Chapter 24

1K 21 0
                                    

Aiden POV

Hindi ko talaga lubos maisip na darating ang araw na magkaayos pa kami ni Hunter at tutulungan niya pa ako sa problemang meron ako. Alam ko sa sarili ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya dahil sa panggugulo ko sa buhay niya at ginawa ko kay Linnea kaya hindi ko inaakala na mapapatawad niya pa ako. Masyado akong naging abala sa paghihiganti ko sa kanya kahit alam ko naman na wala siyang kasalanan sa akin at sa mga magulang ko, namatay ang Daddy ko dahil sa kakompetensya niya sa business at namatay ang Mommy ko dahil hindi niya kinaya ang pagkawala ni Dad pero lahat ng 'yon ay sinisi ko kay Hunter. Hanggang sa napabayaan ko na ang kompanya namin, kaya ako umuwi dito sa Pinas para magbakasali na masolusyunan ko ang problema at mabayaran ko lahat ng investors pero nakilala ko si Linnea kaya nawala sa isip ko kung ano ang dahilan ng pag uwi ko.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Hunter dahil kalalabas lang namin sa hospital ni Linnea at kagaya ng pinangako niya sa akin ay tutulungan niya ako, binayaran niya ang mga investors na pinagkakautangan ko at saka binili niya ulit ng buo ang kompanya at tinulungan ako na makabangon ulit.

Binilhan niya din ako ng condo para do'n na ako tumira, ayaw ko naman kasi na dito sa kanila mag stay, gusto kung ituloy ang buhay ko na hindi umaasa kay Hunter. Ngayon ay nasa byahe na kami pauwi, walang ni isa sa amin ang sumubok na magsalita.

"Ahm, Hunter kasi ano.." biglang basag ni Linnea sa katahimikan.

"What is it?" tanong naman ni Hunter.

"Eh kasi si Ciara tumawag sa akin kanina, pupunta daw siya sa bahay kasi nabalitaan niya ang nangyari sa akin kaya gusto niya akong bisitahin." wika nito.

"Sure, she can go in the house anytime."

Hindi din nagtagal ay nakarating kami sa bahay, sinalubong kami ng mga katulong nito at kinuha ang mga gamit ko. Pagpasok namin sa bahay ay may biglang yumakap kay Linnea.

"Best!! Kamusta ka? Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ng babae, mukhang ito ang kaibigan na tinutukoy ni Linnea.

She's gorgeous and sexy.

"Ano ka ba naman! Aksidente lang ang nangyari sa akin, kaya huwag ka na mag alala dahil okay na ako." natatawanag sagot naman ni Linnea.

Kumunot naman ang noo ko at tumingin kay Hunter pero nagkibit balikat lang ito. Hindi ko alam kung bakit hindi nito sinabi sa kanyang kaibigan ang totoong nangyari.

"By the way best, this is Aiden kaibigan siya ni Hunter." pagpapakilala sa akin ni Linnea.

Ngumiti naman ang babae sa akin. She's really pretty. "Hi nice to meet you, I'm Ciara Hendrix, best friend of Linnea."

Ngumiti naman ito dito. "Nice to meet you too."

Niyaya naman muna ako ni Hunter na umakyat sa taas , dito na kasi muna ako ng mga ilang araw hanggang sa gumaling ako at lumipat sa condo.

Ciara POV

"Best hindi mo naman sinabi na may pogi pa lang kaibigan si Hunter maliban do'n kay Dane na kahit anong pagpapansin ko ay walang epekto sa kanya, bakla yata 'yon eh." wika ko sa kaibigan ko habang nakaupo kami dito sa sala.

"Hindi ba pwedeng hindi lang talaga ikaw ang type ni Dane, kaya hindi ka pinapansin." pang aasar naman ni Linnea.

Inirapan ko naman siya. "Sa ganda kung ito ay iisnobin niya lang?" turan ko. "Pero maiba tayo single ba 'yong Aiden?" dagdag ko pa.

"Hindi nga kasi ikaw 'yong tipo ni Dane at isa pa wala 'yan sa isip niya dahil mas focus siya sa trabaho niya. Bakit natanong mo si Aiden?"

"Ang pogi niya kasi at ma appeal kaya kung ayaw sa akin ni Dane ay baka pwede na si Aiden." ani ko.

"Isa kang maharot!"

Hindi din nagtagal ay bumaba na din ang dalawa kaya nagsimula na kaming kumain ng hinanda ng mga katulong nila at pagkatapos ay napagpasyahan namin na mag inuman dahil mag gagabi na naman din.

Marami kaming napagkwentuhan habang nag iinuman, samantalang si Aiden ay tahimik lang at minsan lang magsalita kaya mas kinukulit ko ito. Mayamaya pa ay tumayo si Hunter at naglakad papunta sa terrace at sinundan naman siya ni Aiden.

"Hoy Linnea Georgenia, anong meron sa inyong dalawa ni Hunter?" usisa ko sa kaibigan ko.

Nagkibit balikat naman ito. "Ano bang tanong 'yan Ciara, chismosa ka talaga eh."

"Aba dapat lang magtanong ako 'no, ilang buwan na dito ka nakatira sa bahay niya imposibleng walang namamagitan sa inyo, hindi mo ako malolokong babae ka." kako sa kanya at hinila ang buhok niya.

"Hindi ko nga alam, hindi pa namin napag uusapan ang bagay na 'yan."

Hindi na ako nagsalita pa dahil mukhang wala akong makukuhang sagot sa babaeng ito.

Sa kabilang banda naman ay magkatabing nakatayo sa terrace ang dalawang binata.

"Salamat sa lahat." Aiden said to Hunter.

Napatingin naman ang binata sa kanya. "You don't need to thank me, hindi ka na iba sa akin sa simula pa lang at ginusto kung tulungan ka." sagot naman nito.

"Hindi na ako magtataka kung bakit minahal ka ni Linnea. "Napatingin naman sa kanya si Hunter na animo'y nagtataka sa kanyang sinabi. "What now? Anong klaseng tingin 'yan, nagsasabi lang naman ako ng totoo. At mahal ka ni Linnea dahil kung hindi ay hindi siya babalik sayo. Kahit na ako ang kasama niya ay ramdam kung ikaw ang iniisip niya, I did everything pero wala eh, ikaw talaga ang mahal niya." mahabang litanya ni Aiden.

Hindi naman nakaimik si Hunter dahil maging siya ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Ang nasa isip niya ay siya lang ang nahuhulog sa dalaga at ngayon na nalaman niya kay Aiden ang bagay na ito ay sumiklab ang pag asa sa kanyang puso. Alam niya noon ay walang pag asa na mahalin siya ni Linnea dahil alam niyang siya ang naging dahilan kung bakit nadawit sa magulong mundo niya ang dalaga.

Napansin naman ni Aiden ang pagtahamik ni Hunter kaya inakbayan niya ito. "Mag plano ka na kung paano mo siya mapapa oo." biro nito.

Mayamaya pa ay napagpasyahan nilang bumalik nasa loob para tingnan ang dalawang dalaga at naabutan nila itong nakahiga nasa sofa, mukhang lasing na ang mga ito kaya sabay silang nagkatinginan at napailing.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Where stories live. Discover now