Chapter 18

1.1K 23 0
                                    

Hunter POV

Simula ng makuha ko si Linnea hanggang sa maiuwi ko siya ay hindi pa din siya nagigising, hindi ko alam kung ano ang ginawa sa kanya ni Aiden pero ang dami niyang mga pasa sa katawan at may mga dugo pang namumuo sa kanyang labi.

Mabilis kung tinawagan ang kaibigan kung doctor para matingnan niya ito, hindi pwedeng hindi ko malaman kung maayos lang ito o hindi. Naghintay lang ako ng ilang minuto ng dumating ito ata agad na inasikaso si Linnea.

"Okay lang ba siya Kier?" tanong ko.

"Ano bang ginawa mo sa kanya? Hindi ko alam na ganito ka ka sadista pagdating sa kama." anas niya.

"What are you talking about? Si Aiden ang may gawa sa kanya niyan at hindi ako." inis na anas ko.

Umiling iling naman ito ng ilang beses. "Nagkaroon siya ng internal bleeding kaya nagkaganito siya. She needs rest para mabawi niya ang lakas niya. Pag nagising siya ay pakainin mo siya at ito ang mga gamot na ipainom mo sa kanya." paliwanag nito.

Naikuiyom ko naman ang kamao ko dahil sa galit. Tangina talaga ni Aiden para pahirapan niya ng ganito si Linnea.

"Hindi ko alam na bumalik na pala si Aiden." saad niya.

"Matagal na siyang nandito at sakit pa din siya sa ulo ko." anas ko.

Natawa naman siya. "Para siyang bata na naghihiganti kahit hindi naman dapat, pasalamat siya at hindi mo pa siya pinapatay kahit alam naman natin na kaya mong gawin 'yon."

Bumuntong hininga naman ako. "Hindi naman ako gano'n kasama para gawin ang bagay na 'yon. Halos kapatid na ang turing ko sa kaya at malaki ang respeto ko sa mga magulang niya. Umaasa pa din ako sa balang araw ay magbago siya." wika ko.

"Pero tingnan mo naman ang ginawa niya sa babaeng pagmamay ari mo, huwag mong sabihin na papalampasin mo lang 'yon."

"Iyong ginawa niya kay Linnea ang hindi ko mapapalampas, sa tingin mo ba papayag ako ng gano'n lang. Huwag lang talaga siyang magpapakita sa akin, hayop siya!" seryosong turan ko.

Nag usap lang kami saglit bago siya nagpaalam dahil may kailangan pa siyang gawin. Nang makaalis na siya ay umupo ako sa tabi ni Linnea, hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagigising, akala ko kanina ay natutulog lang siya.

Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya ay hindi ko maiwasan na hindi hawakan ang kanyang maamo na mukha, she's a really gorgeous kahit pa may mga sugat at pasa ito. Hindi ko maisip kung ano ang ginawa sa kanya ni Aiden para magka ganito siya, mukhang ginamit niya na naman si Linnea. Inuubos talaga ng gago na 'yon ang pasensya ko.

Kinuha ko ang phone ko para sana tawagan ang gagong Aiden ng nakita kung tumatawag siya sa screen kaya sinagot ko agad ito

"Gago ka talaga Hunter kahit na kailan, hindi ka talaga papayag na malamangan." bulalas niya.

"So? Is that the reason why you want to be like me right Aiden? Pero mukhang hanggang ngayon ay hindi ka pa rin natututo."sagot ko naman sa kanya.

Alam kung sagad sa buto ang galit niya ngayon dahil sa hindi niya nakuha ang gusto niya. Hindi pa ako tanga para ibigay sa kanya ang hinihiling niya, hindi ako papayag na mapunta sa wala ang pinaghirapan kung ipundar.

Narinig ko naman ang pagtawa nito sa kabilang linya. "If you think you win against me Hunter you are wrong. Hindi porke't nabawi mo na si Linnea ay okay na. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo."

"Shut up fucker! Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo kay Linnea? Nang dahil sa katarantaduhan mo ay hindi pa siya nagigising hanggang ngayon! Subukan mong galawin ulit siya at ako na mismo ang papatay sayo." seryosong turan ko.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon