Chapter 19

1.3K 25 0
                                    

Hunter POV

Ilang araw na ang lumipas simula ng makuha ko si Linnea kay Aiden, hindi pa siya tuluyang nakakarecover pero mas maayos na siya kumpara ng una ko siyang makita. At ngayon ay may hinanda ako sa kanyang sorpresa. Pinili kung dito na lang sa pool area gawin 'yon kaysa lumabas pa kami. Maaliwalas at refreshing ang lugar na ito at alam kung nakakagaan sa pakiramdam niya.

Nang maayos na ang lahat at saka na ako umakyat sa kwarto para tingnan kung gising na ito. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaupo na sa kama.

"Goodmorning. Hindi ka pumasok?" tanong niya sa akin.

Naglakad naman ako palapit sa kaya. "Wala naman ako masyadong gagawin sa opisina kaya okay lang. Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.

"Mas okay na ngayon hindi katulad ng mga nakaraang araw."

"Good to hear that, halika at nagpahanda ako ng breakfast." aya ko sa kanya at iginaya na siya palabas ng kwarto.

Nang makarating na kami sa pool area ay kita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata, napatutop pa ito sa kanyang bibig. "Is this for me?"

Tumango naman ako. "How was it? Do you like it?" tanong ko.

"I love it." masayang sagot niya. Kinuha ko ang rosas na pinabili ko kanina.

"For you." at inabot ko sa kanya ang bulaklak.

Tinanggap niya naman ito habang nakangiti. "Thank you for this Hunter."

Inalalayan ko siyang umupo sa mesa na may nakahandang pagkain at pagkatapos ay umupo na din ako sa kabila sa harap niya.

"Anong meron? Bakit biglang may paganito ka? Hindi ko alam na may ganitong side din pala ang isang Hunter Silvestre." natatawang sambit niya.

"Wala naman, gusto ko lang bumawi sayo dahil sa nangyari." kako at nilagyan ng pagkain ang kanyang plato.

"You don't need to do this, hindi mo naman kasalanan eh ang importante ay iniligtas mo ako."

"Kahit na, siguro kung hindi kita pinilit na pumasok sa buhay ko ay hindi mangyayari sa'yo ang bagay na ito, hindi mo sana naranasan ang mga nararanasan mo ngayon. Sana naging masaya at normal pa rin ang buhay mo kagaya dati no'ng hindi mo pa ako kilala. If I could turn back time sana hindi ko hinayaan na mangyari ang lahat ng ito." seryosong turan ko.

Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi mo kailangan ma guilty sa bagay na nangyari sa akin dahil alam ko naman na hindi mo din ito ginusto. You already warned me at first pero matigas ang ulo ko, ako din ang nagpasok ng buhay ko sayo. Huwag kang mag alala alam kung matatapos din lahat sa tamang panahon. Kahit na hindi naging maganda ang pagkakilala natin ay masaya pa din ako at utang na loob ko sa'yo ang buhay ko dahil ilang beses mo na akong na ligtas sa kapahamakan. No'ng una akala ko wala ka talagang pakialam sa ibang tao, kaya ng sinabi ng mga katulong at ibang tauhan mo kung gaano mo sila pinapahalagahan ay hindi ako naniniwala dahil nga iba ang pagkakilala ko sayo, pero sa ilang buwan na nakasama kita sa iisang puder ay masasabi ko na hindi ka naman talaga masamang tao."

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya, noon akala ko ay hindi na ako makakaramdam ng ganito, hindi na ako magkakaroon ng pakialam sa iba pero nagbago lahat 'yon ng makilala ko siya. Nagkwentuhan na lang kami habang kumakain. Sana ganito na lang palagi, sana ay walang problema, pero alam kung hindi pa 'yon mangyayari sa ngayon lalo na't nandyan pa si Aiden.

FASTFORWARD ...

Tuluyan na nga na gumaling si Linnea at nawala na din ang mga sugat niya sa mukha at katawan niya na laking ipinagpapasalamat ko. Habang siya ay naiwan sa bahay ako naman ay pumasok na sa opisina dahil marami din akong iniwan na trabaho simula ng mawala siya.

Naging maayos ang pagsasama naming dalaw kahit na may oras pa din na madalas siyang mapikon, siguro gano'n na talaga siya. Kung ano ang relasyon namin ay hindi pa kami nakakapag usap sa bagay na 'yon.

At ngayon ay sabado kaya nandito lang ako sa bahay at sinamahan ko siyang manood ng movie, siguro kung wala dito si Linnea ay nasa opisina ako panigurado.

"You know what Hunter, simula ng makilala kita ay hindi pa kita nakikitang tumawa, pero minsan naman ay nakikita kung ngumingiti ka." biglang pagbasag niya sa katahimikan.

"Ano naman ngayon? Pareho lang naman ang dalawang 'yon at okay ng nakita mo akong ngumiti huwag kang abusado." anas ko.

Ngumuso naman ito. "Wala naman kasing masama kung ngingiti o tatawa ka eh., natural naman 'yon sa tao dahil hindi ka naman robot. At isa pa nakakabawas stress 'yon at hindi nakakatanda."

Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Anong akala mo sa akin matanda na? Ang gwapo ko naman para maging gurang." angil ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Wala naman akong sinasabing ganyan! Anyway, pupunta pala dito si Ciara sa bahay ngayon, ayos lang ba?"

"Ngayon ka pa nagtanong kung kailan pupunta na." saad ko.

"Bakit? Bawal ba?"

"Hindi ko sinabing bawal, she can go here anytime. Anong oras ba siya pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Mayamaya ay nandito na 'yon. Sabi niya kasi kanina ng tumawag siya ay may dadaanan lang siya at pagkatapos ay didiretso na siya dito."

Tumango lang ako at ibinalik ang mga mata ko sa palabas na pinapanood namin, hanggang sa maalala kung may sasabihin pala ako sa kanya. "Linnea?" pagkuha ko sa atensyon niya.

"Bakit?"

"You can go back to your work." saad ko.

"Nasa trabaho naman na ako, ikaw na nga ang nagsabi sa akin na I'm working in you right? Hindi ko nga lang alam kung ano ang trabaho ko." at tumawa pa ito.

"Hindi gano'n ang ibig kung sabihin." anas ko.

Napatigil naman siya sa pagtawa. "Eh ano?"

"Ang ibig kung sabihin sa dati mong trabaho, hindi ba at nagresign ka lang naman ng dahil sa akin?" pagklaro ko.

Nakita ko naman na biglang lumungkot ang kanyang mukha. "B-bakit? Pinapalayas mo na ba ako?"

"Silly! It's not like that. Ang sinasabi ko lang na pwede ka na bumalik ulit sa trabaho mo kung gusto mo lang naman. I know how you love your work, you are willing to risk your life right? Kaya nahit na binalaan na kita dati ay hindi ka pa din tumigil." anas ko.

"Tama ka nga na mahal ko ang trabaho ko kasi 'yon ang bumuhay sa akin at do'n ako nagtagal. Iyon ang tumulong sa akin para mabuhay, kaya hindi madali sa akin ang magdesisyon na umalis ng mga panahon na sinabi mong magresign na ako."

"That's why I'm allowing you to come back, siguro naman ay tatanggapin ka nila ulit dahil isa ka sa magaling nilang empleyado at kapag hindi ay ako ang bahala." seryosong turan ko.

Nakita ko naman ang sunod sunod niyang pag iling na ikinataka ko. "Kapag bumalik ako ay alam kung hassle sayo, ayaw ko naman na hindi ka din makapag concentrate sa trabaho mo.

"What do you mean by that?" tanong ko sa kanya.

"Hunter, alam kung hindi mo naman talaga gusto na bumalik ako sa trabaho. Alam natin pareho na hindi pa tapos ang problema tungkol kay Aiden at ayaw ko naman na mag alala ka sa tuwing papasok ako sa trabaho at ayaw kung makadagdag pa sa alalahanin mo. Alam kung hindi pa safe sa akin ang lumabas labas sa ngayon."

Hindi na ako nagsalita dahil naiintindihan ko naman ang punto niya, ako lang din ang iniisip niya. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa mga sinabi niya, ngayon ay nararamdaman kung mahalaga ako sa kanya dahil iniisip niya ang kapakanan ko at pati ang problemang meron kami.

"Ano naman ang nginingiti mo r'yan?"

"Wala naman, may iniisip lang ako." sagot ko sa kanya.

"Ang sabihin mo kinikilig ka lang! Nahiya ka pang umamin sa akin."

"Ano ako ikaw? Ang pagkakaalam ko ikaw ang madalas pamulahan ng mukha ah."

"Oh shut up!" natawa na lang ako dahil sa inasta niya.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Where stories live. Discover now