ako nakapwesto.

"May naisip ka na bang pangalan?" tanong ko lay Hunter.

Umiling naman siya. "Wala pa, pero may mga naisip na kaming pangalan na napag usapan ni Linnea nakaraan, hinihintay ko na lang siyang magising."

Linnea POV

Nagising ako dahil sa ingay ng mga boses na nasa paligid ko, unti unti kung iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang mga kaibigan ko. Hinayaan ko lang muna sila na magbangayan at pinipigilan ko ang matawa dahil sa kanila.

Mayamaya pa ay napansin ko ang pagtingin ni Hunter sa pwesto ko at nanlaki ang kanyang magagandang mga mata. Mabilis pa sa alas kwatro ang paglapit nito sa akin.

"Thank God at gising ka na." anas nito sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Kanina pa ako gising at nasaksihan ko na nga rin ang pagbabangayan nina Ciara at Aiden kaya hindi na ako magtataka kung sila ang magkatuluyan." natatawang sabi ko.

"Hoy Linnea, stop saying bad words ha at hindi 'yan nakakatuwa." reklamo ni Ciara na mukhang narinig ang sinabi ko.

"Wow! Ikaw pa ang may ganang magreklamo diyan, akala mo naman lugi ka pa sa kagwapuhan ko." sabat naman ni Aiden.

Bumaling naman ako kay Hunter ng makita kung naglakad ito palapit kay Ciara at kinuha ang anak namin.

"Look at our son, he's so gorgeous like me." pagmamalaki niya.

Kitang kita ko ang pagningning ng mata niya sa labis na kagalakan, hindi ko alam na makikita kung ganito kasaya si Hunter.

Inabot niya naman sa akin ang anak namin at hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti kasabay no'n ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Hindi ko aakalain na magkakaroon ako ng anak at buong pamilya na pinapangarap ko.

Kung noon ay iniisip ko na ang malas ko dahil napasok ako sa mundo ng isang Hunter Silvestre kaya nagkagulo gulo ang buhay ko, pero wala akong pinagsisihan ngayon dahil isa silang biyaya na binigay sa akin ng Panginoon na habang buhay kung ipagpapasalamat.

"Anong iniisip mo?" tanong nito sa akin.

Umiling naman ako. "Masaya lang ako kasi buo na ang pamilya natin." sagot ko naman sa kanya.

"Masaya din ako na dumating ka sa buhay ko at ngayon binigyan mo pa ako ng magandang regalo."

Bumukas ang pinto at pumasok naman ang isang nurse. "Mrs. and Mr. Silvestre nandito lang po sana ako para kunin ang pangalan ng anak niyo. May naisip na ba kayo?" tanong nito.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ng asawa ko at sabay na napangiti. "It's Kade Ash Villareal Silvestre." nakangiting sagot ko.

Mabilis naman na sinulat ng nurse ito. "Ang ganda naman ng pangalan niya, bagay na bagay sa anak niyo. Sige po aalis na muna ako para ayusin 'to. Babalik na lang po kami mamaya ni doc." wika nito at naglakad na palabas.

"Infairness best ang haba ng name ha, baka naman magreklamo na 'yan pag nag aral siya. At isa pa pang bad boy datingan huwag sana magmana sa ama at tito niya." singit ni Ciara.

"Hoy sobra ka naman Ciara, mas pabor 'yon kapag sa amin magmana ni Hunter huwag lang sayo dahil bungangera ka." balik anas naman ni Aiden.

"Alam niyo sa kagaganyan niyo baka sa huli kayo pa ang magkatuluyan." pang aasar ni Dane, kaya sabay naman na napaismid ang dalawa na ikinatawa namin.

"May masakit ba sayo o may gusto ka bang kainin?" tanong naman sa akin ni Hunter, kinuha naman ni Aiden sa kanya ang anak namin. Walang duda magiging spoiled ito paglaki.

"Wala naman, siguro itong tahi ko lang." sagot ko.

"Is it really painful? Do you have medicine for that?"

"Natural lang talaga 'to sa nanganganak kasi may tahi, pero gagaling din 'yon at may gamot naman na binigay ang doctor diba?" saad ko at tumango naman ito.

Kinuha niya ang isang supot na nakapatong sa mesa at binuksan ito. "Binili 'to kanina ni Aiden, kumain ka na muna para unti unti ng bumalik ang lakas mo. Alam kung napagod ka." malambing na sambit nito.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa asawa ko, hindi ko akalain na magiging ganito si Hunter. Makikilala mo pala talaga ang totoong ugali ng isang tao kapag nakasama mo ito ng matagal.

Sinubuan naman niya ako ng kanin na may kasamang ulam, no'ng una ay sinabi ko na ako na lang dahil kaya ko naman pero ayaw pumayag ni Hunter at gusto niyang siya na lang.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti, ang pinapangarap kong masayang pamilya ay naranasan ko na ngayon sa piling ni Hunter at ng anak naming. Hindi man naging maganda ang simula namin pero ipinagsasalamat ko pa din ang bagay na 'yon dahil kung hindi do'n ay baka hindi ko makikilala ang asawa ko. At kahit papiliin ako sa magiging kapalaran ko ay paulit ulit kung pipiliin ang buhay na meron ako ngayon na hindi kayang tumbasan na kahit anong halaga.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Место, где живут истории. Откройте их для себя