Chapter 14

1.2K 21 0
                                    

Hunter POV

Sinamahan ko si Linnea sa mall dahil may gusto daw siyang bilhin at dahil wala naman akong gagawin kaya pumayag na ako. Nakasunod lang ako sa kanya habang namimili siya ng mga bibilhin, hindi ko naman kasi alam kung ano ang mga 'yon at ayaw ko din makialam pa. Basta masaya siya ay ayos na sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto na pag iikot namin ay natapos na din siya, kaya binayaran na namin at lumabas sa store.

Habang naglalakad kami at kinalabit niya ako kaya tinignan ko siya ng may pagtataka. "Pwede bang mauna ka na sa parking lot? Doon mo na lang ako hintayin."

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Why?" tanong ko sa kanya.

"May bibilhin lang ako saglit."

"Pwede naman kitang samahan." saad ko.

"Kaya ko na 'to. Mauna ka na at susunod ako. Saglit lang naman." bumuntong hininga naman ako at tumango.

Nang makarating ako sa parking lot ay nilagay ko na sa loob ng kotse ang mga pinamili amin at hinintay ko na lang si Linnea dahil saglit lang naman daw siya pero ilang minuto na ang nakalipas hanggang sa umabot na g kalahating oras ay hindi pa din siya dumating. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of reach ang kanyang phone. Ang sabi niya kania ay saglit lang siya, hindi naman siguro aabutin ng ganito katagal? At dahil hindi ako mapakali kaya bumaba ako ulit ng kotse at nagpasya na bumalik sa loob para hanapin siya.

Inikot ko ag mall at nagbabakasali na makita ko si Linne pero ni anino niya ay hindi ko makita. Hanggang sa tumunog ang phone ko at pagtingin ko ay kumunot ang noo ko dahil unknown number ito kaya sinagot ko na lang at baka si Linnea.

"Who's this?" tanong ko.

"Kamusta Hunter? Siguro ay nababaliw ka na kahahanap kay Linnea 'no?" saad niya.

Naikuyom ko naman ang kamao ko ng mapagtanto kung sino ito, lintik talaga 'tong lalaki na 'to kahit kailan. "Damn you! Where is Linnea?" sigaw ko sa kanya.

"Oh oh! Easy dude, hiniram ko lang naman ang babaeng 'to. Huwag kang mag alala at ibabalik ko naman siya sayo pero hindi ko pa alam kung kailan." rinig ko pa ang tawa iya. Damn it!

"You bastard! Hindi ka talaga titigil 'no? Ilang beses na kitang binalaan Aiden na huwag mong idadamay si Linnea sa kahibangan mo! Labas siya sa kung anong galit na meron ka sa akin. Huwag mong inuubos ang pasensya ko." madiin na wika ko.

"Bakit Hunter? Ano ang gagawin mo? Papatayin mo ako? Matagal na akong handa na mamatay kaya hindi na ako takot! Wala na ang mga mahahalagang tao sa buhay ko at 'yon ay dahil sayo! Kaya hindi ka dapat maging masaya!" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay ibinaba niya na agad ang tawag.

That bastard!

Mabilis kung tawagin si Dane at sinagot niya naman ito. "Oh bakit?" tanong niya.

"Alamin mo kung nasaan si Aiden." utos ko sa kanya.

"Bakit? May problema ba?"

"Kinuha niya na naman si Linnea! Tangina talaga no'n." nanggagalaiting turan ko.

"Sakit talaga sa ulo 'yang lalaki na 'yan. Sinabi ko na kasi sayo na magiging problema 'yang babae na 'yan sayo pero hindi ka nakinig sa akin."

"Hayaan mo na ang importante ay alamin mo kung nasaan ang gagong 'yon. Nauubos na ang pasensya ko sa kanya." anas ko at ibinaba ang tawag.

Nasuntok ko ang manibela dahil sa inis. Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo ni Aiden at ayaw makinig. Subukan niyang galawin si Linnea at hindi ako magdadalawang isip na mabugbog siya

Linnea POV

Kanina pa ako nakatingin ng masama sa lalaking kaharap ko ngayon, sino ba naman kasing hindi iinit ang ulo dahil kinidnap na naman ako ng dyablo na 'to. Hindi ko man lang alam na nando'n din siya sa mall sana hindi ko na lang pinauna si Hunter. Plano ko lang naman na bumili ng donuts at milktea pero nagulat ako ng may humila sa akin at huli na ng makilala ko siya. Gusto ko pa sana sumigaw pero mabilis niyang tinakpan ang bibig ko.

"Ano bang problema mo ha! Wala akong kasalanan sayo kaya paalisin mo na ako! Bwisit ka!" sigaw ko sa kanya.

"I-i just miss you." mahinang saad niya na ikinalaki ng mga mata ko. Nakadrugs ba 'tong dyablo na ito?

"Nababaliw ka na ba? Wala akong panahon para makipaglokohan sayo! Kaya pakawalan mo na ako!" madiin na wika ko.

Tumayo naman siya at naglakad palapit sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at akmang hahalikan niya ako ng umiwas ako at pagkatapos ay may kumatok kaya binitawan niya ako at binuksan ang pinto.

"Anong kailangan mo?" rinig kung tanong niya sa tauhan.

"Nandito po si Sir Hunter at hinahanap kayo." sagot ng lalaki.

Napasigaw na lang ako ng may marinig akong sunod sunod na putukan sa labas. Bigla akong nakaramdam ng labis na takot dahil dito, hindi ako sanay sa ganitong bagay dahil namuhay ako ng normal hindi kagaya nila na sanay sila sa ganitong kagulo at dumi na buhay.

"Saan mo ako dadalhin? Bitawan mo nga ako!" sigaw ko ng bigla na lang akong hinila ni Aiden palabas ng kwarto. Halos puro nakahandusay na mga tauhan niya ang nadadaanan namin at wala na itong mga buhay. I feel sorry for them.

Muntikan na akong madapa dahil sa paghila sa akin ng lalaking ito hanggang sa pumasok kami sa basement, lakad lang kami ng lakad hanggang sa marating namin ang labas, hindi ko alam kung nasaan na kami na parte ng bahay dahil sa laki ito at nahihilo na din ako.

"Kami na ang bahala dito boss, umalis na kayo." saad ng isang lalaki.

Patuloy ko pa rin naririnig ang mga putukan hanggang sa may nakita akong kotse at mabilis akong isinakay do'n ni Aiden, ilang beses pa akong nagpumiglas at akmang sisigaw ng sampalin ako ni Aiden.

"Try to shout at hindi ako magdadalawang isip na barilin ka." seryosong turan niya sa akin kaya mabilis akong natahimik. Alam kung hindi nagbibiro ang dyablong ito at kaya niyang gawin ang bagay na 'yon sa akin. Hanggang sa umalis na ng tuluyan ang kotse at hindi ko alam kung nasaan sila Hunter.

"Boss saan tayo didiretso ngayon?" tanong ng driver.

"Do'n sa isang headquarters natin, panigurado ng galit na galit ngayon si Hunter dahil sa babaeng ito kaya kailangan natin mag ingat." sagot naman ni Aiden.

"Hindi po ba muna kayo magpapadaan sa hospital? May sugat kayo."

"No need, I can handle it." saad nito.

Napatingin ako sa kanya at napansin kung may sugat siya at nagdudugo pa ito, pero kagaya ng sinabi niya ay mukhang kaya niya naman 'yo. Alam kung sanay na siya sa ganitong bagay at kaya niyang gamutin ang sarili niya. Malayo naman 'yon sa bituka at isa pa matagal mamatay ang kagaya niyang masamang damo.

Isinandal ko a lang ang ulo ko at ipinikit ang aking mga mata, hindi na ako nanlaban dahil alam kung wala naman akong magagawa. Mahal ko pa ang buhay ko at ayaw kung mamatay sa kamay ng dyablo na ito.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Where stories live. Discover now