Chapter 6

1.8K 34 0
                                    

Linnea POV

Kinaumagahan ang nagising akong masakit ang buo kung katawan. Tatayo na sana ako ng mapansin kung may nakayakap sa aking bewang at ng tingnan ko ito ay nakita kung si Hunter ito na mahimbing na natutulog. Kapag tulog siya ay ang amo ng kanyang mukha pero kapag gising ito ay parang dragon na bigla ka na lang sisinghalan.

Pero kahit na gano'n ang ginawa niya sa akin, pinaglaruan niya ang katawan ko at ginawa niya akong isang parausan ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi humanga sa kanya. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko, gusto ko pa siyang makilala pa ng lubusan pero natatakot din ako.

Dahan dahan kung tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin at tumayo na para maligo habang natutulog pa siya.Hanggang ngayon ay pakiramdam ko pa rin na ang dumi dumi ko, kahit na ilang beses akong mag sabon ay hindi pa rin magbabago na hindi na ako birhen.

Saktong paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Hunter na nakaupo na habang may dalawang katulong na naglalagay ng tray na puno ng pagkain sa maliit na mesa, pagkatapos ay mabilis din silang lumabas ng silid.

Tumikhim naman si Hunter para makuha ang atensyon kung kanina pa nakatulala. "Let's eat at pagkatapos ay pwede ka ng umuwi." anas nito sa akin.

"Uuwi na ako, ayaw ko ng kumain." sagot ko naman dito.

"Kakain ka o hindi ka makakauwi? You choose Linnea," seryosong turan nito.

Padabog akong umupo habang siya ay nakita kung ngumisi. Nakakabwisit talaga ang lalaking ito kahit kailan!

Nagsimula na kaming kumain ng wala ni isa sa amin ang nagsalita na wari'y nagpapakiramdaman lang kami. Mayamaya pa ay nakita ko itong tumingin sa akin.

"What now?" I asked habang nakataas ang kilay.

"I just want to remind you what I said yesterday. You are now my property Linnea, kapag sinabi kung pumunta ka dito ay pupunta ka."

"You don't own my life Hunter!" inis na sigaw ko dito.

"Try me Linnea, try me."

Damn him! Dahil sa pagiging stupida ko ay nakatali ako sa demonyong ito! Pero dahil ako si Linnea hindi ako makakapayag na kontrolin niya ang buhay ko.Bilisan ko ang pagkain ko at ng matapos ako ay tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko sabay paalam sa kanya na aalis na ako. Tumango naman ito at pinahatid ako sa isa sa mga tauhan niya.

Habang nasa byahe ay tinanong ako ng driver kung saan ang address ko at sinabi ko na ihatid na lang ako sa bahay ng kaibigan ko. Ayaw kung malaman nila kung saan ako nakatira at baka malaman pa ito ng boss niya.

'Kahit naman hindi mo sabihin malalaman niya pa din, marami kayang koneksyon 'yon. Stupida! - kontra ng isip ko.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay ng kaibigan ko ay nagpasalamat ako sa driver at mabilis na bumaba ng kotse.

Diretso akong pumasok sa loob ng bahay ni Ciara at agad akong humiram sa kanya ng damit para maligo kahit na kakaligo ko lang ng umalis ako sa bahay ng lalaking 'yon.

Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa ref. para kumuha ng alak. Nakita ko naman na nakasunod lang ang mata ng kaibigan ko sa akin. Umupo ako sa tabi niya habang dala dala ang alak. "Hoy babae, may problema ka ba?" tanong nito sa akin.

"Wala, don't mind me." sagot ko naman at tinungga na ang alak sa basong hawak ko.

Ciara is my best friend, pero hindi ko kayang sabihin sa kanya ang problemang napasok ko dahil ayaw kung pati siya ay mapahamak.

Makakaganti din ako sa lalaki 'yon.

Hays! Ang sakit sa ulo ng pinasok ko, hindi mo naman kasi ako masisisi kung 'yan ang tingin ko sa mga mayayaman. Maliban kasi sa mapag api sila ay ginagamit nila ang pera nila at koneksyon lalo na sa mga mahihina na tao. Halos lahat pa ng mayaman ay may hindi ka aya aya na business. Naalala ko na naman ang tatay ko, namatay siyang hindi nabigyan ng hustisya. Pinagbintangan siyang magnanakaw sa pinagtatrabahuhan niya kaya pinakulong siya at dahil wala kaming sapat na pera noon ay wala man lang kaming nagawa dahil mayaman ang taong 'yo at kaya niyang bayaran ang mga pulis.

Hunter POV

Simula ng umalis si Linnea dito sa bahay ay nanatili lang ako dito at nagpahinga dahil wala naman na akong gagawin sa opisina. Inayos ko na lang ang iba pang mga papeles na naiwan ko para wala na akong problemahn pa. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras at hapon na, biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Linnea kaya nagpasya akong tawagan siya.

Ilang beses kung tinawagan ang phone niya pero walang sumasagot kaya nakaramdam ako ng inis. Sinubukan ko pa ulit hanggang sa may sumagot na. "Sino 'to?" bungad ng nasa kabilang linya.

Napakunot naman ang noo ko ng marinig ko na boses lalaki ang nagsasalita. "Who are you? Where is Linnea?" tanong ko dito.

"She's here, anong kailangan mo sa kanya? At sino ka?" tanong nito.

"Can you give her phone to her? I need to talk to her." I said.

"Lasing siya kaya hindi ka niya makakausap ng matino." sagot nito.

"Nasaan siya?" I asked.

Agad niya naman na binigay sa akin ang address kung nasaan si Linnea. Pagkababa ko ng tawag ay mabilis akong nagbihis at lumabas ng bahay para puntahan kung nasaan ang babaeng 'yon. Kailangan ko siyang mapauwi dito kahit na anong mangyari. Mabilis ang pagmamaneho ko at mabuti na lang ay walang traffic kaya walang naging problema sa daan. Halos isang oras din ang itinagal bago ako makarating sa address na sinabi ng lalaking kausap ko kanina.

Nang nasa tapat na ako ng gate ng bahay ay mabilis akong bumaba ng kotse at nag door bell, nakita kung may lumabas na babae dito at pinag buksan ako, tinanong ko agad kung nasa kanila ba ang babaeng sadya ko

"Who are you? Anong kailangan mo kay Linnea?" she asked.

"I'm here to take her home," sagot ko.

Nakita ko naman ang pagtataka sa kanyang mukha. "Wait, bakit mo siya kukunin? Hindi nga kita kilala eh. Saan mo naman siya dadalhin?" sunod sunod na tanong nito.

"Kilala ako ng kaibigan mo, kahit tanungin mo siya para malaman mong nagsasabi ako ng totoo." sagot ko sa kanya.

Nakita kung may lumabas na lalaki at naglakad papalapit sa babaeng kausap ko. "Sino 'yan?" tanong nito.

"Hindi ko alam, sabi niya ay kukunin niya si Linnea. Wala naman siyang nababanggit na may boyfriend siya right?"

Tumingin naman sa akin ang lalaki. "Ikaw ba ang tumawag kanina?" tanong nito sa akin.

Tumango naman ako. "Yes I am. I need to talk to her that's why I called." sagot ko naman.

"Boyfriend ka ba ng kaibigan ko?" singit ng babae.

"Shut up Ciara, ano bang tanong 'yan?" suway naman ng lalaki.

"Why kuya? Nagtanong lang naman ako."

Natawa na lang ako ng mahina sa pag uusap nila. Ako? Boyfriend ni Linnea? Malabong mangyari 'yon dahil kinasusuklaman ako ng babaeng 'yon ng dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Mukhang mapagkakatiwalaan ka naman, be sure na safe si Linnea." saad ng lalaki.

"Kuya! Bakit ka pumayag na dalhin ng lalaking 'yan ang kaibigan ko? Mamaya mapahamak pa 'yan." madiin na wika ng babae.

"If you don't trust me, this is my card. You can call me anytime." I said at ibinigay sa kanila ang card ko.

Niyaya naman nila ako na pumasok sa loob para kunin ito, hindi naman na ako nagtagal do'n at nagpaalam na sa kanila na aalis kasama si Linnea. Nang una ay ayaw pang pumayag ng babae mabuti na lang at nandyan ang kapatid niya para mapigilan siya, naiintindihan ko naman kung bakit gano'n ang reaksyon niya dahil hindi niya ako kilala.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Where stories live. Discover now