Special Chapter Part 1

1K 19 0
                                    

Linnea POV

Inis na inis ako sa asawa ko dahil ilang linggo na namin pinag aawayan ang babaeng investor niya, madalas kasi silang nagkakaroon ng meeting pero ang ikinagagalit ko ay kahit nasa bahay na si Hunter ay panay tawag pa din ito.

Ilang beses na namin pinag aawayan na mag asawa ito, Hunter assured me that nothing is happening between them at wala akong dapat ikaselos, pero masisisi niyo ba ako kung makaramdam ako ng gano'n? 

At ngayon ay sabado at dapat ay family day namin pero kailangan umalis ni Hunter dahil may kailangan daw itong pirmahan.

"Baby, don't be mad. Last na lang naman ito at matatapos na din ang project. Promise I'll be quick." saad ni Hunter pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.

"Linnea, please. Huwag ka ng magalit." lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Umalis ka na." madiin na wika ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Just wait for me here. I'll be back." anas niya at saka lumabas ng kwarto. 

Lumabas na lang ako at tiningnan ang anak kung inaalagaan ng nanny niya. Siya lang ang nakakapagwala ng stress ko sa tatay niya.

"Alam mo ma'am ang gwapo talaga ng anak niyo, hindi na ako magtataka kung marami ang magkakagusto sa kanya kapag lumaki na siya at sigurado akong marami din papaiyakin." saad ng Nanny niya.

Tumawa naman ako. "Iyan din ang iniisip ko, mukhang kaugali niya ang tatay niya iaya hindi malabong mangyari 'yang sinasabi mo." ani ko.

Nang makatulog na si Kade ay inakyat na siya ng kanyang Nanny sa kwarto habang ako ay naiwan pang dito na nakaupo sa pool area. Ilang oras na ang lumipas simula ng umalis si Hunter at ang sabi niya ay babalik din siya agad pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Bumalik na naman ang inis ko sa pag iisip na kasama niya na naman ang babaeng 'yon. Alam kung business is business pero hindi ko maiwasan maramdaman ito.

Nagpasya na lang ako na magpunta sa mall dahil may kailangan din akong bilhin, mukhang hindi pa naman makakauwi ang asawa ko kaya himbis na ikulong ko ang sarili ko sa bahay ay aalis na lang muna ako. Nagbihis lang ako at nagsabi din ako sa Nanny ng anak ko na aalis na muna ako.

Nagpahatid lang ako sa driver sa mall at pinauwi din siya agad ng makarating kami, hindi ko naman alam kung magtatagal ako dito o hindi kaya ayaw ko naman siyang maghintay sa akin.

Nang makapasok na ako sa mall ay nag ikot ikot na ako at bumili na din ako ng kailangan kung bilhin, paglabas ko ng isang store ay may napansin akong pamilyar na tao na kalalabas lang din sa isang store na hindi kalayuan kung nasaan ako.

Bigla akong nakaramdam ng panghihina at lungkot ng makita ko ang asawa ko kasama ang isang babae na investor niya na madalas naming pag awayan. Napangiti ako ng mapait, hindi ko alam na mall na pala ngayon ang bagong opisina niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang magsinungaling sa akin, pwede niya naman sabihin ang totoo pero bakit kailangan irason niya pa ang trabaho.

Titig na titig lang ako sa kanila at kitang kita ko ang labis na saya sa mukha nilang dalawa, hanggang sa mapadpad ang tingin ni Hunter sa gawi ko, nakita ko ang gulat at panlalaki ng kanyang mga mata ng makita ako. Wala na akong sinayang na oras kung hindi ang tumalikod at tumakbo paalis, dapat ay kanina ko pa 'yon ginawa.

Alam kung susundan niya ako pero hindi ako papayag na maabutan niya ako, mabuti na lang at maraming tao ang nasa mall kaya alam kung mahihirapan siya. Nang makalabas na ako ay mabilis akong pumara ng taxi.

"Ma'am saan po tayo?" tanong sa akin ng driver at agad ko naman sinabi ang address ng condo ni Aiden. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ko naisipan na pumunta.

Hindi ko napigilan ang hindi tumulo ang mga luha ko, siguro ay kanina pa nito gustong kumawala pero pinipigilan ko at ngayon na lulan na ako ng taxi ay dito na bumuhos ang nararamdaman ko.

Masakit.. masakit makita ang asawa mo na may kasamang ibang babae at kitang kita ko ang saya sa kanyang mukha. Napapaisip tuloy ako kung talaga bang investor lang niya 'yon o iba pa. Kasi bakit siya nagsinungaling sa akin? Bakit sinabi niyang babalik siya agad kahit hindi naman? At higit sa lahat bakit mas pinili niyang kasama ang babaeng 'yon kaysa sa family day namin?

"Ma'am okay lang ba kayo? Ito po, tissue." sabay abot sa akin ng driver, marahil napansin niya din ang pagtangis ko.

"Okay lang ho ako, maraming salamat po." mahinang saad ko. 

At mukhang nakiki simpatya pa sa akin ang langit dahil biglang umulan ng malakas at nas kalsada pa din kami dahil sa traffic.

Nang malapit na kami sa building ng condo ni Aiden ay sinabihan ko na ang driver na igilid niya na lang at bababa na ako.

"Sigurado po kayo Ma'am? Malakas pa po ang ulan at isa pa malapit na din tayo sa bababaan niyo."

Tumango naman ako. "Lalakarin ko na lang ho manong. Salamat po." at inabot ko na sa kanya ang bayad.

Hindi ko na inalintana ang malakas na ulan at sinuong ito, mukha akong tanga na umiiyak habang naglalakad pero alam ko naman na hindi nila mahahalata ito dahil umuulan. Basang basa na ako ng makarating ako sa condo ni Aiden, pinagtitinginan pa nga ako ng mga taong nakakasalubong ko.

Kumatok ako ng tatlong beses bago buksan ito ni Aiden, kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. "Linnea? Bakit basang basa ka!" saad niya at pinapasok ako sa loob.

Pinaupo niya muna ako at pumasok siya sa loob ng kwarto. Mayamaya pa ay lumabas din siya na may dalang towel at damit.

"Maligo ka na muna at baka magkasakit ka pa. Ipagluluto kita ng mainit na sabaw para mainitan 'yang sikmura mo." anas niya kaya tumango lang ako at naglakad papunta sa banyo.

Halos isang oras din ang inilagi ko sa banyo dahil iyak na iyak lang ako sa loob. Kahit anong pilit ko na huwag isipan ang nakita ko ay bumabalik lang ito sa alaala ko. Masakit pa din pala.

Nang makalabas ako ay nakita ko si Aiden na nakaupo sa sala at napansin ko din ang tray na nakapatong sa mesa. "Kainin mo muna ito, para hindi ka lamigin. Ang tagal mo naman maligo! Mabuti lang at hindi ito lumamig agad." ani niya.

Umupo naman ako sa tabi niya. "Salamat Aiden, pwede bang dito muna ako?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman problema sa akin kung gusto mo dito ka muna pero alam ba ng asawa mo?" tanong nito sa akin kaya umiling ako.

"A-ano? Nababaliw ka na ba Linnea! Siguradong hahanapin ka no'n kung saan."

"Please Aiden, dito na muna ako. Ayaw ko siyang makita. Kaya sana kapag tumawag siya sayo ay huwag mong sabihin sa kanya na nandito ako. Nakikiusap ako sayo, kahit ilang araw lang." pagmamakaawa ako.

Bumutong hininga naman siya. "Hindi ko alam kung ano ang problema niyong dalawa pero hindi kita pipilitin na magkwento kung hindi ka pa handa. Basta kapag kailangan mo ng kausap ay nandito lang ako. Pagtapos mong kumain ay magpahinga ka na muna, huwag kang mag alala wala akong sasabihin kay Hunter."

Ngumiti naman ako sa kanya at sinimulan ko ng kainin ang niluto niya habang nagkwekwentuhan kami. Inaasar ko kasi siya kay Ciara pero ayaw talagang umamin. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot na nararamdaman ko habang kausap si Aiden.

Mayamaya pa ay tumunog ang phone niya at nakita ko napatingin siya sa akin. Mukhang alam ko na kung sino ang tumatawag.

"Bakit Hunter?" rinig kung tanong niya sa kausap.

"Huh? Hindi ba at magkasama kayo sa bahay, paanong wala diyan si Linnea?"

"Baka uuwi din 'yan mamaya hintayin mo na lang. Susubukan ko din siyang tawagan."

Pagkatapos niyang sabihin ito ay ibinaba niya na ang tawag. "Kanina ka pa hinahanap ng asawa mo. Kung ako sayo ay umuwi ka na Linnea."

Umiling naman ako. "Dito na muna ako matutulog Aiden. Gusto ko lang makapag isip at hindi ko magagawa 'yon pag nakita ko siya." saad ko.

"Mapapatay ako ni Hunter kapag nalaman niyang tinago kita." natawa pa ito kasabay ng pag iling. "Kung tapos ka na ay magpahinga ka na muna sa kwarto." 

"Thank you Aiden, you're the best!" saad ko at niyakap siya. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kanyang kwarto. Halos buong gabi akong umiiyak, mabuti na lang at hindi pumasok si Aiden sa kwarto. Ayaw ko naman na makita niya akong miserable.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें